Jokes 17

551 10 0
                                    


Teng:
 Me ka eyeball ako mamya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi niya may kahawig daw siyang artista! “Sha” daw ang palayaw nya! Excited na ako!

Tong: Jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta kahawig niya!

(Pagbalik galing eyeball)

Tong: O kumusta na pare? Bakit malungkot ka ata?

Teng: DioniSHA pare! DioniSHA! Huhuhuhuhu

 ==========================================

Kamatayan: Hawakan mo ang kamay ko.

Teng: Ayoko nga! Kilala kita! Ikaw si kamatayan and alam ko if I touch you, I will die!

Kamtayan: Grabe! Ang talino mo naman talaga!

Teng: sinabi mo! Ako pa!

Kamatayan: Apir!

Teng: Apir!

 ==========================================

Pong: Ano ang mas mahalaga, pera o asawa?

Ampoy: Syempre ang pera! Kasi anf pera habang tumatagal lumalaki ang interes. Ang asawa habang tumatagal, nawawalan ng interes at inuubos pa pera mo.

 ==========================================

Ahas3: Makamandag ba tayo?

Ahas4: Ewan, di ko alam. Bakit mo naman natanong?

Ahas3: Eh kasi nakagat ko dila ko kanina. Kinakabahan ako eh.

======================================================


Tatay
: Isa sa mga bata ang kumuha ng pera sa wallet ko!

Inay: Sobra ka naman! Malay mo ako ang kumuha!

Tatay: Sigurado ako hindi ikaw, may natira pa eh!

Daddy: 10+10

Anak: Di ko alam.

Daddy: Easy lang eh, di mo pa masagot? Papatayin ka ng kabobohan mo!

Anak: Daddy, kung makakakita ka ng isang libo at limang daan sa kalye, alin ang pupulutin mo.

Daddy: Syempre iyong isang libo!

Anak: Pwede mo naman pulutin pareho Dad! Alam niyo papatayin kayo ng katangahan niyo!

====================================================================

Tatay: Bagsak ka na naman Pedro! Ba’t di mo gayahin si Juan? Palaging me honor.

Pedro: Unfair naman po kung ikumpara nyo k okay Juan.

TAtay: Bakit naman?

Pedro: Matalino po tatay ni Juan!

==============================

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Quotable quotes, patama, jokes etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon