Chapter 1
FRANCINE
"Hoy babae! Bakit ba kapag nakikita kita ay mas lalo ka pang gumaganda! This is infair!!!"
Magkasabay kaming pumasok ni Angela ng elevator. Isa sya sa mga kaibigan kong accountant ng kompanyang pinapasukan namin. May pagka-kalog ito at masarap kasama.
"Ano ka ba? Pareho lang tayong maganda. And remember, walang ginawang pangit ang Diyos."
"Iyan ang gusto ko sa 'yo e. Kahit na mukhang tambakol ang mukha ay maganda pa rin ang tawag mo!"
"Hindi naman kasi ako pintaserang katulad mo."
"Oo nga, hindi ka nga pintasera, bolera ka lang naman!"
"Ano ka ba, ang weird mo talaga. By the way, sabay tayong kumain mamaya a. Nagbaon ako ng paborito mong ulam."
"Hulog ka talaga ng langit! Mabuti na lang at pinagsawaan ka na nila sa taas at inihagis ka na nila dito sa lupa!"
Pinalo ko ng mahina ang braso nya.
"Naku! Ikaw talaga! Kung minsan talaga, hindi ko alam kung pinupuri mo ako o iniinsulto!"
"Syempre naman, pinupuri kita! Wala ng pinakamabait na magbabaon sa kin ng pagkain araw-araw!"
"Iyan! Dyan ka magaling!"
Bumukas na ang pinto sa fifth floor at doon na sya bababa.
"Sunduin kita sa taas mamaya pag-lunch."
"Hindi, ako na lang bababa."
"AKO NA!!! Aalisin mo pa ang pagkakataong masilayan ko ang boss mo! "
Natawa na lang ako sa kanya. Sobrang crush nya kasi si sir Aldrin at palaging naghahanap ng pagkakataong makapanhik sa opisina ko.
"Ok sige. See you later!"
Sumara na ang elevator at nagpatuloy sa pag-akyat ito patungo sa top floor kung saan ay nandon ang opisina ng general manager.
Hindi pa man din ako nakakaupo sa pwesto ko ay may tumawag na sa akin.
"Francine, a word please."
Sinenyasan nya akong pumasok sa opisina nya. Sa itsura at sa tono ng boses nya, I can sense that we are going to discuss something serious, which is very unlikely of him. He is usually a very jovial and a happy go lucky person. But ever since his father died a week ago, parang biglang nagseryoso ito. Halos hindi mo nga maka-usap at naglalagi lang sa loob ng opisina simula noong umuwi dito sa Cebu galing sa funeral ng ama nya sa Maynila.
Kinakabahan akong pumasok sa opisina ng boss ko at walang imik na nakatayo sya at parang malalim ang iniisip na nakatanaw sa magandang tanawin sa labas malaking bintana. Pero hindi doon nakatuon ang kanyang isip.
I can't deny that he is a very handsome man na karamihan ng babae dito sa opisina ay nagkakandarapang mapansin nya. Sya ang big boss dito sa Cebu branch ng Altamirano Industires at anak sa ibang babae ng namayapang Altamerano na isa sa pinakamahalagang tao sa business world.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya sa Maynila dahil ang pagkakarinig ko ay hindi sya tanggap ng unang pamilya ng Altamerano. Kung patatalsikin sya sa properties ng naunang pamilya ay nanganganib din ang trabaho ko na sobrang ikinakaba ko. I work as his assistant kahit hindi ako qualified sa posisyon ko. Naging sapat na para sa kanya ang exam ko na mataas naman ang naging resulta, at kahit wala akong naipakitang transcript ay tinanggap nya ako.
Noong una ay maraming kumu-question sa pagkakapasok ko sa isang malaking kompanyang ito at assistant pa ng General manager. But I proved myself worthy and I gained the respect of my fellow employees. I've worked hard for the past years, and I can say that I am competent enough for my position. Pero kung magbabago ng management ay baka mamiligro ang trabaho ko, dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakukuha ang college degree ko.
Nakatayo pa din ako at iniintay syang pansinin ako. Pero ilang minuto pa ang nakalipas ay nakatulala pa din sya.
