Chapter 05: Trouble After School Trip...

146 10 0
                                    

(Vany's POV)

Hay! Nakauwi na rin sa wakas! Kakauwi lang namin kahapon galing London, 2 days lang kami nag-stay doon, umuwi din kami dahil pinapatawag daw sila ng mga magulang nila. Ang weird nga eh, sabay-sabay silang pinatawag. Pati na din ang ibang students na umattend ng School Trip ay pinauwi na rin, pero kahit sandali lang kami doon na enjoy ko naman ang paglilibot namin...kaso...nung ako lang mag-isa ang naiwan sa lobby ng hotel na tinutuluyan namin sa London, lumapit sa akin si Valerie.

{Flashback}

"Ang kapal din pala ng mukha mo na mag-pakita sa harapan ko" ano? Ikaw kaya ang lumapit! Nakaupo lang ako dito. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Blake mabuti pa na iwasan ko na lang siya. Tumayo ako at lalayo na sana sa kanya ng?hablutin niya ang braso ko at bigla niya akong sinampal, kaya lahat ng tao ay nakatingin na sa amin.

"Eto lang ang tatandaan mo, huwag na huwag kang lalapit sa magkapatid na Jefferson dahil akin lang sila." Sabi niya at umalis na siya.

May lumapit sa akin na babae at tinanong kung okay lang daw ba ako, sinabi ko naman na ayos lang ako. Umupo na lang ulit ako sa upuan. Napahawak ako sa pisngi ko na sigurado ako na ngayon ay pulang-pula na. hindi pa ako sinasampal nila mama at papa, kahit kailan hindi nila ako pinagbuhatan ng kamay...traydor na luha, nagsimula na namang tumulo. Sakto naman nun ang pagdating ng D7. Ang malas nga naman kasama pa nila si Jake.

"Vany? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo?" Anong sasabihin ko kay Blake?...

"Vany, bakit mapula ang pisngi mo? Sabihin mo nga! May nanakit ba sa'yo?" dahil nandito si Jake..hindi ko na lang sasabihin ang totoong nangyari.

"K-kinurot ko kasi ng kinurot yung pisngi ko! Inaantok kasi ako eh!" pinilit kong ngumiti para hindi nila mahalata pero napansin kong nakatitig lang sa akin si Blake at saka si Jake..nahalata kaya nila?

{End of Flashback}

Haay...lalayuan ko na lang talaga si Valerie...

"Vany! Anak! May bisita ka!" tawag ni Mama mula sa ibaba, nasa taas kasi ako, nandito ako ngayon sa kwarto ko, magpapahinga sana.

"Sandali lang po!" Inayos ko ang sarili ko bago ako bumaba, sino kaya yun? Si Blake kaya?

"Mama, sino yung nag-ha—" nagulat ako nang makita ko SIYA.

"J-Jake...anong ginagawa mo dito?..." paano niya nalaman na dito ko nakatira?

"Hey, I'm here to say sorry for what Valerie did to you..." nagtanong kaya siya? Sana naman hindi baka kasi mas lalong magalit sa akin si Valerie.

"Tinanong mo ba si Valerie tungkol dito?"

"Yeah..." sabi niya na may kasabay na pag-tango. Napabuntong hininga na lang ako...iiwasan ko na lang si Valerie.

"You look exactly like her..."

"Huh?" her? sino?

"Nothing...I gotta go" at pagkatapos nun ay umalis na siya.

"Okay..Bye.." Tama, iiwasan ko na lang si Valerie kung sakaling man na magkita ulit kami. Tahimik na ang buhay ko simula nang malipat ako sa D. Floor, nakaiwas na nga ako sa 4BF pero mukhang si Valerie naman ang papalit.

{The Next Day}

Pinaglalaruan ako ng tadhana!

"Okay, so as she requested, Ms. Sandoval will stay here in D.Room until graduation, at pumayag naman si Jake na manatili siya dito."

Oo, dito na mag-iistay si Valerie hanggang matapos ang school year. At minamalas ka nga naman, kung saan pa ang bakanteng upuan sa tabi ko pa, sa pagitan pa namin ni Jake.

A Battle For Life And Love|COMPLETE! & EDITED!|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon