Kabanata 4
ALAS SINGKO pa lang ng umaga ay nagising na si Ella. Dahil sa maaga siyang nakatulog at hindi na rin siya nakakain ng hapunan niya kagabi.
Kasalukuyan siya ngayon na nagpi-prito ng ulam nilang dalawa ng kaibigan niyang si Sanya. Hotdog at iyong paborito niyang tocino. Habang hinihintay niyang maluto ang tocino ay sinimulan naman niyang maghiwa ng bawang para sa isusunod niyang fried rice.
Palagi na lang may natitirang kanin. Kaya para makatipid sila, ginagawa nilang fried rice.
Nang matapos siyang mag prito. Nag salang naman siya ng ibang kawali, dahil nangitim ang mantika doon sa pinrito niyang tocino. Nilagyan niya muna ng kaunting mantika at hinintay na uminit bago niya inihulog ang bawang. Nang mag-golden brown na ang bawang tsaka naman niya nilagay ang kanin. Hinaluan niya nang nahiwa na hotdog, na ininatabi niya kanina at isang itlog.
Inihanda niya muna lahat sa lamesa bago nito tinawag si Sanya sa kuwarto nito. Nagtimpla na rin ito ng kape nilang dalawa.
Kakatok na sana siya sa kuwarto ni Sanya nang bigla na lang itong bumukas, at iniluwa ang taong sadya niya.
"Good morning, bes!" Masiglang bati ni Ella.
Nangunot naman ang noo ni Sanya. Nagtataka kung anong mayroon. "Good morning din. Anong ganap? At mukhang masaya yata tayo? Kaga—."
Kumapit sa braso ni Sanya si Ella. Para hindi na nito matuloy pa ang dapat niyang sabihin. Ayaw nitong masira ang kaniyang umaga. "Hay nako, bes! Good vibes lang dapat," Pagwawala ni Ella ng topic. "Kaya halika na, at nagluto na ako ng almusal natin." Nakangiti niyang hinila si Sanya at pinaghila pa niya ito ng upuan.
Sinandukan niya ng fried rice, at nilagyan ng ulam ang plato ni Sanya.
Nakatulala naman nakatingin sa kanya si Sanya na tila nag-iisip ng dahilan kung bakit bigla na lang nagbago ang awra ng kaibigan.
Aakalain mong ilang buwan na ang lumipas sa kaniyang inaasta, pero ang totoo kahapon lang nangyari ang lahat.
Pero kung umasta ito, parang wala lang sa kanya? Move-on na kaagad? Ang bilis naman kung ganoon.
"Kumain ka na bes." Pansin kasi ni Ella na hindi pa rin ginagalaw ni Sanya ang pagkain. "Gusto mo pa ba subuan kita? Ah..." Handa na sanang isubo ni Ella ang kutsara na hawak niya nang umatras si Sanya.
"H-Hindi na," Kontra ni Sanya. "Kaya ko na."
Natatawa na sinubo na lang ni Ella iyong laman ng kutsara.
Nang matapos na silang kumain. Hahawakan na sana ni Sanya ang plato ngunit natigil ito nang magsalita si Ella. "Ops! Ako naman." Tsaka niya kinuha ang mga pinagkainan nila. "Maghanda ka na lang doon. Para maaga tayong pumasok." Dagdag pa niya.
Nagkibit balikat na lang si Sanya at pumunta na lang ng kuwarto niya para makapaghanda na dahil lunes ngayon.
Nang matapos si Ella maghugas ng plato, pumasok naman siya sa kuwarto ng kaibigan. Hindi niya naabutan si Sanya roon, kaya hinintay na lang niyang lumabas ito mula sa banyo.
"Oh, bakit hindi ka pa nakabihis?" Kung ano kasi iyong suot ni Ella ay ganoon pa rin. Mukha ngang kagagaling niya lang sa paghuhugas nang pinagkainan nila. "Akala ko ba papasok tayo ng maaga?" Nagtataka pang pahabol ni Sanya.
"B-Bes..." Hindi pagpansin ni Ella sa tanong ni Sanya. "'Yong nangyari noong isang ga—." Hindi na nagawang tapusin ni Ella ang sasabihin dahil niyakap na kaagad siya ng kaibigan.
"Akala ko ba, good vibes lang? Kaya kalimutan mo na 'yon. Goods na tayo." Hindi maitago ang kasiyahan na nararamdaman ni Ella, kaya naman niyakap niya pabalik si Sanya.
BINABASA MO ANG
THANK YOU, BUMBLE.
Teen FictionTHANK YOU SERIES 1 | ONGOING Ella Mariel De Leon is currently in a relationship, but her status is about to change due to an unexpected situation she witnesses involving her partner-something she never imagined he would do. One day, she hears about...