Date uploaded : 3-15-15
Chapter 37
Ysabelle
I tucked my son under the covers. Tulog na sya noong dumating kami sa bahay at binuhat na lang sya ni Aldrin. HIndi pa ako umalis sa tabi nya at parang ayaw ko na nga syang iwanan pa. I know I'm very paranoid right now dahil sa mga nangyari. But can you blame me?
I said a silent prayer, thanking God that we made it out in one piece. My son is safe and Tita Demy will pay for her crimes. Nakakalungkot lang dahil nawala na si Lovely and I could not thank her enough for saving me and my son. HIndi lang pala isang beses nyang ginawa iyon. Kung hindi dahil sa kanya at kay Brandon, matagal na pala akong wala sa mundong ito. Her only fault was to love Spencer so much that she became obsessed. Nadamay pa tuloy ang bata.
I ran my hands over his head. I'm considering taking my son to a child psychologist. Naging traumatic ang mga pangyayari at ayaw kong makaapekto ang mga iyon sa buhay nya. Kung pwede ko nga lang i-delete ang mga iyon sa utak nya, gagawin ko.
"He'll be fine. He's a tough kid." Hinawakan ni Aldin ang balikat ko. " Just like his mom."
"How I wish I can really be tough."
"You are the toughest woman I've ever seen. Sa dami ng pinagdaanan mo, hindi ka bumigay, nakatayo ka pa din. "
"Kung alam mo lang, gustong gusto ko na talagang bumigay. But I have to remain strong. Para sa anak ko."
"And I admire you for that."
Nangilid ang mga luha ko. Sa totoo lang, all I want to do right now is to break down and cry. Cry for all the things that happened. Cried for the lost years. Mga panahon na nawala ako sa pamilya ko at hindi ko na inabutang buhay ang daddy ko. I want to for Tita Demy's betrayal and evil ways. Cry for the death of Lovely, and cry for the things that had never been. Biglang sumagi ang isip ko kay Spencer at mas lalo nanikip ang dibdib ko. I didn't know what to make up of the things I've learned tonight.
Hindi ko alam kung mas maguguluhan ako ngayong nakaalala na ako.
Nag-rewind sa isip ko ang mga sinabi ni Lovely kanina. Totoo bang walang naging relasyon noon si Lovely at si Spencer? Patang dinurog ang puso ko noong nakita ko si Lovely sa condo ni Spencer. At ngayong naalala ko ang mga pangyayari, kahit na 5 taon na ang nakakalipas, parang nanariwa ang sugat na nararamdaman ko.
"Something's bothering you. Do you want to talk about it?"
Umiling ako. "Sisikat na ang araw, mas maganda kung umuwi ka na para makapagpahinga ka na."
Hindi sya kumilos. "Is it about Spencer?"
"Of course not."
Napangiti sya pero hindi umabot ito sa mata nya.
"I think I know you enough to say that ever since we've left Lovely's resthouse, Spencer has been occupying your mind. Nananahimik ka lang pero alam ko ang tumatakbo sa isip mo."
Nagulat ako sa sinabi nya. Am I that transparent?
Kinuha nya ang kamay ko at hinila nya akong patayo. "Let's talk outside, baka magising si Clyde. And I know that we have a lot to talk about."
Lumabas kami sa balcony at naupo sa garden set.
Kung tutuusin, dapat bagsak na ang katawan ko ngayon sa sobrang dami ng nangyari nitong araw na ito. But my adrenaline is still kicking in ang my mind still racing. I don't know what to do with the things I've learned today.
"Ysabelle... You can tell me, you know. Katulad nga ng palagi kong sinasabi sa 'yo. I'm always here for you."
There's a look of concern in his eyes, na gusto ko talagang ibuhos sa kanya ang lahat ng mga alalahanin ko. But I don't know if I can say it. Masasaktan lang sya. True, he has always been there for me. I consider him as my protector. Sinalba nya ako sa panahon na wala akong pwedeng mapuntahan o mahingan man lang ng tulong. I owe him a whole lot at hindi ko kayang saktan sya.
BINABASA MO ANG
Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]
RomanceLife has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 year old boy. She strive and work hard to just to raise her son at all cost. Tinanggap syang assistant si Adrin na general manager ng Altamera...