The Auction
༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻
Alluna Cayrie Arcane Point of View
~ voice of kids humming ~
~ kids giggling ~
~ mga tapak ng mga batang halatang nag tatakbuhan at nag hahabulan ~
Napamulat ako ng dahil sa mga naririnig ko. Nag simula akong mapalingon-lingon sa paligid ko nong mapansin kong nasa ibang lugar ako. Sobrang pamilyar ng lugar kung saan ako ngayon. Pero di ko naman maalala kung saan ko to nakita. Dahan dahan akong tumayo at pinagpagan ang damit na suot ko . At saka ako nag simulang mag lakad. Lakad lang ako ng lakad at kahit saan ako mapunta ay puro mga bulaklak at damo lang ang nakikita ko. Nandito kasi ako sa parang isang mapatag na lugar. Sobrang ganda ng lugar na to at sobrang ganda din ng hangin.
*** giggles ***
Napalingon-lingon naman ulit ako nong narinig ko ulit ang mga tawanan ng mga bata, mga yapak ng takbuhan nila. Kaya mas napapabilis ang paglalakad ko. Hanggang sa mapunta ako sa may isang pavilion na punong puno ng bulaklak. Hanggang sa napahinto ako sa paglalakad nong may dumaang tatlong paru-paro sa harapan ko. Sinundan ko ito ng tingin, mag kaiba sila ng kulay. Yung isa kulay violet, yung isa, kulay blue, at ang huli naman ay kulay red. At sa kakasunod ko ng tingin rito ay saka ako nagulat nong makita kong naging tatlong batang babae ito. Ang kaso lang, lumalabo ang pananaw ko sa tatlong batang babae. Kaya napapikit ako ng mga mata ko, pero kahit anong gawin ko ay ganon parin. Malabo parin sila sa paningin ko . Hanggang sa napatingin sila sa dereksyon ko. At nong mangyare yun. Ay biglang sumakit ang dibdib ko kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Na parang patuloy na binibiak, at ang dibdib ko naman ay parang pinagsasaksak ng ilang beses. Pero di ko parin magawang ialis ang tingin ko sa tatlong batang babae. Sino ba talaga kayo?
" Tigilan nyo na ako!! "
" Luna "
Nong banggitin naman nila ng sabay ang pangalan ko ay mas lalong sumakit ang ulo at ang dibdib ko. Na syang dahilan ng pagsigaw ko.
" Aaaaaaaaahhhhh!!!!! "
•◌•◌•◌•◌•◌•◌•◌•★•◌•◌•◌•◌•◌•◌•◌•
" Aaaaaaaaahhhhh!!!!! "
Agad naman akong napamulat ng mga mata ko. At kasabay non ay ang sobrang bilis kong pag hinga. Na para bang kagagaling ko lang sa pagtakbo ng malayo.
" Arkie? Are you okay? You worried us too much. "
Dahan dahan naman akong napa angat ng tingin kay Leane na naka upo sa kama kasama sina Fyre at Shade.
" Are you really okay, Ate Arcane? You're not hurt? Or what? "
" We all rushed here after we heard your scream. And we've been trying to wake you up, but you're not responding. Instead, you even told me to stay away from you. Kaya nag alala kami lalo sayo."
Halatang kinakabahan talaga silang tatlo. Dahil agad silang napayakap sakin matapos nilang sabihin yung mga sinabi nila kanina. At ako naman... litong lito, ni di nga mag sink in sa utak ko ang nangyare kanina sa panaginip ko. At kahit na litong lito pa ako, ay pinilit kong kumalma para mapakalma ko na rin ang tatlong to. Tinignan ko naman sila at saka ngumiti.
YOU ARE READING
The Dusk Descendants: Hidden Truth
RandomIn twilight's realm, where secrets lie, Two twin vampires, under night's eye, Bound by blood, yet torn apart, Their souls entwined, though worlds apart. Through veils of shadows, they search and roam, In separate lands, they find their home, Yet in...