"Ummm sir? "
Doon lang sya parang bumalik sa earth at napansin nyang may kasama na pala syang ibang tao sa kwarto.
"Oh, I'm so sorry Francine. I didn't realized that you're already here. There are lots of things in my mind that I have to consider that's why I've been spacing out a lot lately. "
"Hindi naman po masyadong pansin, slight lang."
His mood lightened up at napangiti sya.
"Please sit down. We have a lot to talk about and my decision is going to affect you."
Kinabahan ako ng husto at nawala ang ngiti ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Mukhang tama ang hinala ko at dumating na ang kinatatakutan ko.
Umupo ako at naupo na din sya sa swivel chair nya. Hindi ako sanay sa ikinikilos nya. Napakaseryoso nya ngayon at mararamdamn mo din ang tensyo sa kanya. Hinayaan ko na lang na sya ang inang magsalita, dahil sa tingin ko ay hindi magiging diretso ang pagsasalita ko dahil sa nararamdaman ko ngayong matinding tensyon.
"Ok. I will totally be honest with you. My family, asked me to move out of the Cebu branch."
Sa sinabi nyang iyon ay parang bumagsak ang mundo ko. Sinasabi ko na nga ba at hindi maganda ang kalalabasan ng pag-uusap na ito e!
"But sir... If you go, can I keep my job? O kaya kahit saang parte ng opisina na ito, kahit clerical works or any secretarial jobs. You know I need this job.." I said desperately.
Napangiti lang sya. Kung hindi ko lang ito boss baka naihagis ko sa kanya itong malaking paper-weight. Nginiti-ngiti pa sya at etong namimiligro ang buhay ko!
"Don't get hysterical on me Frans. You know that I will always take care of you."
Binigyan nya ako ng makabuluhang tingin at at nararamdaman kong umiinit ang mukha ko. I really don't know what to think about those stares. For the past few years na nag-t-trabaho ako sa kanya ay walang namagitan sa aming dalawa. Purely professional lang. Pero hindi ko maitatanggi na paminsan-minsan ay tinigtignan nya ako ng kakaiba na para bang may gusto syang sabihin sa akin, katulangad ngayon. At what's with the 'I will always take care of you thing?'. Tuluyan na ba syang nahibang? Alam na alam nya ang katayuan ko sa buhay. And I know that he doesn't want to do anything with me.
Napakalayo ng agwat ng katayuan namin sa buhay. He's one of the riches young men in the country. Matanda lang sya sa akin ng isang taon but he has accomplished so many things. Before he took over the Cebu branch, namimiligrong idispatcha ng Altamerano holdings ang branch na ito. But when he took over, it's now one of the most important branch of the company. Hindi lang iyon ang plus factor nya, aside from being charming, he is one of the most good looking guys I've ever seen. I mean look at him, hindi makatarungan ang kagwapuhan nya. Well, sabi nila, talaga daw na breath takingly handsome ang mga Altamerano brothers. Mas lalo na daw ang legal na panganay na Altamerano. Bottom line is, he's at the top and I'm at the bottom. His greatness is a big contrast to my pathic life.
At my young age of 23, 3 years na akong widow and a single mom to a 5 year old little boy. Hindi rin mayaman ang naging asawa ko at walang naiwan sa aming mag-ina noong namatay sya. Kaya noong nawala sya ay sobrang desperada akong mkahanap ng trabaho dahil wala talaga akong source of living. Napakahirap maghanap ng trabaho noon dahil wala akong maipakitang credentials. Maski mga papeles ng existence ko ay wala akong mai-produce. Wala akong birth certificate, baptismal o marriage certificate man lang. Kahit na anong records din sa school ay wala. Walang pwedeng tumulong sa akin noon dahil wala na rin akong kinikilalang magulang at mga kamag-anak. Wala rin akong maalala about my life before. Ang pinaka maliwanag na ala-ala ko lang ay noong ipinanganak ko si Clyde.
