Kabanata 6
HAWAK ni Ella ang kaniyang telepono. Nakaupo siya sa sofa, at katabi niya si Sanya. Linggo na ngayon, kakauwi lang nilang dalawa kaninang tanghali. Bago pa sila makaalis, pinilit pa siya ni Marc. Sila ni Jessica kasi ang naghatid sa kanilang dalawa sa sakayan ng bus.
"Girl, 'yon ha! Huwag mong kalimutan!"
Sinigaw pa ni Marc iyon. Kaya naman sobra ang kahihiyan na nararamdaman niya, dahil halos ang lahat ng atensyon ay napunta sa kanya!
Lihim niyang minura sa isipan si Marc nang mga oras na iyon. Minsan kasi talaga, hindi kayang ilugar ni Marc iyong ganoong klase ng pag-uugali niya.
Nakatingin lang si Ella sa cellphone niya. Nagdadalawang-isip kung pipindutin ba niya 'yong install o hindi. Kung tama ba na makinig siya sa kaibigan, o hindi? Hindi niya naramdaman na kanina pa pala nakatingin si Sanya sa kanya. Nagulat na lang siya nang magsalita ito. Dahilan para mailayo naman kaagad niya ang kaniyang cellphone.
"Ano ba yan, bes? May pa-layo layo effect ka pa?" Nakakunot-noo na tanong ni Sanya.
"W-Wala... Wala ito," Pagsisinungaling ni Ella. "Manood ka na lang," Pag-iba pa niya nang usapan. Para hindi na siya tanunging muli ng kaibigan.
"Hay nako! Para saan pang magkaibigan tayo, 'di ba? Kaya patingin na," Pagpipilit naman ni Sanya. Mukhang sa puntong iyon, walang maitatago si Ella sa kanya. Wala na tuloy siyang choice kung hindi ibigay ang cellphone niya dahil alam niyang kukulitin lang siya ni Sanya, kapag patuloy lang niyang itatanggi.
Kinuha naman kaagad iyon ni Sanya. "Dating app?" Gulat na tanong ni Sanya. Napalunok na tumango si Ella. "'Di ba, ito 'yong narinig natin noong kumakain tayo nila Mia?" Tumango ulit siya. "Eh, bakit gusto mong i-download?" Hindi mawari kung concern si Sanya, o nag-uusisa lang talaga kay Ella.
"Gusto ko lang i-try," Kibit-balikat na tugon ni Ella.
"Edi, install na!" Mabilis na pinindot iyon ni Sanya. Aawatin pa sana niya ang kaibigan kaso inilayo na niya ang cellphone. Hindi na niya napigilan pa si Sanya.
"Installed na!" Masaya pang sambit ni Sanya. Ipinakita nito ang cellphone, kita sa screen na naka-install na nga iyong app. "Ako na ba maglagay ng informations mo?" Dagdag na tanong pa ni Sanya.
Kinuha naman kaagad iyon ni Ella. "Masamang idea 'yan. Ako na lang." Inirapan naman siya ni Sanya. Kapag kasi hinayaan niya itong maglagay. Alam na niya ang mangyayari. Kung ano-ano ang mga ilalagay nito.
"Ako na ang nagmamagandang loob... Ikaw pa choosy!"
Hindi na lang iyon pinansin pa ni Ella. Inumpisahan na niyang nilagay ang mga informations na kailangan. Ginamit niya ang kaniyang number. Inilagay na rin niya ang name, birthday, age at 'yong iba pang kailangan.
Kanina pa siya nagsa-swipe pero wala pang nagma-match. Kaya iniwan na lang muna niya ito. Mamaya na lang niya babalikan. Siya kasi ang magsasaing sa kanilang dalawa ni Sanya, kaya kumilos na siya bago pa siya masigawan ng kaibigan.
Habang nakasalang ang sinasaing niya, sinimulan na rin niyang maghiwa ng sibuyas, bawang at luya. Pati na rin ang patatas para sa iluluto niyang adobo. Iyon ang ulam nilang dalawa ngayong gabi.
Nang matapos siya sa paghihiwa ng mga ingredients, tsaka naman niya sinimulan na iluto.
Naupo rin si Ella sa sofa pagkatapos niyang maluto ang kanin at adobo. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya, nagising na lang siya sa magaang tapik sa pisngi niya. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mata at mukha ni Sanya ang bumungad sa kanya.
"Anong oras na?" Tanong niya, habang dahan-dahan na umayos sa pagkakaupo.
"6:30 p.m. na. Tara na, kumain na tayo. Para makapagpahinga ka na. Mukhang napagod ka sa byahe natin kanina."
BINABASA MO ANG
THANK YOU, BUMBLE.
Teen FictionTHANK YOU SERIES 1 | ONGOING Ella Mariel De Leon is currently in a relationship, but her status is about to change due to an unexpected situation she witnesses involving her partner-something she never imagined he would do. One day, she hears about...