Chapter 08: They met through FATE...

184 8 1
                                    

(Vany's POV)

          Back to normal kami...kakauwi ko lang kahapon sa bahay, buti na lang hindi nag-alala sila Mama at Papa. Hindi nga pala talaga mag-aalala yun kasi pinaliwanag na nila Blake na NAG-OVERNIGHT ako sa mansyon nila. Haaay...syempre oo na lang ang isinagot ko, ayoko din naman na nag-aalala sila Mama at Papa. Naglilibot ako ngayon sa campus at hanggang ngayon ganun pa din ang pakikitungo sa akin ng mga students, pero hindi na nila ako sinasaktan physically but emotionally, pero hindi ko na lang sila pinapansin. Ang importante sa akin ay ang mahanap ko siya...nasaan na kaya yun?...Siguro nasa garden yun...ano kayang ginagawa niya doon?. Dali-dali akong pumunta sa garden para makita at makausap siya pero ang ikinagulat ko ay hindi lang siya ang mag-isa dito...mag-kasama pala sila...

          "Val, we already talked about this!!" sa tono ng pananalita niya halatang galit na galit siya kay Valerie...

          "Bakit?! May ibang babae ka na ba kaya mo ipinapa-cancel ang engagement natin?! Jake! Ikakasal na dapat tayo next-week!! Pero ano 'tong ginagawa mo?! Pinapa-cancel mo!!! Give me a good reason why we should stop this!!!" next week?...pero...bakit tumanggi si Jake?..

Bago pa nila ako mahuli ay umalis na ako papalayo sa Garden at agad akong bumalik sa D – Floor. Apat na buwan....Apat na buwan na lang ang natitira at ga-graduate na ako...

          "Vany! Miryenda mo oh!" inilapag ni Steph ang cake at tea sa lamesa. Gumagawa kasi ako ng project na kailangang ipasa after dismissal, tapos na ngang gawin nila Steph yung kanila eh.

          "Salamat..nag-abala ka pa.." ngumiti si Steph at lumapit ito sa akin. Nasa D-Room kami ngayon sa first floor.

          "Gusto mo bang tulungan na kita jan sa ginagawa mo?"

          "Hindi na! matatapos na din ako, konting arrangements na lang ipapasa ko na 'tong project."

Maya-maya ay dumating naman si Blake, tumulong na din si Steph, mapilit eh kaya hinayaan ko na lang!

          "Girls, na-inform ba kayo about sa paparating na Halloween Party?" Halloween Party?...kailan?...bakit nag-karoon ng Halloween Party? Eh simula nang mag-aral ako dito wala namang nagaganap na ganun na Party ah...

          "Oo naman, ang dami ko ngang gustong bilhin na costume eh! Sa tingin mo Blake, Anong costume ang babagay sa akin?" tumingin sa akin si Blake at ngumiti agad naman na ibinalik niya ang tingin niya kay Steph.

          "Bagay sa'yo ang manananggal!!"

.

.

.

          "Blake Xavier Jefferson!!!!LAYAS!!!" at humaripas ng takbo papalabas si Blake, nakakatakot pala talagang magalit si Steph. Narinig kong bumuntong hininga si Steph at tumingin sa akin.

          "Ikaw Vany, ano ang susuotin mo sa Halloween Party?" wala naman akong costume sa bahay at saka hindi naman ako umaattend ng mga Parties eh...nagkibit-balikat na lang ako.

          "hindi ko alam...hindi naman kasi ako pala attend sa mga Parties.."

          "Leave that to me! Sa Friday na ang Halloween Party, wala naman tayong pasok para makapag-handa tayo sa party, soo, susunduin kita sa inyo, aalis tayo para makapag-ayos!" Ayan na naman siya, pag-dating talaga sa mga Parties enganyong-enganyo si Steph.

          "Ahhm...okay..." Monday na ngayon...3 days to go before the Party...

          "Okay! Tara tapusin na natin tong project para wala ka ng po-problemahin!"

A Battle For Life And Love|COMPLETE! & EDITED!|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon