Chapter 10- The hide-out

115 6 1
                                        

A/N: Short UD. Sorry po.

(Xyche's POV)

Wierd. Nagdidinner na kami but still, wala parin sina Princess, Joanna, Anthony at Joshua. Kahit sina Michelle at Jerome di pa nahahanap eh.. Asan na kaya yung mga yun?. Pati si Ms. Joyceline wala din dito eh.

"Tsk. Ano bayan. Bakit ba andaming nawawala ngayon?" Takang tanong ni Leo.

"Oo nga naman. Ano yun? May kumukuha isa-isa sakanila??" Natatawang sambit ni JM.

Hanggang ngayon naiilang parin ako sakanya. Medyo iwas ako dahil alam ko namang sa sitwasyon naming dalawa, one-sided love lang ako. Saklap nga naman oh, first love ko---first heartbreak din. Lupet men!

"Oy panget, bakit antahimik mo?" Shet, kakasabi ko lang na iwas ako kay JM tapos ngayon kakausapin nya ako..

Tumingin ako kay Myka at kinindatan lang ako ng bruha.

Whoo!! Kaya mo yan Xyche!!!. Act normal.. Inhale...... Exhale... "A-ahm.. Wala! Ayaw lang kitang k-kausapin.."

Kakasabi ko lang na act normal pero uutal-utal ka Xyche!!.. Papacheck-up na nga ako, hindi na sinusunod ng katawan ko ang isip ko eh. Aish, masama toh.

"Bakit ka nauutal Xyche? Masama ba pakiramdam mo??" Tanong ni Niel saakin.

"Oo nga pres. May sakit ka ba?" Tanong din saakin ni Bella.

Nginitian ko lang sila at umiling-iling. I should not let my freakin feelings affect the others.

***

Tapos na kami kumain ng hapunan at nasa sala lang kami. Naghihintay para kay Ms. Joyceline..

Natagalan kami kaya napag-usapan naming mga ½ namin ay maghahanap.

Ako nalang ang pumili ng sasama saakin para maghanap ng mga nawawala. Masama ang kutob ko. Feeling ko may masamang mangyayari.

Ako, si Myka, Jeremy, Liam, JM, at Nicky ang sinama ko. Or for short, kaming magkakabarkada ang nagsama-sama. Tapos yung ibang naiwan, incharge sila sa sa mansion maghanap.

Nandito kami sa may forest. Madilim na at may kanya-kanya kaming flash light.

Mahigit isang oras narin kaming naghahanap at sigaw kami ng sigaw pero wala talagang nagreresponse na boses man lang nila.

Babalik na sana kami ng mansion nang may napansin kaming medium sized house. Ay teka, parang hindi siya bahay... Mukha siyang bodega.

Nagkatinginan kaming anim at iisa lang ang binibigay naming tingin sa isa't isa. Papasukin-ba-natin-look?

Sabay sabay kaming tumango at pinasok ang bahay. Napasinghap kami sa nakita. Mga jacket na black na may partner pa na mga maskara ang nakasabit sa dingding.

Meron ding mga kutsilyo na nakasabit at mga baril na iba-iba ang sizes.

Pero isa lang ang nakapag-pagulat saamin. Mga bangkay na nakalatag. Wala man lang katakip-takip na tela.

Mga bangkay nina Joanna, Anthony, Jacob, Michelle, Princess, Joshua at Jerome.

(Third person's POV)

Matapos mabalik sa katinuan ang anim na estudyante ay agad agad silang nagtakbuhan pabalik ng mansion. Pinatunog nila ang alarm na naghuhudyat na magsibalikan sa salas.

*weeewooooweeeeewooooooweeewoooo*

Agad-agad na nagbabaan ang mga estudyante.

KillTrip [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon