Chapter 12

27.9K 732 47
                                    

Date uploaded :11-23-14

AN.. Maikli lang to... Antok much na e. :) goodnight people and congrats again to our people's champ!

Chapter 12

Shaun

Bumaba ako sa kotse ko at tinanaw ang ang napakagandang Taal Volcano.

"Dito ka lang pala nagtatago." Tinignan ko ang kotse ni Spencer na nakapark sa garahe ng resthouse nya dito sa Tagaytay. Ako lang ang nakakaalam nitong sanctuary nya na to. Kapag ayaw nyang magpa-istorbo ay dito sya tumatakbo. Hindi nya ipinapaalam ang lugar na ito mas lalo na kay Mama at Lovely.

It's been 4 days since the chaotic encounters. Spencer's mind was already made up to forget about Ysabelle until the kid showed up. Ang galing din talaga tumiming nung bata! Bilib ako, manang-mana talaga sa 'kin. . At first tinignan nya lang at palabas na ulit sya ng unit, sigruo akala nya na si Kirsten ang tinawag nyang mommy, kasi naman mas mukhang nanay yung babaeng yon! Gabi na nakapantulog pa din at gulo-gulo pa din ang buhok!

Pero nilingon nya ulit at doon naman ay kinarga Aldrin yung bata. Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Spencer noong nakita nyang tinawag na mommy ni Clyde si Ysabelle. His jaw almost dropped in unbelief! Pero hindi sya umimik. Wala ding tinanong o kung ano mang sinabi. HE. JUST.STARED! Gusto ko syang sapakin para matauhan! Gusto ko din na ingudngod sya sa bata para makita nyang mabuti ang mukha! Pero wala. HE. JUST. STARED! And with a pained expression in his face, he left! Just like that! Hindi man lang naging curious? Hindi man lang inalam kung anong nangyari kay Ysabelle at bakit may anak na sya?!

Pababayaan ko na sana sya sa katangahan nya pero sa mga sumunod na araw ay wala man lang kahit na anong balita akong natanggap mula kay Spencer. Given that he's already in vacation, pero dapat inaasikaso na nya ang kasal nya. Nung sumugod si Mama at si Lovely sa opisina at hinahanap sya at kahit sa kanila ay hindi pa daw nagpapakita pagkatapos ng engagement party. Doon na ako nabuhay ng loob. Mukhang tumanim sa kanya ang mga pangyayari. The question is.... Anong gagawin nya sa mga nalaman nya?

Kumatok ako sa bahay, pero kalahating oras na ay hindi pa din ako pinagbubuksan.

"I really don't want to use this, but I have no choice." I took out my spare key and opened the door. HIndi alam ni Spencer na may tinatago akong spare keys ng lahat ng bahay at condo nya. You'll never know when it'll get handy, like right now.

Naabutan kong tulog sa may salas ni Spencer. Magulo ang paligid. Kalat kalat ang mga papel at mga litrato nilang dalawa ni Ysabelle. Napailing na lang ako. Naupo ako sa tabing couch ng tinutulugan ni Spencer.

"Kaya nga ayokong ma-in love. Tignan mo ang nangyayari sa 'yo ngayon. Tsk. Tsk.Tsk."

Inalog-alog ko sya. Parang walang nangyari. Ang lalim ng tulog! Inalog ko ulit. wala pa rin. Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng ice cold water. Napangisi ako at bumalik sa salas. tumayo ako sa likuran ng hinihigaan nya.

"Ok Spencer, time to wake up..." Ibinuhos ko ang malamig na tubig sa mukha nya. Bigla syang napatayo at parang nawala sa sarili. Tumingin tingin sya sa paligid at ng makita nya ako ay sinugod nya ako!

"WHAT THE @$%^!%$@%!^^!." We had a little sparring at dahil kakagising pa lang nya ay walang tumama sa mga suntok nya. We've been taking up mixed martial arts since we were kids at marami na rin kaming nahakot na parangal sa iba't ibang Kompetisyon. Magaling sya, pero kahit kailan ay hindi sya nanalo sa akin. He always comes in second. Kaya nga malakas ang loob kong asarin sya kahit natutulog sya.

He finally gave up. Pareho kaming hinihingal na naupo sa sahig at sumandal sa pader.

"What in world are you doing here?"

"Walang, na-mi-miss lang kita." Nginisian ko sya.

