KABANATA 1

26 3 0
                                    

Kabanata 1

KASALUKUYANG nakaupo ang magkaibigan sa sofa. Tahimik lang silang nanonood ng palabas sa telebisyon. Kanina pa walang nagsasalita sa kanilang dalawa.

Napatingin naman si Sanya kay Ella. Magkasalubong ang dalawang kilay nito. Muling itinuon ni Sanya ang tingin sa pinapanood nila. MMK ang palabas. Minu-minutong pinapakiramdaman ni Sanya ang kaibigan kung kalmado na ito. Napasobra kasi yata sa kaniyang pagkakapikon kanina.

"Bes," pagtawag ni Sanya, para makuha ang atensyon ni Ella. Nang makita kasi niyang hindi na magkasalubong ang kilay nito tsaka lang siya bumwelo para kunin ang atensyon ng kaibigan.

Bumaling ang tingin ni Ella sa kaibigan. "Huwag ka nang magbes-bes pa riyan." Umirap pa siya. "Itanong mo na 'yong gusto mong malaman. Alam kong kanina ka pa riyan nagpipigil."

Mukhang hindi naman napikon si Sanya. Mas humalakhak pa nga ito sa reaksyon ni Ella. "Yon!" Pumitik pa ang kamay nito. "Kilalang-kilala mo ako, ha."

"Diyan ka magaling, eh," sarkastikong tugon ni Ella.

"Oo na!" pabalang naman na sagot ni Sanya. "Kung diyan ka masaya, eh!" Ginaya pa nito kung paano sinabi iyon ni Ella. Wala namang naging reaksyon man lang si Ella. "Tsk! Ano ba kasing nangyari? Kagabi nang umuwi ka, hindi na kita nakausap pa."

Nakatutok lang si Sanya kay Ella. Naghihintay ng sagot mula rito pero nang makita ang kaibigan na mukhang iiyak na naman ito ay inunahan na niya. "Ay! Kung iiyak ka na naman. Wala akong malalaman na sagot."

"Panira ka talaga!" Inis na mukha ni Ella ang humarap kay Sanya. "Hindi ba puwedeng nadala lang sa pinapanood?"

Napatingin naman si Sanya sa telebisyon. Nakakaiyak nga naman dahil break-up scene pala.

Napakamot na lang si Sanya sa kaniyang ulo. Masyado kasi siyang tutok kay Ella, naghihintay ng sagot nito. Kaya nagconclude kaagad siyang related sa posibleng sabihin ni Ella ang reaksyon nito. "Sorry na. Hindi ko naman alam na nanonood ka pala, eh." Nakangiti pa itong nag peace sign kay Ella.

"Hindi tuloy natuloy ang luha ko." Himig pa rin sa boses ni Ella ang inis sa kaibigan. Nakasimangot niyang binalingan si Sanya. "Ano na ulit iyong tanong mo?"

"Anong nangyari?" Sumandal si Sanya sa sofa. Habang hinihintay ang sagot mula kay Ella.

"Bakit mo muna gustong malaman?" balik na tanong ni Ella. Siya naman ngayon ang mang-aasar sa kaibigan. Kilala niya si Sanya, ayaw na ayaw pa naman nito na nabibitin siya.

Nakatanggap naman si Ella nang irap mula sa kaibigan na siyang ikinahalakhak niya. "Hindi ko alam kung pabitin ka o ayaw mo lang sabihin."

"Bukas na lang, antok na ako." Humikab na sabi ni Ella. "Good night, bes—oo na, kuwento ko na," natatawa na pagbawi ni Ella.

Masama kasi ang tingin ni Sanya sa kaniya. Mahirap talaga na binibitin si Sanya, lalo na kapag mga ganitong usapan.

"Para makatulog ka nang mahimbing mamaya," dagdag pa ni Ella.

"Wow, ha?" puno ng sarkasmong sabi ni Sanya. "So, ako pa pala ang magbebenefit diyan?" dugtong pa niya, hindi makapaniwala.

"Ikaw talaga!" animo'y siguradong-sigurado na tugon ni Ella. "Eh, kailanman ay hindi ka nahuli sa balita. Kung baga sa ayuda, ikaw lagi ang una sa pila."

"Kaibigan ba talaga kita?"

"Sabihin mong hindi." Taas kilay ni Ella, talagang hindi magpapatalo sa kaibigan.

"Oo na! Inililihis mo lang ang kuwento, eh." Natawa naman si Ella. "Nahalata mo pala." Napakamot na lang ito sa ulo.

"Puwede ka na sigurong magkwento, 'no? Dahil masamang nabibitin ako." Napailing na lang si Ella sa kaibigan.

THANK YOU, BUMBLE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon