Chapter 13

1 0 0
                                    

Rhann's POV

Nilibot ko ang aking paningin dito sa buong mansyon ni lolo. Dito ako lumaki, simula nung ipanganak at nagkaisip ako. Ang dami kong memories dito na kasama ang aking ama, kalokohan tawanan iyakan at kung ano anong pang mga magagandang pangyayari kasama ang pinakamamahal kong ama.

Pero nung mamatay siya maski umapak sa mansyong ito hindi ko na magawa dahil bawat sulok ay naaalala ko siya at sa tuwing naaalala ko siya ay mas lalo lang ang kagustuhan ko na patayin ang master.

"Anak!"may tumawag sa likuran ko.

Binitawan ko muna ang larawan naming dalawa ni ama bago harapin si ina.

Lumapit siya sakin at walang ano ano'y niyakap niya ako ng mahigpit,niyakap ko naman siya pabalik.

Miss na miss ko na si ina, kahit gusto ko siyang makasama araw araw pero mas makakabuti na lumayo kanila, lumayo sa mansyong ito.

Naramdaman kong hinaplos ni ina ang aking buhok at bago siya nagsalita."I miss you baby!"emosyong aniya pero hindi ako sumagot.

Siya mismo ang kumalas sa pagkayakap niya sakin."Rhann, you worried me too much, can you stop this? I'm going to die worrying about you, you know that."mangiyak ngiyak na aniya.

Katulad ng dati ay hindi ako sumagot at tahimik lang akong nakikinig."Ingatan mo naman sarili mo hindi porket magaling at malakas ka ay hindi ka ba tatablan ng bala, tao ka parin Rhann pwede kang mamatay."

Hayst parehas lang sila ng sinabi ni lolo!!

"Rhann are you listening?"galit nitong tanong.

Tumango ako."yes copy that queen."magalang na sagot ko.

"Ano ba Rhann pwede ba kausapin mo ako bilang ina hindi bilang reyna."umiiyak na aniya pero hindi parin ako sumagot.

Hindi ko kailangan sumagot dahil alam ko ang ginagawa ko, alam ko kung saan papunta itong usapan na ito.

"Rhann anak maaari bang bumalik ka nasa dati, Ibalik mo na ang anak ko ang dating Rhann!"pakiki usap nito.

"Ina wag na kayong umasa na babalik ako sa dati, wala nang kahit sino ang magpapabago sakin maski kayo kaya tanggapin niyo na ganito ako."walang emosyong sagot ko.

"Pero paano kung may mangyaring masama sayo?"nag aalalang aniya.

"Ina Assassin ako nasa likod ko lang si kamatayan."sagot ko at tinalikuran siya.

Kaya ayaw ko minsan na ipaalam kay ina na may nangyayaring masama sakin dahil kapag nagkita kami paulit ulit lang ang mga naririnig ko sa kaniya, paulit ulit lang ang pagkukumbinsi niya na itigil ko na ito na bumalik na ako sa dati. Pero hindi ko na talaga kayang itigil at ibalik ang sarili ko sa dati, wala ng paraan.

Hinawakan ko yung larawan namin ng aking kuya at naalala ko yung okasyon na iyon. Kaarawan ko yun 15th birthday ko napakasaya ng araw na yun kompleto ang pamilya ko lahat imbitado lahat masaya pero yung 15th birthday ko ay ang pinaka malungkot at masakit na kaarawan na nang yari sa buong buhay ko dahil nung kinagabihan ay nawala kami ng aking ama at pinatay siya mismo sa aking harapan.

Apat na taon nadin pala ang nakalipas nung simulang mamatay si ama, apat na taon nadin pala ang nakakalipas nung sinulang magbago ang lahat.

"Anak hindi ka na malalagay sa panganib kung babalik ka sa pagiging prinsesa mo!"pagsasalita ulit ni ina.

Napapikit ako ng mariin bago humarap sa kaniya."Ina paulit ulit na lang ba tayo?"tanong ko.

"I don’t want to be a princess I don’t want to go back to my old life, I used to be weak and because of that weakness my beloved father died."inis kong patuloy.

The Battle of Love (Assassin Series 1)Where stories live. Discover now