(Third person's POV)
"Guys yung Camera19!!" Turo ni Liam sa monitors.
Napalingon naman sina Myka, Jeremy at Nicky sa tinuro na at labis silang kinabahan sa nakita.
Naglalakad ng magkasama sina JM at Jasmine pero lingid sakanilang kaalaman ay may makakasalubong silang nakablack jacket and mask.
"J-JM,.... N-natatakot ako.." Kinakabahan at nanginginig na sabi ni Jasmine kay JM at napahigpit pa ang kapit ng dalaga sa dulo ng damit ni JM.
"Shhh.."
Pagliko nang dalawa sa isang pasilyo nagulat at nanlaki ang mga mata nila nang may makasalubong silang salarin.
"Aaahhhhh!!" Sigaw nilang dalawa at nagtakbuhan.
Lumingon sila sa likod at lalo pa nilang binilisan ang pagtakbo nang makitang malapit na silang maabutan ng killer.
Kakatakbo nila ng mabilis ay di napansin ni Jasmine na may wire pala na nakakonekta sa mga kuryente sa tinatakbuhan nya kaya kasamaang palad ay natapilok sya dito kaya't napadapa siya.
"ARAY!!"
"Sht. Tayo bilis! Sa likod ko nalang ikaw sumakay!!" Sigaw ni JM sabay lahad ng kamay sa harapan nya.
Aabutin na sana ito ni Jasmine nang biglang umusok sa paligid at may kumaladkad sakanya palayo kay JM.
"JM!!!!" Sigaw ng dalaga pero tuluyan na siyang nakaladkad ng salarin.
"Jasmine!! Jasmi-----" Di na natuloy ng binata ang sigaw dahil agad siyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay dala ng nalanghap nyang usok na pampatulog.
*****
"Hmm.." Unti unting idinilat ni Jasmine ang mata nya at sinubukan nyang tumayo pero nauntog siya at makatali ang kanyang mga paa at kamay.
Linibot nya ang kanyang paningin atsaka nya lang napansin na nakakulong pala siya sa isang maliit na cage at nasa tabi sya ng isang swimming pool ng mansion.
"Oh, so you're already awake. Jasmine..." Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mga mata nya nang mabosesan ang nagsalita.
"WHAT DID I EVER DO TO YOU!!?" Galit na sigaw ni Jasmine at nagpumihlas pero balewala lang ang kanyang ginawa.
"Aiish.." Napalingon si Jasmine sa nagsalita at nakita nyang nakakulong din at nakatali si JM katulad nya.
"F*CK YOU, YOU SON OF A B*TCH!! PAKAWALAN MO KAMI!!" Galit din na sigaw ni JM.
Lumapit ang salarin sa dalaga, "I won't kill you....." Ngumisi siya, "yet"
Binuksan ng salarin ang kulungan ni JM at kinaladkad palabas rito. Tinadyakan nya ng malakas si JM sa sikmura kaya agad itong napasuka ng dugo.
"NO!!" Sigaw ni Jasmine nang makitang kumuha ng baseball bat ang salarin.
Walang anu-ano'y pinaghahampas kung saan saan ng salarin si JM. Tuluyan nang nanghina si JM sa kanyang mga tinamo kaya napabagsak sya sa sahig. Ngumisi ang salarin sabay tingin kay Jasmine, "Remember,... If I kill....I want it slowly but one thousand times faster dapat ang sakit."
Isang hampas pa ng baseball bat ng salarin kay JM ay binalik nya na ito sa kulungan at lumapit kay Jasmine.
Hinaplos nito ang pisngi ng dalaga kaya kinilabutan si Jasmine. Dinuraan nya ito at sapul ito sa mukha.
"YOU B*TCH! WARFREAK!! WALA KANG KWENTANG TOP 10!!" Sigaw na malakas ng salarin at agad na tinulak ang kulungan ni Jasmine sa malalim na parte ng pool.
Dahil hindi makaahon si Jasmine ay nagsipasukan na sa ilong at bibig nya ang tubig. Unti unti na siyang napapapikit hanggang sa may lumbas na dugo sa kanyang ilong tandang binawian na ito ng buhay.
"J..... Jasmine.." Bulong nalang ang tanging nailabas ng binata dahil sa labis na panghihina.
"Dyan ka lang at wag kang aalis." Maotoridad na sabi ng salarin at pumasok ng mansion.
Napangisi si JM. Lingid sa kaalamanan ng salarin ay habang busy siya kay Jasmine kanina ay pinupudpod nya ang tali ng kamay nya sa isang parte ng bakal sa kanyang kulungan.
Tuluyan na nyang naialis ang kanyang mga kamay sa pagkaatali at kinuha ang hair pin na tinago nya kanina sa bulsa nya. Nakuha nya ito kanina kay Jasmine dahil pagkahatak ng salarin si Jasmine ay nahagip pa ng kanyang kamay ang buhok ni Jasmine kaya natanggal nya ang hairpin nito.
Kinalikot nya ang padlock ng kulungan at labis siyang natuwa nang mabuksan nya ito at nakawala na siya.
***
"Wala nanaman tayong nagawa upang mailigtas sila!!" Sigaw ni Myka.
Umiiyak silang lahat pero...
*tok tok tok*
Napatigil sila sa paguusap nang makarinig sila galing sa pinto ng katok.
*PAG PAG PAG*
Unti unti nang nasisira ang pintuan dahil sa pagkalabog ng taong kumatok kanina at pilit nyang binubuksan ang pintuan.
Agad na kinabahan ang apat at nakalabas na ng pintuan sina Nicky at Jeremy pero si Myka ay ayaw pang umalis dahil nagpapaiwan si Liam.
"But Liam!! Sumama ka na!!"
Lumapit si Liam kay Myka at hinalikan ito sa noo,.. "I love you okay?? I'll distract him. Be safe, magagalit ako sayo pag di mo ako sinunod."
Tinulak tulak ni Liam si Myka papunta sa bintana pero
*BOOOOOGSH!!*
Tuluyan nang nabuksan ang pintuan kaya't napalingon ang dalawa sa taong nakasuot ng maskara at jacket na itim ngayon.
"MYKA DALI NA!!" Utos ni Liam na mukhang kinakabahan din.
Agad agad na lumabas si Myka dahil sa takot nya kay Liam kanina nang sumigaw ito..
Kinakabahan itong bumaba sa emergency ladder nang..
*BANG BANG BANG!!*
Umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril galing sa kwartong pinanggalingan nilang apat kanina.
"LIIIIAAAAAAM!!" Tuluyan nang napaluha ang dalaga atsaka dali daling bumaba sa ground floor nang makasalubong nya si JM na iika-ika at tadtad ng pasa.
"WAG MO SIYANG SASAKTAAAN!! NICKY!!"
Agad kaming nagkatinginan ni JM nang marinig ang ubod ng lakas na sigaw na yun..
Nanlaki ang mga nata namin, "S-si Jeremy at Nicky.."
-----------
Oh myyyy.. Liam!!!! Okay enough na, so sorry kung short and lame. And uunahan ko na kayo, medyo inspired tong pangyayaring ito sa Slaughter High ni Serialsleeper. Basahin nyo po stories nya!!
THANKS FOR READING! VOMMENTS!
-Drei
BINABASA MO ANG
KillTrip [REVISING]
Mystery / ThrillerTop 20 students in a special class. Different personalities, different faces, but same situation. Their awaited field trip turned into a kill trip. Can they face their awaken nightmare? Started: Febuary 22, 2015 Finished: April 10, 2015
![KillTrip [REVISING]](https://img.wattpad.com/cover/32965878-64-k18751.jpg)