KABANATA 7

7 2 0
                                    

Kabanata 7

DUMIRETSO si Ella sa may gazebo na tapat lang ng kanilang building. Padabog niyang binaba ang mga gamit na dala.

Kinuha niya ang cellphone. Dahil sa inis na nararamdaman niya, pinatay niya ito nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang mga nagmessage sa kaniya.

Hindi na rin niya natuloy ang gagawin. Kaya hinintay na lang niya ang mga kaibigan na dumating. Hindi man niya nasabi na sa gazebo ang punta niya, pero alam niyang doon siya pupuntahan ng mga ito, dahil iyon ang malapit sa susunod nilang subject.

"Kinakalabit ka nga. Parang wala kang nararamdaman." Giit ni Sanya, at naupo ito sa tabi niya. "Ayan tuloy... napalabas ka." Hindi mawari sa tono ni Sanya, kung concern nga ba o sinisisi pa si Ella sa nangyari.

"Naka-focus nga kasi ako sa ginagawa ko. Alam mo naman ayaw na ayaw kong naiistorbo, eh." Paliwanag naman ni Ella.

Kapag talaga busy siya sa mga activities nila o nangingibabaw ang kagustuhan niyang matapos ang ginagawa, hindi talaga ito makakausap. Para bang kahit siguro nagsasaya na ang mga kasama niya, dedma pa rin siya.

"Sino ba kasi 'yon?" Kyuryosong tanong ni Mia.

"Hindi ko na-off ang data. Tsaka hindi ko pa na-check dahil nakakainis. Kaya in-off ko ang cellphone ko." Sagot niya.

Tumango na lang ang mga kaibigan sa kanya. Dahil alam nilang sa punto na iyon, hindi rin naman nila mapipilit si Ella na sabihin lalo na at malinaw na wala ito sa mood.

"Tara na! Sa room na lang tayo medyo malapit na rin magtime," Aya ni Alena.

PAGKAUWI ni Ella tinapos niya 'yong activity na hindi niya nagawa na matapos kanina dahil nga pinalabas siya. Pagkatapos niyang gawin doon pa lang niya chineck ang kaniyang cellphone. At saktong pagkabukas pa lang niya sunod-sunod ulit ang naging tunog nito.

"Ano ba 'yan, bes! Wala na bang ilalakas 'yan?" Sarkastiko na tanong ni Sanya. Ginagawa kasi nito 'yong isang activity nila dahil hindi rin niya natapos kanina sa ingay ng mga kasama nila. Na inuna pa ang makipagusap, kaysa gawin ang pinapagawang activity ng Professor nila.

"Sorry naman. Hindi ko naman inaakalang ganito karami ang mag-memessage 'no!" Depensa naman ni Ella sa sarili.

"Tingin nga ako." Bigla ay nag-iba ang mood ni Sanya. Nangibabaw ang interest nito, kung sino nga ba ang mga iyon na nagdulot kung bakit sunod-sunod ang tunog ng cellphone ni Ella.

"'Wag na!" Kaagad tumayo si Ella. "Tapusin mo na 'yang ginagawa mo," Aniya kay Sanya at pinili na lang pumasok ng kuwarto.

"Damot!" Narinig pa niyang sabi ni Sanya, bago pa niya maisarado ang pinto.

Hindi nagkamali si Ella sa naisip na sa Bumble App iyon galing. Dahil nakakagulat naman kong galing iyon sa personal niyang account sa Facebook.

Una niyang binuksan ang message galing kay Daniel.

Daniel:
How are you? :) still studying?

Mabilis niyang sinagot ito.

Ella:
Ayos lang ako. At oo nag aaral pa. Ikaw?

Sinunod naman niya ang ibang nag-message din sa kanya. Nasa kalagitnaan siya ng pagrereply ng may lumabas sa notification na nag-match sa kanya. At kinagulat niya ang sinabi nito.

Wow, ha! Ang bilis naman! Unang message pa lang, akala mo magkasintahan na.

Liam:
Hi baby. ;)

Kung sa iba ay nagawang i-reply ni Ella. Ngunit ang mensahe na iyon mula kay Liam ay hindi niya nagawa na pag-aksayahan ng oras na i-reply.

Ngunit naging sunod-sunod naman ang naging message ni Liam sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THANK YOU, BUMBLE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon