Chapter 10: This is Where it All Started...

157 6 0
                                    

(Vany's POV)

Mga putok ng baril...kusa namang kumilos ang mga paa ko. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang mga putok ng baril...hinahatak ako ng mga paa ko papunta sa likod nitong hotel na dapat pala sana hindi na lang ako sumunod dahil sa nakikita ko ngayon. Marami..maraming duguan na katawan...maraming mga patay na tao...

          "A-anong nangyayari dito?" Nasaan sila Blake?...nakakarinig pa rin ako ng putukan ng mga baril...sinundan ko ito hanggang sa may nakita akong pigura ng isang tao na nakatayo sa harap ko.

          "B-Blake?..." dahan-dahan akong lumapit sa pigura pero bago pa ako makalapit ng husto ay humarap ito sa akin at agad akong tinutukan ng baril.

          "Vany?! Anong ginagawa mo dito?!" Si Blake nga...

          "N-nakarinig kasi ako ng putok ng mga baril..." hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Lumapit sa akin si Blake at niyakap niya ako ng mahigpit.

          "S-sorry....s-sorry..." sambit ko.

          "shhh...wala kang kasalanan...tara na, umalis na tayo dito, masyadong delikado sa'yo ang lugar na 'to" tumango na lang ako, ngayon alam ko na kung bakit ako kinakabahan, may patayan palang mangyayari. Humiwalay sa akin si Bake at nakita kong may ear piece siya sa tenga niya, nakatitig lang siya sa akin.

          "Oo...kasama ko siya...sabi ko kayong bahala kay Vany...Oo na, Oo na, aalis na.." hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

          "Tara na Vany" maglalakad na sana kami palayo ng biglang may nagpaputok ng baril at di ko namalayan na nakahiga na pala ako sa sahig. Bumaril din si Blake at tinulungan niya akong tumayo pero napangiwi ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa hita ko.

          "B-blake...ang sakit...." Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Tumingin siya sa ibaba at nanlaki ang mga mata niya.

          "Vany, tinamaan ka..." marahan niya akong binuhat na para kaming bagong kasal at tumakbo kami palabas gamit ang exit sa likod nitong hotel.

          "James! Sunduin niyo kami dito sa likod ng hotel!..Oo! Bilisan ninyo! Tinamaan ng bala si Vany!" maya-maya ay may dumating na Van, bumukas ang pinto at lumabas doon si George.

          "Tara na!" hiniga ako ni Blake sa upuan at nakita ko si James na nagmamaneho at si George ang nasa front seat. Bigla ko naman nakita ang mukha ni Liam sa harapan ko, katabi niya si Blake na mukhang nag-aalala sa akin.

          "Vany, papatulugin muna kita para wala kang maramdaman na sakit.." tumango ako at may tinakpan niya ng panyo ang bibig ko at may naamoy ako, dahilan para bumigat ang mga talukap ng mga mata ko.

          "Vany!..." boses ni Blake...ang huli kong nadinig bago ako makatulog ng tuluyan.

(Blake's POV)

Damn!!! I missed one! I even let my guard down! Damn it! Kasalanan ko!!

          "Blake anong nangyari?" nandito kami ngayon sa ospital, hinihintay makalabas si Vany ng emergency room.

          "I-I let my guard down...sorry..." narinig kong napabuntong hininga si Steph. Maya-maya lumapit sa akin si Kuya.

          "Hey...you alright?..." tanong niya.

          "Y-yeah..." nararamdaman kong nakatitig sa akin si Kuya kaya tumingin ako sa kanya.

          "Your shoulder is bleeding..." Ano? Tinamaan din ako? Tinignan ko ang balikat ko at natawa na lang ako ng mahina. Oo nga, nagdudugo nga, ni hindi ko man lang naramdaman.

A Battle For Life And Love|COMPLETE! & EDITED!|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon