Chapter 18- She's alive

91 4 3
                                    

(Third person's POV)

Habang naglalakad siya sa sala ay agad may pumukpok sakanya kaya agad siyang nawalan ng malay.

****

(Someone's POV)

"Wake upppppp.." Nagising ako dahil sa narinig ko..

"Nga naman oo, tagal mong namatay." Sabi niya.

Sinubukan kong tumayo pero nakatali pala ako sa isang poste. Andaya naman, sa mga nababasa at napapanuod ko sa upuan sila nakatali, bakit ako sa poste?..

"Anyare sa mata mo.... Arkis??" Nakangisi kong sabi.

He clapped, "Huh. Expected kong matalino ka but I didn't expect na you'll know such things Xyche.."

"Madali lang nalaman, tanga lang talaga kayo.." Sabi ko kaya naman bigla nya akong tinadyakan sa sikmura at bigla akong sinampal.

Napatawa ako kahit napasuka ako ng dugo at may lumabas na dugo sa ilong ko, "Sinong mas warfreak sainyo ni Jasmine ngayon?"

"PUT@NGIN@ MONG BABAE KA!!" Bigla nya akong pinagsasampal at wala akong magawa dahil hindi ako makailag. Kung di lang ako nakatali kanina ko pa to inupper kick at combo punch eh..

"SUMUKO KA NA LANG!! TALO NA KAYO!!" Sigaw ko sakanya.

Namamanhid na ang mukha ko at napakasakit na ng katawan ko dahil sa pasa at sugat na tinamo ko.

"You are really smart ey??" Aniya kaya napairap nalang ako. Di ko ugaling magtaray at si JM palang ang naiirapan ko, well.. Pati narin si Jasmime dati. Pero di ko talaga maiwasan maging maldita sa hayop na toh.

Pinalo nya ako ng baseball bat sa binti kaya napasigaw ako. Shet naman oh, baka di ako makapagsports nyan ng ilang araw..

Papaulin na pa sana ako nang biglang may umagaw sakanya ng baseball bat mula sa likod at pinalo ito sa ulo nya kaya nawalan siya ng malay.

Tsk, ang weak naman. Isang palo lang bagsak kaagad??..

Tumingin ako sa harap at nakita kong sina Jeremy at Nami pala.

Pinagpapalo pa ng ilang ulit ni Jeremy si Arkis na mistilang galit na galit habang si Nami naman ay kinalagan ako.

Tuluyan na kong nakawala at tinadyakan ko ng pagkalakas lakas si Arkis. Pinulsuhan sya ni Nami at napiling sya..

"Dedbols na ang hayup. Sinaksak na namin siya kanina sa mata pero matagal nga naman mamatay ang masamang damo oo." Giit ni Jeremy.

Nagpunta kami paakyat at agad na dumiretso sa camera room, yes. Nalaman ko na may camera room dito.

Antanga kasi ni Arkis at BJ dahil meron silang tinatagong folder na naglalaman tungkol sa balak nila kaya nalaman ko eto. May nakita pa akong rubber boat sa may bag kung saan ko nakuha ang folder. Di ko pa natatapos basahin ang folder dahil kaagad akong sumugod papunta sa siyudad nang malaman ito kaya si Arkis at BJ palang ang nalaman kong killers. Mga tanga sila dahil sa dami-rami ng pagtataguan ay sa bus pa =____=

Pagkapasok namin ng camera room ay agad kaming pumunta sa tapat ng cameras.

"Teka,.. Si BJ yun diba!?" Nirewind kasi namin ang cameras at nakita namin si BJ na naliligo sa sariling dugo galing sa noo nya habang nakahandusay sa labas ng isang office.

P-patay rin siya??.. Ibig sabihin...

"Nagkakatrayduran ang mga killers." Sambit ni Nami.

She's right.

-------------

Okay kahit medyo obvious na si Arkis ang killer ay revelation din naman yan kahit papaano diba??.. So Arkis is deaaaaad..

Thanks for reading, vote and comment!!

-Drei and creepythings

KillTrip [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon