Kabanata 5
KASALUKUYANG nakaupo si Ella ngayon sa sofa habang nanonood ng telebisyon. Umuwi siya kahapon ng hapon, dahil maagang natapos ang kanilang klase. Minsan lang siya makauwi, dahil sobrang layo nito sa Unibersidad na pinag-aaralan niya. Aabutin ng tatlong oras ang byahe, para lang makauwi siya. Pinili niyang doon mag-aral dahil libre ang pag-aaral, walang matrikula na babayaran. Ang tanging iisipin niya lang na babayaran ay ang renta niya kada buwan sa boarding house na tinutuluyan nilang dalawa ni Sanya at ang kaniyang baon, o pansariling gastos.
Tatlong buwan.
Lumipas ang tatlong buwan, simula noong pinili nitong makipaghiwalay sa kaniyang dating kasintahan. Wala na rin itong naririnig na balita tungkol sa binata, para saan pa ba? Hindi siya ampalaya, sadyang wala naman na talaga dapat itong pakialam pa. Dahil siya ang nakipaghiwalay. Binalak pa naman niya sana itong ipakilala sa magulang niya, kahit alam niyang may porsiyentong mapapagalitan siya. Ngunit, 'yon kasi ang naging usapan nila. Kapag sumapit ang ika-dalawa nilang anibersaryo. Pero mapaglaro ang tadhana. Hindi talaga sila para sa isa't isa, hindi man lang sila umabot sa dalawang taon. Siguro, iyon talaga ang gusto ng itaas. Hindi ang lalaking katulad ni Dave ang para sa kanya. May mas better na lalaki, ang para sa kanya.
"Anak..." Tawag atensyon ng kanyang ina, si Mila. "Paki-tulungan nga ako rito." Kasalukuyan kasi na nag-aayos si Mila sa hapag ng kanilang niluto para sa kanilang tanghalian.
"Opo, ma," Magalang na tugon ni Ella. Pinatay muna niya ang telebisyon, bago siya tuluyang lumapit sa ina.
Inuna niya munang inayos ang mga plato sa lamesa, bago siya nagsandok ng kanin. Nang magawa at naisaayos na niya lahat ng gawain. Pinatawag naman sa kanya ang nakababatang niyang kapatid at ang ama nitong si Emil na nasa labas.
Dalawa lang silang magkapatid na kasama ang magulang.
Ang isang nakakatandang kuya nila ay matagal na nilang hindi kasama, dahil may trabaho ito sa siyudad.
May isa pa silang kapatid, pero hindi niya alam kung sino iyon. Simula kasi paglaki, ang kuya at si Eman lang ang kasama niyang lumaki. Hanggat isang araw, hindi niya sinasadyang pangyayari. Narinig niya ang kaniyang ina na pinag-uusapan nila ang bagay na iyon. Ngunit wala siyang tapang na loob na itanong sa mga magulang niya ang tungkol doon.
Unang pinuntahan ni Ella ang kapatid sa kuwarto nito. "Eman, kakain na." Kinatok niya ang pinto nito. "Lumabas ka na riyan," Pahabol pa ni Ella.
"Opo, ate. Sunod na po ako," Sagot naman ni Eman.
Nagtungo naman si Ella sa labas ng bahay. Doon niya natagpuan ang kaniyang ama na si Emil, kasalukuyan itong naglilinis ng tricycle. Ito ang kaniyang pinagkakakitaan.
Ang kaniyang ina naman ay isang housewife. Iyon ang gusto ng kaniyang kuya, dahil kaya naman daw niyang mag-abot sa magulang. Kaya malaking tulong din kay Ella ang libreng matrikula, dahil ang sinasagot lang ng kuya niya ay ang pang-baon niya na minsan ang ama niya ang nagbibigay. Kasama na rin doon ang pang-bayad niya sa boarding house na tinutuluyan niya.
"Papa, kakain na raw po," Pagkuha niya ng atensyon ni Emil. Tumango lang si Emil, kaya nauna na siyang bumalik sa loob.
"Sunod na raw po sila, mama," Ani Ella sa ina.
"Oh, sige anak. Maupo ka na riyan."
Habang kumakain sila. Bigla namang nagtanong ang kaniyang ama. "Anak, kumusta naman ang pag-aaral mo?"
Napaangat si Ella ng tingin sa ama. "Mabuti naman po, papa," Tugon niya. Tumango naman si Emil, pagpapakita na sapat na para sa kanya ang naging sagot ni Ella.
BINABASA MO ANG
THANK YOU, BUMBLE.
Teen FictionTHANK YOU SERIES 1 | ONGOING Ella Mariel De Leon is currently in a relationship, but her status is about to change due to an unexpected situation she witnesses involving her partner-something she never imagined he would do. One day, she hears about...