༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻
Chapter 39 - Missing
༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻
※☬※ Other Person P. O. V ※☬※
Pagkatapos naman na umalis ni Arcane ng walang paalam ay marami na ang mga nangyayari. Sa lugar kung saan nandoon ang grupo nina Blood at pati na sa grupo ni Zynia na ngayon ay naka bantay lang sa ibang mga vampirang bata na ngayon ay nasa ibang domain na nila muna ini-evacuate , kanya-kanya lamang sila ng ginagawa, kanya-kanyang pakikipaglaban ang nagaganap. Dahil unti unting dumadami ang mga kalaban na dark creatures. Tulad na lamang ng kambal na Lureax at kasama nila ngayon ang magkapatid na sina Shade at Shadow. Dahil tanging sila lang naman ang makakatulong na matalo at maitaboy ang mga soul eaters o soul takers . Sila lang ngayon ang humaharap sa mga ito dahil iba iba din ang mga kaharap ng mga kasamahan nila ngayon . Iba't-ibang klase ng mga dark monsters. Ang kaibahan lang ay medyo malakas to at medyo mahirap matalo kahit na mostly ay mga insanes at fiends lang ang umaatake. At kahit na sila lahat ay di mapakali dahil may mga iniisip din sila, tulad nalang nina Flynn at Xhynn na iniisip ang kalagayan ni Arcane ngayon kung okay lang ba to o ano.
" Why do I feel strange?? "
Biglang wika ni Flynn pagkatapos nyang mapatumba ang isa sa mga kalaban habang bigla nalang napahawak sa dibdib nya. Bigla namang napalingon si Xhynn at Shade sa kanya. Kitang kita ni Shade na di din mapakali ang mukha ni Xhynn, nasa mukha nya ang pagkabahala. Wala din to sa konsentrasyon ngayon. Pero nawala rito ang atensyon sya at nalipat sa kalaban na sana ay aatake sana sa magkambal , buti nalang at mabilis ang reflexes nya. Pagkatapos nyang matapos ang tatlong kalaban ay hinarap nya ang magkapatid na parehong di maipinta ang mukha, at kahit na di nila ito ipinapakita sa iba ay nahahalata nya parin yun.
" I know na gusto nyo nang tumakbo para balikan si Arcane. Alam ko naman na nababahala na kayo dahil sa sinabi ni Leane kanina na umalis sya sa Dorm Chamber .Pero kailangan muna nating matapos lahat ng to . Di naman siguro pababayaan ni Leane si Arcane diba? "
Sabay naman na huminga ng malalim ang magkaatid at tumango sa sinabi ni Shade. Napabaling din ang atensyon ni Shade sa kapatid na bigla nalang natigilan.
" Are you okay Shadow? "
Dahan dahan naman syang tinanguan nito. Pero alam nya na may bumabagabag sa isip ng kapatid nya.
Habang sa banda naman kung nasaan si Blood. Pagkatapos nitong mahati sa dalawa ang kalaban ay natigilan na lamang kumirot ang braso nya sa parte kung saan may marka. Agad naman tong napansin ni Fyre na syang malapit lang din naman sa pwesto nya at pati na ang fiend na aatake na kay Blood galing sa itaas.
" Kuya Blood, Ilag! "
Kasabay ng pag sigaw nya ay ang pag palo nya rin dito ng whip nya pero tanging ang dalawang fiends lang ang natamaan nya. Agad naman na nabalik sa ulirat si Blood at nagawa nyang matamaan sa sword nya ang dalawa pang fiends na papunta sa kanya. Agad naman napahinga ng malalim si Fyre dahil sa nangyare. Pero laking gulat nalang nila lahat nong biglang lumindol ng malakas. Agad naman nakahanap ng mahahawakan ang iba, pero huli na nong makahanap pa ng mahahawakan si Fyre at Scarlet. Buti nalang ay agad na nahawakan ni Frost ang kamay ni Scarlet at nahila to patungo sa kanya.
" Aray hah! "
Nong mahila kasi to ni Frost ay deretso sya landing sa katawan nito at dahil medyo pabigla bigla ang pag kakahila nya ay talagang medyo nasaktan nga sya don 😅 .
" Just be thankful that I pulled you. Or else, isa ka sa mga fiends at insanes na parang roller coaster don. "
Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Scarlet sa itinuro ni Frost. Di nalang sya nagsalita pa at nanatiling tahimik. Habang si Fyre naman ay pabalik balik ang tingin sa dalawang lalakeng nakahawak sa magkabilang kamay nya ngayon. Tumingin sya sa kabila at napangiti.
YOU ARE READING
The Dusk Descendants: Hidden Truth
De TodoIn twilight's realm, where secrets lie, Two twin vampires, under night's eye, Bound by blood, yet torn apart, Their souls entwined, though worlds apart. Through veils of shadows, they search and roam, In separate lands, they find their home, Yet in...