༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻
Chapter 38 - Trouble༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻
※☬※ Zynia Kearie P. O. V ※☬※
Tulad nga ng sinabi nila sakin na bali-balita na fake news naman talaga . Dinig na dinig ko ang mga bulong bulongan daw nila na parang hindi naman ata bulong ( may bulong ba na malakas??? ) . Yun nga, halos parang ipag sigawan na nila ang fake news na pinagkakalat nila at parang pinaparinig na nila sakin . Kahit na sa'ang lugar ako pumunta ay always present ang fake news ehhh. Kaya kahit saan ako pumunta ay lage ring sira ang araw at gabi ko😒.
At ngayon nga, nandito ako sa may secret hide out ko dito sa Academy , para lang naman kasi syang lumang garden na tanging iilan lang ata ang nakaka alam? Habang naka upo o sabihin na nating nag tatago na din. Gusto ko lang kasi munang mapag isa lalo na sa ngayon na kalat na kalat pa yung fake news na yun dahil talagang maiinis lang ako lalo. Kaya dito muna ako nagpapalipas ng oras at nagpapalamig. Nag pa alam narin naman ako sa kanila at sinabing may pupuntahan pa ako. Reason ko lang naman yun. And while I'm in the middle of spacing out myself, thanks to my instinct naramandan ko na hindi lang ako ang nandito. Which is weird dahil sabi ko nga sa inyo wala gaanong nakakaalam sa lugar na to.
" Who's there? "
Seryoso kong tanong, pero wala namang nag response. At alam ko na nandito parin ang taong yun sa paligid dahil ramdam na ramdam ko sya kahit na tinatago nya pa ang enerhiya nya. Kaya mas lalo kong napa seryoso at napa alarma. Pinapakiramdaman ko pa lalo ang paligid. Di ko lang pinapahalata na nakikiramdam ako habang nakapikit ang mga mata ko na naka upo lang sa ilalim ng puno na para bang natutulog lang?
Naramdaman ko naman na nasa malapit ko na talaga sya. At nong ramdam ko na aatakihin na nya ako ay agad akong nag mulat ng mga mata ko at kasabay non ang pag summon ko ng ice daggers at agad ko na sanang ibabato . At nanlalaki sa gulat ang mga mata ko at buti nalang ay agad kong napigilang maibato ang isa sa dalawang ice daggers. Oo isa lang, nag patuloy sa pag lipad yung isa eh. Kaya nga mas lalong nanlalaki ang mga mata ko at agad namang napatabon ng mga mata.
" What's gotten into you? I'm not an enemy stupid. "
Napamulat ako ng mga mata ko at deretso ang tingin kay Arch na ngayon ay nakahawak sa ice dagger nasambot nya na aksidenteng natapon ko nga sa kanya. Aba malay ko ba na sya pala yung susulpot?? Pa suspense pa kasi tsk. Agad din na nag igting ang tenga ko sa sinabi nya , di ata natanggap ng tenga ko yung tinawag nya sakin eh. At talagang never na matatanggap ng tenga ko yun🤨.
" Grabe ka naman kung maka stupid dyan. FYI, di naman talaga sana yun para sayo eh at malay ko ba na ikaw pala ang susulpot dyan tss . Not my fault na pa bigla-bigla ka nalang su-sulpot out of nowhere, right? "
Kita mo tong lalakeng to, sya pa yung su-sulpot sulpot bigla ay sya pa talaga yung may ganang tumawag ng stupid ano??? 😒 kutusan ko kaya minsan ang lalakeng to?? Tsk.
" You better be careful Nia. "
Hindi ko din alam kung bat ko kinakausap ang lalakeng to ngayon eh. Knowing na iniiwasan ko nga sya.
" What ever Arch . At bakit ka nandito? "
Iilan lang ang may alam na dito ako pumupunta sa twing gusto kong mapag isa o di kaya ay gusto ko lang . At di ko din akalain na matatagpuan nya ako dito. At tulad nga ng sinabi ko kanina , iniiwasan ko pa sya kaya di na ako sumagot at aalis nalang sana. Kaso bago pa ako maka alis ay agad nya akong naharangan . Kaya tinignan ko sya sa mata na may tanong na ' bakit ba? ' habang sya naman ay seryoso lang ang mukha. Blank dead kung baga, yun naman dati pa ang expression ng mukha nya eh. Di ko lang alam ahh, pero bakit napapansin ko sa mukha nya ang salitang bothered?? Or....... It's just my imagination?? Maybe? Not???
YOU ARE READING
The Dusk Descendants: Hidden Truth
RastgeleIn twilight's realm, where secrets lie, Two twin vampires, under night's eye, Bound by blood, yet torn apart, Their souls entwined, though worlds apart. Through veils of shadows, they search and roam, In separate lands, they find their home, Yet in...