Napabuntong hininga sya. " I'm not in the mood to play your games. Kaya nga nandito ako, dahil gusto kong mapag-isa at makapag-isip."

"Mahaba na ang apat na araw para makapag-isip ka. Panahon na para umaksyon."

Tumayo na ako pero hindi pa din kumilos si Spencer sa kinauupuan nya.

"She had a kid. How old is he?"

"Make a wild guess."

Tinignan nya ako ng masama. "Bakit ko sasabihin? Dapat ikaw ang umaalam nyan, hindi yang nagpapaka-bum ka dito."

Tumayo na sya sa wakas.

"Ano pa ba ang ginagawa ko? Di ba inaalam ko na?"

Pilisopo.

Kumuha sya ng mga makakain at maiinom sa kitchen at doon kami naupo sa veranda.

"Anong balak mo ngayon?" Tanong ko. Hindi sya umimik. "Pangangatawanan mo na ba talaga ang sinabi mo na kakalimutan mo na si Ysabelle? "

HIndi sya sumagot.

"And what's with all those garbage inside your house? Kakalimutan mo pero ni-re-reminisce mo ang lahat ng pinagdaanan nyo ni Ysabelle. May suicidal tendency ka ba? Sabihin mo lang, ikukuha kita ng matibay tibay na lubid, para siguradong successful ang pagpapakamatay mo."

Pinanlisikan nya ako ng mata.

"Hindi ako nagmumukmok dito. I was just weighing all the pros and cons. " Tumingin ulit sya sa malayo. " I was dead set on forgetting everything about her. She begged me to forget about Ysabelle and moved on with our lives. Sabi nya mahal na nya si Aldrin. Mahal ko si Ysabelle at kapatid naman natin si Aldrin, and he deserves the break that was meant for him. If they are in love, ayokong ako ang maging dahilan ng pagsira ng relasyon nila. And there's Lovely."

"Who care about her? Tanggalin na lang natin totally si Lovely sa equation. Noong una pa lang sinasabi ko na sa 'yo that she doesn't deserve you."

"Cut the crap, minahal ko din naman si Lovely, pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Ysabelle. It has always been her. And I would do anything to make her happy. Sinundan ko pa sya para muli syang kumbinsihin, pero noong nakita kong umiiyak sya at yakap yakap sya ni Aldin, I've decided to grand what she want and that is to let her go. "

Umiinit na ang ulo ko, sasabihin ko sana kung gaano sya katanga pero naunahan nya akong magsalita.

"But everything changed when I saw the kid."

Napangisi ako. " Ibabalik ko sa yo ang tanong ko sa 'yo kanina. Ano na ang gagawin mo ngayon?"

"Isn't it obvious? I'm gonna persue her! Kahit na walang matira sa 'kin. Kahit pride ko ay isasantabi ko na. Maibalik ko lang sya sa kin."

"And what about Lovely?"

"I'll just beg for forgiveness."

"And mom?"

"She doens't own me."

Napangisi na ako.

"How about Aldrin?"

Matagal syang hindi nakasagot.

"I have always wanted to have my peace with him. Sya din ang isa sa malaking bagay na pinag-isipan ko. If I'm going to do this, isa talaga sa amin ang masasaktan sa huli at hindi ko alam kung maayos pa namin ang relasyon namin sa isa't isa pagkatapos ng lahat ng ito. Ayoko sanang magkasiraan kami especially ngayon na nagiging maganda na sana ang relasyon nating magkakapatid. But I've weighed everything at mas mabigat sa timbang si Ysabelle."

"Sigurado ka ba dyan sa desisyon mo? "

"I've never been so sure."

Tinapik-tapik ko ang balikat nya.

"That's my bro.... Let's get our Ysabelle back. Ako na ang bahala kay Aldrin. Masasaktan sya dahil nakita ko kung gaano nya kamahal si Sab. But he'll live... "

Mapait na ngiti ang ibinigay nya sa akin. Alam kong ayaw nyang magkagalit sila ni Aldrin, kaya nahihirapan sya. Pero it's either na saktan nya si Aldrin or say goodbye to Ysabelle forever.

"By the way, you may be needing this." May inabot ako sa kanya na isang maliit na plastic na naglalaman ng mga hibla ng buhok.

"What's this?"

"A gift."

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon