Chapter 13.1: Christmas Party...

115 6 0
                                    

(Vany's POV)

            Ang sakit ng ulo ko! On and off pa yung lagnat ko!...Nakakainis naman! Feeling ko tuloy, ano mang oras babagsak ang katawan ko...Pero hindi pwede!

            "Vany, okay ka lang?" bulong ni Steph, nagka-klase kasi kami at may teacher pa sa harap.

            "O-oo, okay lang ako.." ngumiti pa ako ng bahagya para hindi mahalata ni Steph. Itinuon ko ang tingin ko sa harap bago pa kami mahuli ng teacher nang bigla na namang sumakit ang ulo ko at dumodoble ang paningin ko, ipinikit ko agad ang mata ko, nagbabaka-sakaling mawala ito, at nang idilat ko ulit ito, nawala nga.

            "That's our lesson for today..." tapos na? ang bilis naman ata ng oras ngayon.

            "Before I forgot, I have a very important announcement to make, On Day 10th of this month will be our Christmas party, no formal wear, casual only, party starts at 10:00 in the morning, that's all, goodbye." Christmas Party? Hindi ulit ako a-attend. Hindi naman kasi ako sanay sa mga party.

            "Yes! Party! Party!" oo nga pala, mahilig si Steph sa mga parties.

            "Easy ka lang Aby, you're not going without me."

            "Raven, sinong may sabi sa 'yo na tawagin mo akong Aby?" heto na naman sila... -_-

            "Ako, may problema ba?" sabi ni Raven sabay lapit ng mukha niya kay Steph.

            "W-wala..."

            "Hey Love Birds! Stop that!" sabi ni George sabay bato ng papel kila Raven.

            "Inggit ka lang!" Oo nga pala, nasabi ko na ba na in-a-relationship na si Raven at Steph? Oo, nung sumuod na araw nang mahalikan ako ni...ARGH! Basta yun!

            "I'm waiting for Ms. Right" yun naman pala. Nilingon ko sila Blake na nag-babasa lang ng libro ganun na din si Jake, 'tong mag-kapatid na to may sariling mundo! May kasalanan pa sa akin 'tong dalawa na 'to eh! Lalung-lalo na yung nakakatanda!!! Tatawagin ko na sana si Blake nang biglang tumayo si Valerie at umalis ito ng D-Room. Oo, dito pa din siya naka-room.

"Tara na nga sa MHR! Mag-meryenda muna tayo bago umuwi." Aya ni George.

            "Sige ba, gusto ko kumain ng French cuisine ngayon, pwedeng paki-samahan ng chocolate cake ni Aby? Tulungan na din kita sa pag-bake Aby!"

            "Guys, uuwi na ako." Gusto ko nang mag-pahinga.

            "Hatid na kita/I'll send you home" napalingon ako sa mag-kapatid, nakatingin silang dalawa sa akin, tumayo si Blake at lumapit sa akin.

            "Tara, hatid na kita" tumango na lang ako. Napansin ko din na nakatingin sila Steph sa amin. Bumaba na kami at lumabas ng D-Room.

(George's POV)

            Uh-oh, mukhang may brothers quarrel mamaya  ah. Nandito na kami sa MHR, gumagawa ako ngayon ng Ratatouille, since request naman ni Raven na gusto niyang kumain ng French cuisine.

            "Raven! Masyadong madami yan!!!" nandito nga din pala silang dalawa, tinutulungan kasi ni Raven si Steph mag-bake.

            "Hindi! Ayos lang! trust me, masarap to!" haay naku, hindi naman kasi sanay mag-bake 'tong si Raven!

            "Sobrang tamis!!!"

            "Aray! Steph! Aray!" ayan! Sabi na kasing huwag makielam eh...

A Battle For Life And Love|COMPLETE! & EDITED!|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon