Jokes 7

581 12 0
                                    

Pedro: Apply po ako ng sundalo, sir.

Officer: Hindi ka pwede, ang dami mong sirang ngipin, bungi ka pa!

Pedro: Bakit sir, sa gyera ba ngayon, KAGATAN na ang labanan?

LADY: Dok, nag-a-alalai ako sa kapatid ko.
Dati kasi kinakausap niya ang sarili niya!
Pero ngayon, hindi na niya ginagawa yun!

DOK: Aba eh di mabuti! Senyales yun na gumagaling
na siya. Eh ano daw ang dahilan at di na niya
kinakausap ang sarili niya?

LADY: Kasi magkagalit daw sila ngayon eh!!

—————–

Paano mo sasabihin sa kausap mong BABAE na mukha siyang LALAKI… ng hindi siya masasaktan?

Eh di ganito sabihin mo… Uy ang kyut-kyut mo naman! Kamukhang-kamukha ka ng DADDY MO!!

Paano mo sasabihin sa kausap mo na ayaw mo na
siyang kausap…. ng hindi siya maghihinanakit?

Ganito sabihin mo… O sige pare! Lakad nako,
text-text na lang ha?

—————–

Paano mo naman sasabihin sa classmate mo na
BUNGI-BUNGI ang ngipin niya…. ng hindi siya
magagalit?

Ganito lang: Wow classmate! ang ganda naman ng
ngipin mo! Para silang nag-e-exam…. one seat apart!

Paano mo sasabihin sa kausap mo na MAASIM ang
amoy niya…. ng di niya daramdamin?

Ganito: Bestfriend, may dugong bughaw ka ba?
Siguro anak ka ni Datu Puti ano? Halata kasi sa
amoy mo eh!

—————–

Paano mo sasabihin sa kausap mo na may LIBAG
siya sa leeg… ng hindi siya mapapahiya?

GANITO: Wow, ang ganda naman ng suot mong
necklace, Black Gold!!

—————–

INDAY: Dok, masakit na masakit po ang tiyan ko…Ano po
ba mabuting gamot dito?

DOK: Kelan pa ba nagsimula yan?

INDAY: Simula lang po nung kumain ako ng talaba!

DOK: Baka naman sira yung nakain mo? Nang buksan mo ba
yung talaba eh wala kang naamoy na mabaho?

INDAY: Binubuksan po ba yun?

—————–

Quotable quotes, patama, jokes etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon