Chapter 09: A Bloody Halloween Party...

157 8 1
                                    

(Vany's POV)

          Friday na ngayon...Halloween Party na...panigurado akong susunduin na ako ni Steph, sabi daw niya kasi hintayin ko daw siya...

*knock,knock*

Si Steph na siguro 'yan. Binuksan ko na ang pinto at nakita ko si Steph na nakangiti...kakaibang ngiti na may binabalak na gagawin sa akin.

          "Vany, Tara na!! mag-aayos pa tayo!!" sabi niya habang hinahatak ako palabas ng bahay.

          "Steph, teka lang! mag-papaalam lang ako kay Mama!"

Napahinto si Steph at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Anong nangyari doon? Papasok na sana ulit ako kaso biglang humaripas ng takbo si Steph papunta sa akin, hinatak at tinulak ako papasok sa kotse niya.

          "Seb! Sa Botique tayo! Faster!"

Tumango naman ang lalaki na magda-drive sa amin at minaneho nga talaga ng mabilis ang kotse! Juice Colored! Kulang na lang paliparin tong kotse!

          "S-steph! Maaga pa! 4 o' clock pa lang! 7 o' clock pa magsi-simula ang party!" Hiyaw ko habang nakakapit ng mahigpit sa seatbelt habang si Steph naman ay relax na relax lang na nakaupo sa kinauupuan niya.

          "Vany, matagal tayo mag-aayos kasi kailangan tayo ang pinaka-magandang dyosa! At kailangan ikaw ang maging Princess of the Night, no, scratch that, kailangan tayo ang maging Princess of the Night." Haay, wala naman akong magagawa eh...ayoko naman maging isang malaking KJ kay Steph, kasi alam kong malabo akong maging Princess of the Night. Ang panget ko kaya! Kaya nga hanggang ngayon kasama pa rin ako sa grupo ng NBSB, hindi naman sa gusto kong magka-boyfriend, makakapaghintay naman kasi iyon eh. Maya-maya pa ay naramdaman kong tumigil na ang kotse sa tapat ng isang Botique. Bumaba ang Driver at pinagbuksan pa kami ng pinto, bumaba na kami ni Steph at saka kami pumasok sa loob ng Botique.

          "Woah...ang ganda naman dito..." lumapit si Steph sa reception at kinausap niya ang babae.

          "Nasa VIP lounge na po sila Ma'am."

          "Okay! Thanks!" lumapit ulit sa akin si Steph.

          "Tara Vany, akyat tayo sa 3rd floor, nandoon na daw sila." Sila? Sinong sila?

Sumakay na kami ng elevator paakyat sa 3rd floor. Nang bumukas na ang pinto ng elevator, pumunta kami sa isang kwarto na may nakalagay na VIP. Nang mabuksan na ang pinto, laking gulat ko nakita ko si James sa loob na inaayusan ng buhok ng dalawang babae.

          "Hi Vany!"

          "J-James? Anong ginagawa mo dito?"pumasok kaming dalawa ni Steph sa loob.

          "Nag-papaayos para sa party, hindi ba obvious?" sabi ni James with his poker face, may pagka-badboy din pala 'tong si James.

          "Nag-request kasi sila ni Liam na sa akin daw sila magpapa-ayos, so...nag-tawag ako ng apat na make-up artist at apat na fashion expert, ang theme kasi ng D7 ay Princes and Princesses."

          "Si Liam din nandito?"

          "I'm here.." Lumingon ako sa kanan at nakita ko si Liam na kakalabas lang ng fitting room suot-suot ang kanyang elegant white tuxedo. May lumapit sa kanyang dalawang babae at inayos ang kanyang suot. Sunod naman na pumasok sa loob ng fitting room si James at lumapit sa akin ang dalawang babae na nag-aayos sa kanya.

          "Dito po tayo, Ma'am." Sinundan ko naman ang babae at pinaupo niya ako sa upuan kung saan nakapwesto si James kangina, nag-labas ang babae ng ilang gamit sa make-up at mga pang-ayos ng buhok.

A Battle For Life And Love|COMPLETE! & EDITED!|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon