Trip 1

505 10 0
                                    

(Third Person's POV) [EDITED]

XYCHE IS PRONOUNCED AS SAYKIE

~•~

Kasalukuyang last day na ng fun week or intramurals sa skwelahang Buenaventura High. Kung saan mayayaman at may scholarship lamang ang makakapag-aral.

Iba ang method ng intrams sa skwelahan na ito dahil ang laban sa mga laro ay boys versus girls. Halimbawa, Section 1 boys versus section 2 girls. Pero kung parehong nanalo ang boys and girls sa inyong klase ay sila ang magiging magkalaban. Katulad nalang ng nangyayari ngayon sa Special Section na magsisimula na ang laro sa volleyball.

"I'll beat the hell out of you, panget." Sabi ni Jason Miguel, or simply JM.

Umirap si Xyche, na siyang tinawag na panget ni JM. "Dream on. Girls are better in volleyball, panget."

Itong dalawa ay sadyang ganyan talaga ang tawagan. Childhood friends kasi kaya close, pero wala namang malisya ang endearment nila sa isa't isa.

Si Xyche nga rin pala ay anak ng may-ari ng school. Buenaventura ang kaniyang apelyido. Class pres din siya ng special section pero di tulad ng iba, hindi siya KJ.

"Xyche! The game will start, be ready!" Paalala ni Mykaela. She's Xyche and Jeremy's bestfriend. Ito ang pinaka-sporty sa lahat. She love sports, specially track n' field. She's also the daughter of the head of guidance and prefect of discipline.

"Mga babes! Icheer niyo na ko!" Speaking of the devil, Jeremy. Chikboy yan. Mahilig sa kalokohan, malakas ang loob palibhasa anak ng stock holder ng skwelahan.

The game started and hell, they always have a tie. But it ended nung nag-spike na si Xyche at di ito nakita ni JM na siyang tinamaan na ng bola. Finishing the game, with the special class' girls being the champion.

Everyone's cheering except for Xyche and Jasmine who's running towards JM na natamaan ng bola. Sa lakas ng impact ay napaupo pa ito.

"Hala panget—este JM! Sorry. Naku. Sorry talaga." Natatarantang sabi ni Xyche. "Kasi naman! Bakit ang tanga moooo? Sorry talaga."

Tinignan ni JM si Xyche nang matalim at sarkastikong ngumiti. "Thanks a lot, Xyche. You really helped."

Tumikhim naman si Jasmine. "Hey, are you alright?" Nag-aalala nitong sabi. Kalat sa buong batch nila ang one-sided love nito kay JM kaya di na sila nagulat pa nang daluhan nito si JM.

Pero nginitian lang ni JM ang babae at hinawakan si Xyche. "Hoy panget na babae, dalhin mo ko sa clinic."

Pasimpleng umirap si Xyche. "Pasalamat ka, kasalanan ko. Di ka naman pilay pero—hay nako."

Tinitigan lamang sila ni Jasmine habang papalayo.

Dismissal time na at masaya silang nag-uwian.

"Bye Jeremy, Myka!" Paalam ni Xyche sa dalawang matalik na kaibigan.

"Bye!" Paalam nung dalawa.

Sumakay na si Xyche sa sarili netong kotse habang si Myka naman ay sinalubong ni Liam na si Mr baby face, athlete at matalinong masugid na manliligaw ni Myka.

"Hatid na kita, Myka."

Ngumiti si Myka. "May driver naman ako, Liam." Gusto sana nitong pumayag pero syempre, pakipot muna siya ng konti sabi ng kaniyang utak.

"Ano ba yan. Sige na, please?" Nagpout pa ang binata kaya tuluyan nang bumigay si Myka. Nagsasaya naman sa loob loob si Liam.

"Nicky! Hatid na kita!" Tinaas baba pa ni Jeremy ang kilay neto at hinaplos ang kaniyang buhok.

Binatukan naman ito ni Nicky. "Mukha kang siraulo. Tara na nga, Bella, Joanna at Beatriz!" Natatawa nitong sabi. Umalis na sila at iniwan si Jeremy na tulala.

Si Nicky Chua ang nililigawan ni Jeremy. Oo, tinipid siya sa pangalan.

Tinapik tapik ni Myka si Jeremy sa braso. "Better luck next time, dude. Busted ka nanaman." Sumakay na ito sa kotse ni Liam. Mukha namang pinagbaksakan ng langit at lupa si Jeremy.

"B.U.S.T.E.D, I'm so busted." Isip neto at bigong pumasok sa kotse nito.

Napabuntong hininga si Xyche pagkapasok ng kaniyang kwarto. Naalala kasi nito na may aasikasuhin pa pala siya. Idagdag pa na bad trip ito dahil kay JM na sinakyan ang maling akala ng nurse nila sa clinic na mag-syota daw sila.

Inilabas na niya ang mga dokumento na inabot sakaniya kanina. Pinapaayos ito mula Top 20 hanggang Top 1 na naglalaman ng mga information and other stuffs.

Top 20, Jacob Tan

Top 19, Jerome Natividad

Top 18, Leo Palma

Top 17, Jason Miguel Castro

Top 16, Neil Tuazon

Top 15, Liam Vincent Garcia

Top 14, Nicky Chua

Top 13, Anthony Parks

Top 12, Princess Trianna Morano

Top 11, Michelle Luistro

Top 10, Bella Dela Cruz

Top 9, Beatriz Joy Rosta

Top 8, Jasmine Anne Carilagan

Top 7, Joanna Michaels

Top 6, Jeremy Delos Santos

Top 5, Mykaela Del Rio

Top 4, Ken Santiago

Top 3, Joshua Lim

Top 2, Xyche Drei Buenaventura

Top 1, Adrian Santos

Niligpit na ito ni Xyche at bumagsak sa kama. Hindi siya makatulog kahit pagod na pagod ang kaniyang katawan. Napatitig siya sa kisame ng kaniyang kwarto. May mga poster doon ng paramore at iba't ibang wallpaper ng mga palabas na brutal.

Alam niyo kung bakit?

Because one thing that Jeremy, Mykaela, and Xyche loves is...








Blood.

KillTrip [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon