Chapter 28: The Proposal. . .

108 4 0
                                    


A.N.: (sorry for the long wait but you need to read the AUTHOR'S NOTE in the end of the chapter. PLEASE!!!.)

============================================

(Rein's POV)

"There! you're done!" sabi ni Aby matapos niya akong ayusan. Tumayo na ako then I look at myself in the mirror.

"You look gorgeous .." sabi ni Aby sa akin bago ako lumabas ay may inabot siya sa akin na silver purse.

"dalhin mo na iyan para naman bumagay sa suot mo nanjan na lahat ng kailangan mo, cellphone and make-up kit!" sabi ni Aby.

"Teka nga! Uuwi lang naman ako bakit kailangan pa nito?" hindi na sumagot si Aby at binigyan na lang niya ako ng matamis na ngiti at inalalayan niya ako palabas ng kwarto.

Paglabas namin ng kwarto ay nakita kong naghihintay si Jake na naka-sandal sa pader with his arms crossed. Napansin kong iba na ang suot niya, he's wearing a simple black jeans and a blue turtle neck sweat shirt. I also notice the look on his face...ano ba? Edi tulala, tulala na nakatitig sa akin.

"Ahem! Baka matunaw!" sabi ni Aby, natawa naman ako dahil biglang napatayo ng diretso si Jake. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, nagulat naman ako kasi bigla niyang hinalikan ang kamay ko.

"Beautiful as always..." naramdaman ko naman agad ang pag-init ng pisngi ko.

"Hala! Lakad na! mauna na kayo at may aayusin pa ako!" Nauna ng naglakad si Jake pero dahil hawak niya ang kamay ko nagpahatak na lang ako. He pressed the button for the elevator to go down at buti naman bumukas agad ang pinto ng elevator, feeling ko kasi parang nagmamadali si Jake eh...

Nang makapasok kami sa elevator ay mabilis niya akong niyakap at naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

"Damn...I miss you..." natatawa akong niyakap siya.

"Jake, sandali lang tayong hindi nagkita namiss mo na agad ako?" tumango siya at saka siya humiwalay sa pagkakayakap sa akin, sakto naman ang pagbukas ng elevator at lumabas kami papunta sa parking lot.

Nang makarating kami sa kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto, sumakay na ako sa loob at umikot naman siya para pumasok sa driving seat.

Lumapit siya sa akin at akmang hahalikan niya ako, ipinikit ko ang mga mata ko at narinig ko siyang tumawa. I open my eyes just to see na sinecure niya lang ako sa seat belt.

"Seat belt, My Queen." Sabay halik sa noo ko at binuhay na niya ang sasakyan dito ko lang napagtanto na bago ang sasakyan niya.

"New car?..."

"Yeah, you like it?" umiling ako.

"No." tumingin siya sa akin at agad rin naman na ibinalik ang atensyon niya sa daan.

"Why?"

"New Car means New Baby right?" nagulat ako ng bigla niyang inihinto sa gilid ng kalsada ang kotse niya.

"What the- No! I- Who told you that?!" uh-oh!

"Uhh...No one? Kasi...n-nabasa...oo tama...nabasa ko kasi sa internet yun eh, na kapag may bagong kotse daw ang mga lalaki mas pinapahalagahan pa daw nila ito keysa sa mga mahal nila sa buhay..." Napabuntong hininga na lang siya.

"Well, ibahin mo ako sa kanila Rein. I'm not that kind of a guy." Pinaandar niya na ulit ang kotse at nagpatuloy na kami sa byahe. Habang bumabyahe kami napansin kong iba ang dinaanan ni Jake.

A Battle For Life And Love|COMPLETE! & EDITED!|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon