(Third person's POV)
Kanina pa naghahanap ang mga staffs na kasama ng Class A at ang kanilang adviser. Hinahanap nila si Jacob na kanina pa nawawala.
"Ma'am! Ma'am! May bangkay po ng isang binatilyo dito!!" Sigaw ng isang staff na mistulang susuka na dahil sa nakitang sinapit ng binatang natagpuan nya matapos nyang tanggalin ang makakapal na dahong nakatakip dito.
Nagsipuntahan na ang iba sa kinaroroonan ng binatilyo at staff.
"Oh my god. Jacob!" Sigaw ng kanilang adviser nang mapagtantong ito nga ang kanyang estudyante.
"Tumawag kayo ng pulis!!" Giit ng bus driver nila.
"Wag na muna!! Tatawagan ko muna ang principal!" Sambit ni Ms. Joyceline dahil natatakot syang mapagalitan o matanggalan ng trabaho. Hindi sila pwedeng bara-bara nalang.
[Hello?] Sagot ng kanilang principal sa tawag
"Mrs. Villarama!! Natagpuan pong patay ang Top 20 ng klase ko dito sa gitna ng kagubatan!! Tatawag po ba ako ng puli--" hindi na natuloy pa ang sasabihin ng guro dahil bigla nalang sumigaw ang kanilang principal at mistulang galit na galit na may halong kinakabahan.
[Hindi!! Itago nyo ang bangkay nyan!! Makasisira ito sa reputasyon ng eskwelahan!!]
"Pero hindi po biro ang sinapit ng estudyante ko!! Brutal at karumaldumal po ang kinamatay nya!!" Laban ni Ms. Joyceline.
[Basta! At wag na wag kang magsusumbong kahit kanino lalo na kina Mr. and Mrs. Buenaventura!! Kundi alam mo na kung saan ka pupulutin!!]
"Pero po---" hindi na natuloy pa ang panglalaban ni Ms. Joyceline dahil pinatayan na sya ng tawag ni Mrs. Villarama.
Dahil nga nakaloudspeaker ang usapan nila kanina ay narinig ito lahat ng kasama nila. Wala rin silang magawa dahil alam nilang makapangyarihan din si Mrs. Villarama at hawak nya sa leeg ang mga ito.
'Guro ako at di ako sanay na mag-mura ngunit sa pagkakataong ito ay dapat ko nang sabihin ang dalawang salita na ito. Fucking Reputation.' Naiinis na isip isip ng guro.
************
"Ma'am malapit na po tayo sa pier, pakisabi nalang po sa mga estudyante na maghanda na." Paalam ng kanilang bus driver.
Patayo na sana ang guro mula sa kinauupuan nya ngunit bigla nyang napansin na umiilaw ilaw ang kanyang phone tandang may nagmessage sakanya.
'Goodmorning po Ma'am. I just want to inform you that there's a sudden change to the position of your class. Ms. Luistro and Mr. Palma exchanged there top positions.
Sincerely yours,
Mrs. Villarama'Yan ang nakalagay sa message ng guro. Nainis sya dahil parang wala lang yung nangyari kanina. Parang walang pakielam ang principal sa nangyari eh. Nagtaka sya pero hindi nalang nya ito ininda at sa halip ay tumayo na sya ng tuluyan at pumwesto sa harap.
"Ok class, attention everyone." Tawag ni Ms. Joyceline kaya't nagising ang ibang mga estudyanteng natutulog. "Malapit na tayo sa Pier at may special and sudden announcement ako guys. Michelle and Leo. Nagkapalit kayo ng position so Michell, top 18 ka na and Leo, top 11 ka na." Pagapatuloy pa ng guro.
Hindi naman nadismaya si Michelle dahil sa inanunsyo ng guro. As long as she's at top 20, she don't mind.
********
Nakarating na sila sa pier at isa isa silang nagsibabaan sa bus at sumakay na sa kanilang private yacht o pribadong yate.
"Kyaah!" Napasigaw si Myka nang muntikan na syang mahulog sa tubigan pero buti nalang ay nahapit sya ni Liam sa bewang. Di tuloy nila maiwasang magkatitigan.
"Tch. Get a room guys." Inis na sabi ng dumaan sakanila. Naalimpungatan naman sila kaya napatingin sila sa nagsabi nun. Napatawa na lamang sila dahil si Xyche pala ang dumaan.
