Chapter 6- New barkada.

190 5 5
                                    

(Nami's POV)

Hi reader(s)!! My name is Nami Hyera Herrera!! Hehe.. Alam nyo bang kinikilig na kinikilig na kinikilig ako!? Makakasama ko si Arkis for almost 1 weeeeeeek!! Yeeeee!..

You read it right, may gusto-oh, scratch that. Mahal ko si Arkis!!.. Pero the hell! Makatingin naman yung Manyakis na yun sa Top 18 ng elite students, akala mo gagahasain na nya.. Pwera biro, kahit sobrang berde nya, mahal ko yun!! Yiee.. Kinikilig aketch..

"Hoy!! Nginingiti ngiti mo dyan? May saltik ka na??" Tanong ni Arkis. Inirapan ko nalang sya.. Ang manhid mo!!

Paano ba naman kasi.. Palagi akong na- may-saltik-ka-na-zoned. Alam na ng buong Class B na mahal ko sya pero the heck! Palagi nalang may saltik ka na ang sagot nya! Nakakapucha kaya!..

Yun pala ang loko! Kaya hindi ako magustuhan, nasa Special Class ang first love nya!! Aray. Masakit yun ah!

"Huuuy!! Ano problema mo at nagsusungit ka nanaman??" Tanong ulit nya.. Manahimik ka dyan Alcantara. Magagahasa kita. Ay ano ba yan! Nahahawa na ako sa kamanyakan nya!!

Napabalikwas ako ng tayo dahil bigla kong naramdaman yung braso nyang pumulupot sa bewang ko.

"Aish!! Nangmamanyak ka nanaman!! Bwiseeet!!" Sigaw ko sabay walk out at pumasok na sa mansyon na titirhan namin.. Pero fine! Kinikilig akoo.. Kekekeke.

Anu bayan. Di man lang ba nya ako hahabulin!? Sheez.. Manhid talaga.

Pagdating ko sa living room ay naabutan ko ang Top 20 na may kanya kanyang ginagawa..

Napatingin naman silang lahat saakin kaya napaayos ako ng upo. Ano bayan, bakit ba ang kikinis at pang artista ang mga mukha nila?? Kainsecure teh ah.

"Uhh, hi?" Bati ko. Ohhkaay, Awkward.

"Hi!! Top 20! Introduce." Maotoridad na sabi ni Xyche which is yung president ata nila?? Basta sya yung nanaway kanina sa Jerome na yun eh.

Isa isa silang pumila sa harap ko..

"Ahh, no need.. Kilala ko na kayo.." Nahihiyang sabi ko.. Abah, elites po ang nasa harapan ko!!

"Ganun ba?? Hehe." Masayang sabi ni Jeremy habang hawak hawak yung batok nya..

Maya maya ay dumating na si Arkis.. Tsk. Inis parin ako sakanya.

"Hi guys! Hi Princess!" Sabi ni Manyak -_-

"Yieeeeeee!!!" Nagulat ako nang bigla silang naghiyawan?? Eh.

"Siya pala yung double A mong first love ah.."

"Dalaga na si Princess!!"

"Hala! Ngayon ko lang napansin na Arkis Alcantara pala!!"

"Yiiiz naman!!"

Ganon? So M.U. sila?? Psh..

"Ms. Morano. I just want to inform you that he's a manyakis so iwas iwas konti." Natatawa kong paalala. Paglingon ko naman ay si Arkis, mukhang pinagbagsakan ng lupa at langit ang mukha nya! Nyehehe..

"Nami naman! Just call us by our casual names.. Wag na apelyido." Nakangiting sabi saakin ni Mykaela.. Ang babait nilang lahat!! *O*

"Tch. Papansin." Okay. Binabawi ko na ang sinasabi ko. Halos lahat sila mabait =___=. Nakalimutan kong napaka-arogante nga pala ng Niel na yun.

"Pagpasensyahan mo na yun. NakaPMS palagi." Bulong saakin ni Jasmine. Oh!!

"A-ah. Oo nga.. Napakaobvious." Nahihiya kong sagot.

KillTrip [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon