Hidden Truth 29 :Donjon Forêt

11 0 0
                                    


                 Donjon Forêt

༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻



Alluna Cayrie Arcane's Point of View


Patingin tingin ako sa paligid . Nasa gitna kami ngayon ng gubat dahil kailangan naming mag pahinga at pagod na rin ang mga griffins. Sina Leane , Lance at Sirus naman ang pumili ng gubat na to at alam nilang ligtas dito kaya pumayag na kami . Sila lang yung may alam eh . Yung mga lalake ay may kanya kanyang ginagawa . Yung iba ay kumuha ng kahoy para sa pag gawa ng apoy at yung iba naman ay kumuha ng mga prutas para makain namin . At dahil gumagabi na ay kanya kanya naman kaming mga babae sa pag hahanda ng matutulugan . Lahat kami ay matutulog sa damuhan ngayon . Napatingin naman ako kay Sparrow na nag hahanda ng matutulugan naming dalawa . Actually , mag kakatabi lang daw kami ngayong mga babae at sa kabila ang mga lalake . Aba , syempre naman .



" Okay ka lang ba Sparrow? Pwede naman akong tumulong sayo eh."


Tanong ko sa kanya habang napakamot sa batok ko . Kasi naman , kanina nya pa akong pinipigilan sa tuwing aaksyon ako sa pagtulong sa kanya .



" Dyan ka nalang Arcane . Kaya ko na to . "



" Bakit ba ayaw mo kong tumulong sayo?."



Tanong ko habang nakanguso . Kasi naman ehh!. Agad naman syang tumingin sakin saka ako sinagot.


" Dyan ka nalang kasi baka masira pa tong inaayos ko. "


" Di ko naman sisirain yan eh. ."



Pag mamaktol ko saka ako nag lakad paalis nalang dahil kahit anong gawin kong kumbinsi kay Sparrow ay di parin sya papayag .

At imbis na makipagtalo pa ako kay Sparrow . Nag lakad lakad nalang ako at tinitignan ang paligid . Kasama ko naman si Echo kaya walang problema. Ang kaso nga lang ay natutulog sya sa may braso ko . Habang patuloy ako sa pag lakad . Ay napangiti naman ako nong makakita ang ng magagandang bulaklak . Pero may isang bulaklak akong nahuli na syang nag bigay interes sa mga mata ko . Nilapitan ko naman yun .



" Echo, look here. Am I seeing it right? A shining shimmering green flower? Wait, may color green ba na bulaklak? Parang wala naman akong nadinig na ganon. But, hey, I actually see one! "


I really look like crazy na nakikipag usap kay Echo na natutulog sa loob ng cloak ko. Kaya mukha na din ang baliw na nakikipag usap lang sa sarili ko o di naman kaya ay sa hangin😕 . I just found myself mesmerized by the the flower . Di ko alam pero parang gusto ko tong pitasin at dalhin pabalik sa camp. Pipitasin ko na sana ang bulaklak nong mapatingin naman ako sa paru-paro na papunta sa bulaklak . It's a blue shimmering butterfly . Sobrang ganda nito . Kaya umupo na talaga ako sa damuhan habang tinitignan ng matagal ang paru-paro . Sa ngayon , masasabi kong mas maganda pa sya kesa sa bulaklak . (◍•ᴗ•◍)✧*。

The Dusk Descendants: Hidden TruthWhere stories live. Discover now