Rhann's POV
When I opened my eyes the light above hit me. I rolled my eyes and found out that I was in the hospital and saw on the side of my bed that Ely was asleep.
"Bakit andito 'to?"tanong ko sa sarili ko.
Uupo sana ako kaso biglang sumakit ang tagiliran ko ng iangat ko ang hospital gown at nakita ko na may tahi doon, tyaka ko lang naalala nabaril pala ako nung andoon kami sa parking lot.
Biglang nag flashback sakin ang lahat ng pangyayari, nung lumapit sakin si Ely para tulungang makatayo ay nakita ko sa gilid niya yung isang lalaki at babarilin ito ngunit agad kong hinila si Ely para ako ang matamaan.
Nung oras na yun hindi ko maintindihan ang sarili ko nung mababaril na sana si Ely biglang bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko ang takot. Hindi ako natatakot sa kahit anong bagay wala akong kinakatakutan pero nung may tyansang mabaril si Ely doon ko naramdaman ang takot. Hindi ko dapat ito maramdaman, bakit ko 'to nararamdaman?
Napatingin ako sa kamay ko na hawak hawak pala ni Ely habang natutulog. Parang may kuryenteng dumadaloy sa kamay niya papunta sakin at hindi normal ang tibok ng puso ko.
Binawi ko agad ang kamay ko at tinitigan siya. Ang amo ng mukha at ngayon ko lang napansin na gwapo pala siya, matangos ang ilong mahahaba ang mga pilik mata, may kakapalan ang kilay at ang mga labi nito normal ang pula. Ang sarap titigan, ang sarap pagmasdan.
Napailing iling ako sa mga naiisip ko. Hindi, hindi pwede ang mission ko ang proteksyonan siya kaya ko siya iniligtas at sinalo ang bala na para sa kaniya dahil misyon kong yun at wala ng iba.
Speaking baril pala, nagulat din ako kung sino yung pumatay sa bumaril sakin hindi ko inakala na makikita ko siya nung gabing iyon. Hindi ko rin matukoy ang nararamdaman ko nung makita ko siya halo halo at tyaka nanghihina ako ng oras na yun dahil bala na tumama sakin.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si Hejie, nginitian niya ako at lumapit.
"Mabuti't gising kana, dalawang araw kang natulog ah!"natatawang sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
Ano? Dalawang araw akong tulog? Ganun na ba kalala ang tama ko?
"Akala ko hindi ka tatablan ng bala eh."natatawa parin na aniya.
"Seryoso ka dalawang araw akong tulog?"walang emosyong tanong ko at tumango naman siya.
"Oo kaya dalawang araw din yang andito at binabantayan ka, ni hindi nga pumapasok para lang daw bantayan ka.."tumingin siya kay Ely.
"He blames himself for why you were shot, he says you shouldn't be the one who perished he should be in your situation now and not you."pag kwento niya.
Nakatitig lang ako kay Ely habang nagkwekwento si Hejie. Hanggang ngayon mahimbing parin itong natutulog.
"Umiiyak payan nung araw na inooperahan ka, nung araw ko lang na yun nakita ang apo ko na ganun ka emosyonal Dos."patuloy niya at naaninag ko na tumingin siya sakin kaya napatingin din ako sa kaniya.
"Anong meron sa inyo ng apo ko,why would he worry about you like that."walang emosyong tanong niya.
Ano bang meron samin? Wala naman diba?
"Wala hejie!"sagot ko at nag iwas ng tingin.
Wala naman talaga, nitong mga nakaraan lang kami naging okay.
"Maybe you don't but to my grandson you are important to him."pagsasalita ulit nito.
"How can you say that?"inis na tanong ko.
YOU ARE READING
The Battle of Love (Assassin Series 1)
RomanceI am different when it comes to love. I fight for the position, the safety of my family, the organization I belong to and to love someone. And thats 'The Battle of love'