Ely's POV
Hindi natin masasabi kung kailan tayo mamamatay, hindi natin masasabi kung kailan tayo mapapahamak at hindi natin malalaman kung kailan tayo tatagal sa mundong ito kaya kung may pagkakataon tayo na gawin ang mga gusto natin ay gawin na natin enjoyin na natin dahil once na binawi na ng panginoon ang ating buhay ay wala na tayong magagawa hindi rin naman pwedeng makiusap dahil pinahiram lamang ito saatin. Kaya hanggat nabubuhay pa tayo gawin na natin ang ating mga ninanaais
Katulad kahapon muntik ng malagay sa panganib ang buhay ko, mali pala hindi muntik nalagay talaga sa panganib ang buhay ko dahil doon sa may galit sa mga magulang ko. Pagkarating ko sa prisinto kahapon ay andoon na si lolo na alalang alala sabi ko naman ay okay lang ako at kinuwento rin ko rin sa kaniya ang mga nangyari na agad naman niya akong pinaniwalaan. Nasabi rin sakin ni lolo na yung nag utos para kidnapin ako ay isa sa mga kagalit at naiingit sa mga magulang ko inamin din ni lolo sakin na maraming naiingit kila mommy and daddy dahil successful ito pagdating sa bussiness at talagang maraming nagagalit dahil hindi nila ito mapatumba. Marami ring natatanggap na death treat sila mommy and daddy pero ang nakakapagtaka hanggang ngayon ay buhay parin sila I mean banta lang ang nakakarating sa kanila at walang nangyayaring masama sa kanila alam niyo yun parang protektado ng kung sinong makapangyarihang tao sila mommy. Kaya naiintindihan ko kung bakit ako nadadamay sa kanila hindi ko rin sila masisisi dahil alam kong part ito ng buhay natin.
"Sigurado ka bang okay ka na bro?"tanong sakin ni Jin . Kasalukuyan kaming naglulunch dito sa cafeteria.
"Yeah I'm okay."walang ganang sagot ko.
"Grabe rin ah pangalawang beses na napahamak ang buhay mo buti na lang talaga may tumulong sayo."seryosong saad ni leo.
"Sino ba yung Raz na tinutukoy mo?"takang tanong naman ni Lester.
"Diko siya kilala pero malakas ang kutob ko na nakaharap ko yun."sagot ko.
May feelings talaga ako na nakaharap ko na siya kasi pamilyar talaga sakin yung mga mata niya at ang paraan kung paano siya tumingin pero hindi ko lang talaga matandaan kung sino.
Pero kahit hindi ko siya makilala nagpapasalamat parin ako dahil dalawang beses na niya akong iniligtas sa kapahamakan. Kung may pagkakataon lang na makilala ko siya pasasalamatan ko talaga siya ng sobra sobra.
Bumalik ang huwisyo ko ng may marinig akong malakas na kalabog sa kung saan pati mga kaibigan ko napatingin kung saan nanggaling iyong malakas na kalabog.
"Shit nag uumpisa na naman sila!"bulong ni Leo.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Leo dahil nakila Jam at Rhann lang ang atensyon ko. Mag isa lang ni Rhann ngayon na naka upo sa isang table at ginugulo siya ni Jam at mga kasamahan nito.
Bakit hindi niya kasama yung mga kaibigan niya? bakit iniwan nila itong mag isa ngayong alam nila na pinagtritripan siya ng mga grupo ni Jam!
Sa buong linggong lumipas lagi ko na lang nasasaksihan ang pambubully ni Jam kay Rhann pero wala naman itong ginagawa o hindi ito lumalaban pati ang mga kaibigan niya. Nawalan tuloy ako ng lakas ng loob na pagtripan din siya dahil kung titignan mo kalagayan niya maaawa ka pa, hindi rin naman ako ganun kasama para dagdagan pa ang sakit ng ibang tao kahit busy sila mommy at daddy sa bussiness eh nadisiplina nila ako ng maayos.
Ewan ko ba nung una sobrang inis ako doon sa Rhann pero bakit biglang lumambot puso ko nung nakita ko siyang umiyak nung nakaraan dahil sa hindi ko alam na dahilan, parang gusto kong ipagpatuloy ang nasimulang away namin ni Jam para lang maprotektahan lang si Rhann. Kinausap ko kasi si Jam nung nakaraan na kung maari wala ng mamagitan na away saming dalawa dahil alam naman namin na walang matatalo at mananalo, ayun pumayag din.
YOU ARE READING
The Battle of Love (Assassin Series 1)
RomanceI am different when it comes to love. I fight for the position, the safety of my family, the organization I belong to and to love someone. And thats 'The Battle of love'