Minsan ko ng tinanong sa asawa ko kung bakit parang singaw naman ako sa mundong ito. Ang explanation nya ay nasunog daw ang bahay namin dati at kasamang natupok ang buong pamilya ko. Himalang nakaligtas daw ako sa sunog, pero dahil daw sa matinding trauma ay nag-shut down daw ang utak ko at pinili na lang na kalimutan ang nakaraan ko.
"Sir, can you transfer me na lang on a safer position, yung hindi naman masyadong mapapansin ng papalit sa inyo."
"Transfer you? I'm sorry I can't do that."
"But sir--"
"Frans, I'm taking you with me."
"W-wh-what?!"
"I'm taking you with me. To Manila. "
"What! Why? How?"
"Kulang pa ata ang tanong mo," he smiled that cute smile that can turn every girl into mush potatoes! "You forgot to ask me when."
"Teka teka, wait lang. Are you serious? "
"Dead serious Frans."
"But why? Teka sandali, naguguluhan ako." Para naman kasing bomba ang ibinagsak nya sa 'king balita.
"Ok. Let me explain. After my Dad's funeral, ininvite ako ng mga kapatid ko sa bahay nila and we had a serious talk. Alam kong hindi pa din ako tanggap ni Tita Demy pero tinanggap ako ng mga kapatid ko. Spencer offered me a position in the company that is so tempting that I could not turn down. I'll be doing part of the job of the CEO, because Spencer is getting married a month from now and he needs a someone who can take some of the responsibilities from him. "
"Ooookkkaaayy. Pero, bakit ikaw ang napili ng kuya mo. I mean, no offense meant, pero sabi mo 'mga kapatid', na pwede nyang pasahan ng trabaho. Kailangan ka ng branch na ito. Hindi mo naman pwedeng bitawan ng basta basta ang posisyon mo dito."
"I have competent staff that can handle the work with just a few training. And about that "kapatid" that you were talking about? He only has one brother, and he doesn't want the position. Masyado daw makakasagabal sa social life nya."
"Pero anong sabi ng step mom mo? Is it Ok with her? Hindi ka ba magkakaproblema sa kanya?"
"It's not Ok with her, that I can say, pero wala na syang magagawa. She has been ruled out by my brothers."
"When are you planning to leave?"
"The most na ang next week."
"That soon?"
"Yes. And you're coming with me."
"What! Are you serious?! I can't! You know I can't"
"Yes you can. You have the capability of being my assistant. Malaki ang naitulong mo sa akin, especially those times na namimiligro ang kompanya. Mas lalo kitang kailangan ngayon."
Tumayo sya at lumapit sa akin. Hinawakan nya ang magkabilang braso ko at parang nagmamakaawang nakikiusap sa akin.
"Please Frans. I need you there with me. "
"Pero Sir, alam nyo naman ang sitwasyon ko. Hindi ko pwedeng iwanan ang anak ko."
"Who told you that we're gonna leave him behind? Isasama natin sya. Nagpapahanap na ako ng apartment na suitable para sa inyo na malapit pareho sa opisina at malapit din sa isang magandang school."
"I'm sorry sir, but I can't possibly afford the lifestyle there. Grabeng mamahal ng rent ng apartment. Mas lalo na siguro ang mga eskuwelahan. And besides, nasa kalagitnaan pa lang ng school year si Clyde."
"Madali lang nating maaayos ang mga transfer papers nya. And about those things that you worry, I'll handle everything."
Napailing ako. "I can't let you do that."
"Pero mas hindi ko pwedeng iwanan ka dito. Just say yes. i need you to be there beside me."
"I don't know...."
"Please?"
Tinitigan ko sya and he looks at me pleadingly. Why? Bakit nya ginagawa ito? Napakadaming dapat i-consider. Maraming mababago. Iiwan ko ang lugar na nakasanayan ko, pati na rin ang mga kaibigan ko.
Napabuntong hinga ako...
"Sir.."
"Just call me Adrine"
"Huh?!"
"You'll get use to it eventually, but right now, I just want you to say yes."
Napabuntong hiinga ulit ako.
"I'll think about it."
BINABASA MO ANG
Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]
RomanceLife has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 year old boy. She strive and work hard to just to raise her son at all cost. Tinanggap syang assistant si Adrin na general manager ng Altamera...