Dragon Prince
༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻
Alluna Cayrie Arcane's Point of View
Kanina pa ako palibot-libot dito at hinahanap sina Fyre at Shade. Nahiwalay kasi ako sa kanila eh, dahil nong papunta sana kami sa may fountain bigla nalang kasing may dumaan na maraming peace keepers kaya natumba tuloy ako. At nong makatayo na ako ulit ay di ko na sila makita kaya ang labas, heto ako ngayon at naisipan nalang na libutin ang paligid, malay mo at makita ko sila sa paglibot-libot ko hindi ba? Lalo na ngayon, nandito ako sa harapan ng isang shop kung saan may mga tinda syang lucky charms. May nakita naman akong mga napili ko at saka ko yun kinuha. Pero nabalik ko yun sa dating pwesto nila nong makakita ako ng isang lucky charm. Maganda sya, isa syang bracelet. Kaya kinuha ko nalang at binili ko. Pati na yung mga kinuha ko kanina ay binili ko na rin at tinago ko.
Di ko mapigilang wag mapangiti habang nag lalakad ako. Feel ko sobrang saya ko ngayon sa ginawa ko. Wala lang, feel ko lang talaga yun😁. Napatigil naman ako sa paglalakad nong makalanghap ako ng masarap na amoy. Kaya napalingon ako kung saan yun galing at nong makita ko na nga yung food stall ay agad-agad akong kumaripas ng takbo palapit don. Di maiwasan ng mga mata kong kuminang-kinang habang nakatingin sa mga masasarap na pagkaing nakabalandara.
" Magandang umaga hija, ano sa iyo? "
" Ito pong akin, tas ito, ito, ito, at ito po. "
Masayang bigkas ko habang nakaturo sa mga pinili ko. Habang kumukuha si manong ng bulseta para lagayan nong mga pagkaing bibilhin ko ay kinapkap ko ang maliit na pocket bag na may lamang gold and silver coins. Yun kasi ang pera namin, ngayon ko lang din alam eh. Di naman kasi ako humahawak non dahil si Sparrow lang yung pinapadala ko ng pera. Binigyan kami ni Sirus ng tag iisang maliit na pocket bag para daw magamit namin. Kaso nong di ko makapkap ang pocket bag sa bulsa ko ay kinakabahan na akong napasilip sa bulsa ko. At nanlalaki ng sobra ang mga mata ko nong di ko na talaga to makita dahil wala na sya sa loob ng bulsa ko???😱. Yung pinag bili ko kasi ng mga lucky charms kanina. Nasa kabilang bulsa ko yun nilagay eh at iilan lang din yun . Halos maiyak iyak na ako dito sa kinatatayuan ko. Dahan dahan at luging lugi akong napatingin kay Manong na mag papasok pa sana ng pagkain sa bulsetang hawak nya.
" A-Aah, manong. Pasensya na, di ko pala mabibili yan. N-Nawala ko kasi ata ang pera ko😢. "
Napakamot naman sya sa ulo nya na napatingin sakin.
" Ahh, ganoon ba hija. Okay lang yun sa susunod ka na lamang bumili. "
Tinanguan ko naman sya at humingi ulit ako ng paumanhin bago umalis. Nong makatalikod naman ako at nag simulang mag lakad ay para akong pinag bagsakan ng langit at lupa. Nakayuko lang ako habang naglalakad. Nang bigla naman akong nabunggo ng mga batang nag tatakbuhan kaya napaatras ako dahil na din sa malakas na pagbangga sakin nong isang bata. Eh wala nga ako sa sarili ko habang nag lalakad diba? Kaya ang labas. Napa atras ako at nawalan ng balanse kaya alam ko ay babagsak ang katawan ko sa lupa. Ano ba naman to oh, bakit ang malas malas ko sa araw na to?? Eh tong araw na to sana ang start ng one week celebration para sa blue moon festival diba?? Tsk, kainis naman ohh 😕. Kaya heto nalang ako at nag aantay na mahulog sa lupa ang pwet ko habang nakapikit ang mata. Nong bigla naman akong nakaramdam ng dalawang pares ng kamay na sumalo sakin.
" Are you okay, Alluna? "
😳
Ganito ang mukha ko ngayon nong mag mulat ako ng mga mata. Alluna? Pano nya nalaman yun? Kaya nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya at inayos ko na rin ang pag kakatayo ko kaya nag kaharap na kaming dalawa ngayon.
YOU ARE READING
The Dusk Descendants: Hidden Truth
LosoweIn twilight's realm, where secrets lie, Two twin vampires, under night's eye, Bound by blood, yet torn apart, Their souls entwined, though worlds apart. Through veils of shadows, they search and roam, In separate lands, they find their home, Yet in...