Ang taong walang bisyo
PULUBI - Iho, baka may limang piso ka, palimos naman.
BOY - Naku, ibibili nyo lang po ng sigarilyo!
PULUBI - Hindi ako naninigarilyo.
BOY - Siguro ibibili nyo po ng alak.
PULUBI- Hindi rin ako manginginom.
BOY -Naku, malamang ibibili nyo ng droga!
PULUBI - Wala akong kahit anung bisyo...
BOY - Ganun po ba? Lika, sumama kayo sa bahay.
PULUBI - Bakit?
BOY - Ipakikita ko kay Inay kung anung mangyayari
sa mga taong walang bisyo (ngeek!)
===========================================================
God answered his prayers
Nahuli ng titser na may kodigo sa exam ang pupil.
TEACHER- Ano etong nakatagong papel sa kamay mo?
PUPIL- Mam, prayers ko lang po yan.
TEACHER- E, bat may mga sagot dito?
PUPIL- Ha? Naku, sinagot na ang prayers ko!
===============================================================
Cheater
JUAN- Nahuli ako ng titser na nangopya sa history test kanina.
PEDRO- Pa'no nangyari yun?
JUAN- Sa pagmamadali pati name ng classmate ko, nakopya ko.
==================================================
Adik sa txt
GURO- Ang aralin natin ngayong umaga ay ang abakada.
Sino ang makakabasa sa isinulat ko sa pisara?
BKWLKMGWPRMSYTMWKHHHTWPHHHTMNPRKNT NGA.
IPSMSIBPRMKBWK.
==============================================================
Miscommunication
NANAY- Anak, mag-ingat ka sa daan pagpasok sa eskwela.
ANAK- Opo, Nay!
NANAY- Pag may nakita kang sasakyan sa daan, tumabi ka.
ANAK- Opo, Nay!
NANAY- Di ka naman yata nakikinig. Ano nga ba ang bilin ko sa iyo?
ANAK- Pag may nakita po akong sasakyan sa daan, tatabihan ko poyung sasakyan. (Ngeek!)
=======================================================
Graduate na
Matapos ang dalawang taon na pag-aaral sa Manila ay masayang
umuwi ang anak sa kanilang probinsiya.
ANAK- Itay, sa wakas natapos na rin ako sa pag-aaral.
TATAY- Magaling anak! Ano bang tinapos mo?
ANAK- AB, Itay.
TATAY- AB lang inabutan ka nang dalawang taon? Ako, isang taon lang,
tapos ko ang ABC hanggang XYZ!=====================================================================
History lesson
TEACHER- Sino ang pumatay kay Magellan? The name starts with L and L.
STUDENT 1- Lito Lapid?
TEACHER - Mali! Hint, matapang siya at walang kinatatakutan.
STUDENT 2- Mam, si Loren Legarda?
TEACHER- Mali rin. Hint uli, inuulit kung bigkasin ang pangalan nya.
STUDENT 3- Naku, si La-la Mam?
BINABASA MO ANG
Quotable quotes, patama, jokes etc.
RandomGet your quotes, word of wisdom, jokes, patama, bitchy lines, cheesy lines etc. in here! ^_^