Di na nila dinala pa ang mga malalaking bagahe nila dahil sinakay naman ang bus nila sa isang barko kaya makakasunod din ito sa islang pupuntahan nila.
Ngayo'y nakatanaw si Xyche sa dagat habang mag-isa. Napangiti na lamang sya dahil humangin ng malamig at napakatahimik.
"Boo!" Halos mapatalon naman sa gulat si Xyche at muntikan na sya mahulog pero buti nalang ay napahawak sya sa railings ng yate.
"Ano ba naman JM! Paano nalang pag nahulog ako!??" Naiinis na sigaw nito. Di pa naman kasi sya ganun kagaling lumangoy kaya pwepwede syang malunod.
"Edi sasaluhin kita!" Sigaw nya pabalik. Napatigil naman si Xyche dahil sa narinig pero napailing na lamang ito.
"Sira! Nahulog na nga ako sa dagat paano mo pa ako masasalo??" Mahinang sambit nito pero kahit ganoon ay narinig parin ito ni JM.
"Matagal na akong nagaantay. Di ka parin nahuhulog." Isip isip ni JM. Napabuntong hininga na lamang sya.
"Edi malulunod ka! Natural nahulog ka na nga, magpapakahirap pa ba akong lumangoy? Neknek mo uy!" Sigaw na lamang pabalik ni JM.
"Ewan ko sayong panget ka. Bahala ka nga dyan. Papasok na ako."
********
(Xyche's POV)Andito kaming lahat sa may living room ng yate. Oh diba? Ang susyal..
Sobrang bored na bored kaming lahat dito!! Omagaaad!..
"Wala bang ibang pwedeng gawin dito??" Tanong ni Anthony..
"Magbatobatopick ka sa harap ng salamin." Sarcastic na sagot ni Jerome. Loko loko talaga..
"Haha. Last na yan ah?? Wag ka nang magjoke ulit, mamatay ako sa kakatawa." Sarcastic na pabalik na sambit ni Anthony.
"Pakamatay ka para may thrill." Sabat ni Niel. Napatingin kaming lahat sakanya..
"Pakamatay agad? Di ba pwedeng palunod muna?" Sambit ni Beatriz.. Abnormal nga nman oh..
"Teka guys, asan pala si Jacob??" Tanong ni Jeremy. Whoo! Saved by the bell, may namumuo na kasing tensyon eh.
"Oo nga noh. Asan na nga ba yung nerd na yun?" Takang tanong ni Michelle..
"Makanerd wagas -_-" Bulong ni Joanna..
"Oh oh, awat Joanna.." Pabalik na bulong ni Bella.
"Sige lang, push nyo yan.. Bulungan lang, rinig ko naman.." Singit ko sa dalawa.
"Pake mo ba?" Tanong ni Joanna..
OUCH NAMAN.
"Boom panes." Bulong saakin ni JM.
PUTEK! KASAMA TO NI LIAM KANINA AH?! MANGGULAT DAW BA DRE? ANO SUNTUKAN??!!... Pucha. May lahing kabute ata to.
"Oyy.. Sumagot naman kayo sa tanong kooo... Nakita nyo ba si Jacob?" Tanong ni Michelle ulit.. Bahh, kanina nerd..tapos ngayon Jacob naman? Galing natin teh ah.
"Wala na si Jacob." Biglang sabi ni Ms. Joyceline. May lahing mushroom din si mam ah.. Wala yan kanina dito.
"PO??!!" sabay sabay na sigaw namin..w-wala na si Jacob?? P-patay na sya??!!
"A-ang ibig kong sabihin ay.. N-nagbackout sya.. P-pinauwi sya ng mga magulang nya at n-natakot daw.." Nauutal utal na sagot ni mam at agad na umalis...
Nakahinga naman kaming lahat ng maluwag.. Akala ko talaga patay na sya..
----------------
Hehe. Sorry po kung late na nga, sabaw pa. Peash tayuu!!
PS: My dear friend @I_lovecreepythings and @AVGanace.. Hello!
BINABASA MO ANG
KillTrip [REVISING]
Mystery / ThrillerTop 20 students in a special class. Different personalities, different faces, but same situation. Their awaited field trip turned into a kill trip. Can they face their awaken nightmare? Started: Febuary 22, 2015 Finished: April 10, 2015