Chapter 16: REVELATION...

122 6 0
                                    

(Vany's POV)

            Kasalukuyan akong kumakain sa kwarto, tatlong araw na akong nakakulong dito sa kwarto na 'to. ayaw nila akong palabasin at hindi ko alam ang rason kung bakit. Sinusubukan kong tumakas pero oras na tumapak ako sa labas ng kwartong 'to may 2 lalaki na na ka-itim ang nag-aabang palagi sa akin. At sa loob ng 3 araw, pilit nila akong inunder go sa mga test, may sinasaksak sila sa akin kaya nakakatulog ako, at sa loob din ng 3 araw...hindi na dumadalaw sila Mama at Papa...tina-try ko silang tawagan pero hindi nila sinasagot ang mga tawag ko, ring lang ng ring.

            "Vany...kumain ka ng marami...please...ang payat mo na kaya..." Oo nga pala...kasama ko ngayon dito si Steph.

            "Vany...gusto mong umalis dito diba?...sa bahay ko, doon ka muna tumira...tutal tapos na ang test na ginagawa nila sa'yo dito...sorry talaga Vany...hindi mo talaga dapat nararanasan 'to eh..." bigla akong nag-kabuhay nang sinabi niya na i-aalis niya ako dito. tumingin ako sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya.

            "Sige Steph...ialis mo lang ako dito! iuwi mo ako sa inyo! Ayoko na dito! please Steph!"

            "Vany! Huwag kang maingay, baka may makarinig sa'yo...tatawagan ko lang si Blake para siya ang mag-hatid sa atin...sige na, kumain ka na jan habang tinatawagan ko si Blake." Tumango ako, lumabas si Steph at nag-simula na akong kumain.

(Steph's POV)

            "Hello Blake....iuuwi ko na si Vany...oo, pumayag siya, pwede bang ikaw ang mag-hatid sa amin?...sige, hintayin ka na lang namin...Salamat..." napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang, gusto ko din talagang maialis dito si Vany, nakaka-awa na kasi yung itsura niya. Ang payat na niya ang lalim pa ng mga mata niya, kung alam ko lang na ganito ang magiging epekto sa kanya ng mga test..kumontra na sana ako...

Hindi kasi kami pinayagan nung una na ilabas siya kaya dito pa nag-stay si Vany ng tatlong araw. Pumasok na ulit ako sa loob ng kwarto niya at nakita kong ubos na yung pagkain niya at hawak na naman niya yung cellphone na ibinigay namin sa kanya.

            "Steph..alam mo ba kung nasaan sila Mama at Papa?...hindi ko kasi sila matawagan eh..." Oo Vany..alam ko kung nasaan sila...pero...

            "Hindi eh...pasensya na Vany..." pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo.

            "Ganun ba..." pinatay na nya ang cellphone niya at nilapag ito sa side table.

            "Vany, mag-bihis ka na, uuwi na tayo..ako na mag-aayos ng mga gamit mo. Tumango ito ang ngumiti ng bahagya. Tumayo ito pero muntik ng bumagsak, buti na lang at nasuportahan ko siya kaagad.

            "Okay ka lang Vany?..."

            "Oo, okay lang ako, nahihilo lang ako ng konti pero kaya ko namang tiisin." Umayos na ito ng tayo at nag-lakad na papasok sa cr para mag-palit ng damit. Sinimulan ko ng mag-ayos ng damit ng mag-ring ulit ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang caller..si Blake.

            "Hello? Blake...nag-bibihis na si Vany, sige hintayin ka na lang namin...Salamat." Nasa lobby na si Blake, papunta na siya dito. Pumunta ako sa tapat ng pintuan ng cr at kinatok ko ito.

            "Vany, tapos ka na ba?...Nasa lobby na si Blake..."

            "Nag-bibihis pa ako, sandali na lang..." maya-maya ay lumabas na si Vany sa loob ng cr at agad niyang kinuha ang bag at nagmamadaling lumabas ng kwarto ng bigla siyang harangan ng mga guards sa labas nitong kwarto.

A Battle For Life And Love|COMPLETE! & EDITED!|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon