Chapter 13- Bluprint, Cellphone and picture

102 5 5
                                    

(Third person's POV)

Patuloy lang na tumatakbo sina Myka, Jeremy at Nicky.

Nakasalubong nila si Leo habang tumatakbo kaya't sinama na nila ito at nagpatuloy sa paghahanap sa iba.

Hindi nila alam na makakasalubong nila ang salarin na tumatakbo din patungo sakanila.

Nanlaki ang mga mata nila nang makasalubong nila ang salarin. Nagtakbuhan sila pababa ng hagdan kaya napunta sila sa girl's dorm.

Pumasok sila sa isang kwarto duon na kwarto pala ni BJ.

"Guys, di tayo safe dito. Kwarto to ni Beatriz!!" Giit ni Nicky.

Naghanap sila Nicky, Jeremy at Myka ng gamit na pwedeng ipanglaban samantalang si Leo naman ay sumandal sa pintuan upang harangan ito.

*tssskkk*

Napatingin sila sa pintuan at lalo silang nagpanick dahil sinasaksak na ng salarin ang pintuan ng kwarto kung nasaan sila gamit ang isang itak.

"U-umalis n-na k-kayo.." Nauutal-utal na saad ni Leo dahil natamaan sya ng itak sa mismong dibdib nito.

"P-please.. *ubo ubo* a-ayokong m-matulad k-kayo kay M-michelle at s-sa iba pa.." Aniya.

Sumuka na ito ng dugo at hirap na hirap na itong huminga. Hinugot muli ng salarin ang itak at isinaksak muli pero sa tyan na ito ni Leo bumaon.

Napaiyak na sila pero agad silang nagtungo palabas ng bintana pero laking gulat nila nang bigla silang may naapakan.

"Ano to?" Sabay-sabay nilang tanong.

Ang naapakan ni Myka ay isang bluprint. Ang kay Jeremy naman ay Cellphone at ang kay Nicky naman ay picture.

*Tssskkk*

Napatingin ulit sila sa pintuan at agad na silang lumabas ng bintana nang makitang malapit nang mawasak ang pintuan.

Hirap silang makagapang sa emergeny ladder dahil madilim na.

Agad silang pumasok sa isang kwarto nang makitang bukas ang bintana nito.

Agad nilang nilock ang pintuan at tinignan ang mga naapakan nila kanina.

"Cellphone?"

"Bluprint?"

"Picture?"

Sabay sabay nilang tanong nang mapagtanto ang mga bagay na hawak nila ngayon.

"Teka para san yang bluprint Myka??" Tanong nila Jeremy at Nicky.

Tinignan nilang mabuti ang nga bluprint. "Bluprint ito kung nasaan ang mga cameras!!" Sigaw ni Myka nang mapagtanto nya ito.

"Hala tignan nyo to oh!!" Tawag sakanila ni Jeremy habang may pinapanood sa cellphone ni BJ.

"Sina Michelle at Jerome!!" Sabay sabay nilang sigaw.

Pinapanood nila kung paano pinatay sina Michelle at Jerome sa swimming pool.

"We need to go back to the principal's office." Giit ni Nicky na sinang-ayunan nila.

*****

"Oh my gosh.." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Myka nang makita ang katawan ni Bella sa mga monitors. Nirewind kasi nila ang nga cctv footages.

"Wala man lang tayong magawa.." Nanlulumong sabi ni Jeremy.

*bag bag*

Kaagad na nagsigawan ang tatlo nang marinig nilang kumakalampag ang pintuan.

"Open up! Si Liam to!!" Sigaw nung nasa kabilang pintuan.

Nakahinga agad ng maluwag ang tatlo at binuksan ni Jeremy ang pintuan at nilock rin ito matapos nya papasukin si Liam.

Kaagad na nagyakapan sina Liam at Myka. "Are you alright? Nasaktan ka ba?? Sorry kung nagkahiwalay tayo." Kaagad na sabi ni Liam matapos humiwalay ng yakap sa dalaga.

Tumango tango ang dalaga, " okay lang ako, bakit ka may dugo sa noo?? Okay ka lang!?" Nag-aalalang tanong ni Myka habang tinititigan ang mukha ni Liam.

"Natamaan lang ako kanina noong pagsabog but I am okay, nakita nyo na ba ang iba??" Tanong ni Liam sakanila.

Napaiyak nanaman si Myka sa naalala.. "Sina Leo at Bella, we saw them. They're dead.."

"Shh.." Pagpapatahan ni Liam.

--------
Oh yeah its so lame. I know.

BTW, @xxNMIxx and @ArabellaAgena see you sa recognition practice!!

THANKS FOR READING!! VOMMENTS!!

-Drei

KillTrip [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon