Date uploaded - 12-20-14
AN - Hello people! malapit na po ang pasko! regalo ko! hahahahah! jowks lang.. nway, announcement lang po. sa Monday na po ang meet up natin sa tramway Roxas Blvd. (Tama ba? sana naman tama ako! hahhahaa!) If you want to join us... please coordinate with Ms Jhez hernandez, ang pinakamasipag na organizer ng group! Please try to find - walang magawa book compilation group and falcon university group for more details. palagi din naka-OL doon si Jhez kaya pwede nyo syang tanunging.
Pagpasensyahan nyo na rin ang very slow updates ko dahil tambakan ng bonggang bongga ang trabaho ng lola nyo. :)
Chapter 18
Ysabelle
"Aldrin?" Tumingin ako kay Aldrin habang nagmamaneho nya pabalik ng condo. Hindi na kami nagtagal sa bahay ni Kirsten, I mean bahay pala namin, dahil alam kong hinahanap na ako ngayon ni Clyde. Hindi naman ako nakapagbilin kay Maria na gagabihin ako.
"May sasabihina sana ako sa 'yo."
Paano ko ba sasabihin sa kanya ang mga napag-usapan namin ni Kirsten na pumayag na akong sa bahay na namin kami titira ni Clyde. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon nya sa desisyon ko. He has done so much for us and I don't want to sound ungrateful.
"I really hope you don't mind."
Tumingin sya sa akin at nginitian nya ako na bigla namang ikinalukso ng dibdib ko! Gosh! He really has a captivating smile! Nakakainis naman at na-d-distract ako sa kanya. Bakit ba naman kasi ako angkaroon ng gwapong boss? Hindi lang gwapo, considerate and caring and... The list just goes on and on. And the more that i knew him, the more that I'm impressed. Mas lalo na nitong lumipat kami sa Manila. noong nasa Cebu kasi kami, hindi naman masyadong personal ang pagkakakilala namin sa isa't isa, but now.. Mas naging open kami sa isa't-isa, mas lalo na ngayong nagkakaroon ako ng identity crisis. Sobrang nahihiya na nga ako sa kanya, dahil parang hindi na boss ang trato ko sa kanya. He's more than that to me. Hindi ko rin ma-identify. A friend? I think it's more than that. Hindi ko namang masabing best friend dahil iyon naman daw ang papel ni Shaun.
A basta! What I know right now is he is someone that I can trust. At alam kong maipagkakatiwala ko sa kanya ang buhay ko, pati na rin si Clyde.
"Parang nahihirapan kang sabihin sa 'kin? Is it something to do with Kirsten?"
"Well, yeah.Sort of."
Tinignan nya ulit ako. He gave me a thoughtful look.
"Hindi ko alam kung anong napag-usapan nyo kanina, pero may kakaiba akong nakita sa 'yo noong sonundo ka namin. Parang medyo umaliwalas ang mukha mo. May mga naalala ka ba kanina?"
"I remembered a lot. Naalala ko ang tungkol sa magulang ko. And I actually remembered their faces even without seeing their pictures!"
"Hmmmmm, malaki pala ang nagagawa ng environment para bumalik ang ala-ala mo. Frans... Or, am I suppose to call you Ysabelle right now?"
Tinitigan ko sya. I can still see myself as Francine, but I can't deny that I am really Ysabelle. Mas lalo na ngayon na unti-unti ng nabubuo sa isip ko ang nakaraan ko.
"Aldrin, maybe you can still call me Francine. " nagkibit balikat ako, " i don't know.... Dahil siguro na nakilala mo ako bilang si Francince. And I guess that it's something that we can both share. "
Ilang segundo din syang hindi nakapagsalita. "You're right, kahit na malinaw na ikaw nga si Ysabelle, you will always be my Francine."
My hear skipped a beat with that "my" thing that he said! Nararamdaman kong umiinit ang mukha ko at laking pasasalamat ko at madilim ang paligid at hindi nya nakikita ang pamumula ng mukha ko!
BINABASA MO ANG
Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]
RomanceLife has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 year old boy. She strive and work hard to just to raise her son at all cost. Tinanggap syang assistant si Adrin na general manager ng Altamera...