Chapter 2
Francine
Aldrin gave me the rest of the day off. Para daw mapag-isipan ko ng husto ang ino-offer nyang trabaho. But if I know, he wouldn't take a no for an answer, he even offered to double my salary. He can be very persuasive if he wants to be. Kaya nga naging successful ang Cebu branch ng dahil sa personality nyang yon. Binibigyan lang nya ako ng oras para mag-sink in sa akin yung idea. Hindi ko din alam kung anong gagawin ko. It's either I go with him in Manila or just tender my resignation. Hindi naman pwedeng mawalan ako ng trabaho! Paano na ang anak ko?
Naiipit talaga ako!
Parang natatakot akong magpunta ng Manila, I don't know why? Parang pakiramdam ko ay may iniiwasan ako don, pero hindi ko alam kung ano yon o sino yon? Is it something about my past? Ang problema, wala akong matandaan na kahit ano!
Nagpunta muna ako sa isang park na malapit sa opisina at doon ay naupo ako sa isang swing at tinanaw ang mga halaman na in full bloom na ngayon. Nature helps clear my mind. Kapag talagang may malalim akong iniisip ay nakakatulong na napapalibutan ako ng halaman.
Napabuntong hininga ako. Parang wala naman talaga akong choice kundi sumama kay Aldrin sa Manila. Kinakabahan lang ako sa dadatnan ko don. Wala akong kakilala doon. Kung sabagay, wala rin naman akong masyadong kakilala dito sa Cebu, nagtataka nga rin ako kung bakit hindi ako marunong magbisaya kung ang sabi sa akin ng asawa ko ay dito daw ako lumaki sa Cebu! Ang weird lang talaga. Masyado ba akong introvert at wala akong masyadong ka-close? I just gained some friends here when I started working at Altamero Industries at ang pinakamalapit na sa akin ay si Angela.
Paano ni Clyde? Kung sabagay, bata pa naman sya, madali lang syang makakapag-adjust sa environment nya. But he's doing so good in his school. Palagi syang top sa klase nya. Hindi kaya maka-apekto sa pag-aaral nya ang biglaang paglipat?
Tinignan ko ang wrist watch ko. It's almost time for him to go home. I'll pick him up myself. I'll treat him at the mall, tutal matagal na nya akong kinukulit na mag-ice cream. It'll be my chance to tell him about my plans, and maybe I'll know what he has to say about it. Matured for his age si Clyde. Hindi mo akalain na naiintindihan nya ang mga bagay-bagay sa paligid nya. Kaya nga kinakabahan ako sa magiging reaction nya sa biglaang paglipat namin. Parang napakabilis ng ibinigay sa akin ni Aldrin na 1 week para maasikaso ang lahat.
Tinawagan ko ang service ni Clyke, Informing them that I'll be the one picking up my son. Pagkatpos non ay pumara na ako ng taxi at nagpahatid sa eskuwelahan ni Clyke. Laking gulat ko ng makarating ako don at papalabas ng sasakyan si Sir Aldrin!
"Ummmm Sir... Naliligaw ka? Meron ka bang anak sa school na 'to na hindi ko alam?"
Natawa lang sya. " You and your wild imagination. E kung may asawa't anak na ako, ikaw na ang unang makakaalam non. Bakit? Gusto mo bang mag-apply sa posisyon na yon ng buhay ko?"
Literal na napanganga ako sa sinabi nya. Never nya akong biniro ng ganon! Anong nakain nito taong to?
"Ummm Sir, baka na-s-stress ka lang at baka naapektohan na yan utak mo. Gusto mo bang ipa-cancel ko muna lahat ng appointments mo for the next 3 days para makapag-pahinga ka?"
He gave me a smirk. Mas lalo atang gumagwapo itong mokong na to a! ANO BA YAN!
"Yeah, sobrang stressed ako lately pero hindi naman naa-pektohan ang utak ko. And this time, I don't want you to call me sir kapag nasa labas tayo ng opisina. Frans, I want us to be friends."
Ok, hindi nga naapektohan ang utak nya, bukas na bukas, ipapa-schedule ko na ito sa psychiatrist.
"I think, that would be inappropriate."
"Why? Marami-rami na din tayong pinagsamahan. At marami pa tayong pagsasamahan. Hindi ko rin alam ang bagong mundo na papasukan ko. I really need a friend right now, a trusted ally."
Oh, ok. Now I know kung bakit masyado syang desperado para maisama ako sa Maynila. Totoo nga naman na para syang papasok sa lion's den. He has been mocked by his step mom all his life. Galit na galit sa kanya yon, kulang na lang ay ipa-kulam sya. Yung mga kapatid naman nya, nitong pagkamatay lang ng daddy nya nakilala. I bet that he's not 100% sure about the offer. I just hope that his brother's intentions are genuine because it will definitely crush him. He has been longing for a family, parang all his life he has been alone.
"Ok sir, I mean, Sir Aldrin--"
"Just, Aldrin."
"Aldrin. You've got yourself a friend and trusted ally." Just saying his name puts a smile to my face. Ok, sige, inaamin ko na rin.. Matagal ko na rin syang crush! Well, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalakeng ito! Nagpapakatotoo lang naman ako. Kahit matagal ko na ding tinatago itong damdamin na 'to. Simply because he's my boss and it's not appropriate! it's unprofessional. Kaya kailangan ko ulit ipaalala sa sarili ko na boss ko itong gwapong ito.
He extended his hand towards me and I gave him a firm shake.
"Kunin mo na si Clyde. I'll just get his credentials."
"Teka.. What?"
"Alam mo lately, napapansin kong parang nabibingi ka na?" He gave me that cute smirk and much to my surprise, my heart skipped a beat! Oh my gosh! Ano to?! Lumalala ata ang nararamdaman sa lalakeng ito! Bad Francine.. BAD!
"Bakit mo kukunin yung credentials ni Clyde?"
"We'll be going to Manila next week, I have to get everything in order. Actually last week ko pa pinaayos yon. "
"Ha! And you are so sure that I'll say yes?!"
"You don't have any choice."
"E paano kung nag-decide na lang ako na magresign?!"
"You won't do that. Hindi mo ako kayang iwanan."
"Wow! Confident much!"
Natawa sya.
"Come on Frans, " hinawakan nya ang braso ko at pumasok na kami sa loob ng school. " no use denying it. "
Huwaw! Lume-level up din si Aldrine a! May pahawak hawak pa sya ngayon sa braso! Ano bang nangyayari sa kanya? Ano ba yan! Nakakainis! And it's nya helping me tame my beating heart!
Napainling na lang ako. Pagpasok namin ay nag-iintay na si Clyde sa sa waiting area. Tuwang tuwa sya ng makita ako dahil, bihirang bihira ko syang masundo sa school.
"Mommy!" Nagtatatalon sya ng yakapin nya ako. These are the times that I really love being a mom.
"Hey there! Surprised?" Ngiting-ngiti syang tumango. Nagulat sya ng ginulo-gulo ni Aldrine ang buhok nya.
"You're my mom's boss aren't you? Hello sir, it's nice meeting you again." He extended his hand towards Aldrine. Tuwang-tuwa naman si Aldrine kay Clyde and he shook his small hands. He didn't expect that my son would do that.
"You're one smart guy aren't you?"
"That's what they all say."
"And because of that, we are going to the mall!"
Nagtatatalon naman si Clyde sa tuwa.
"Teka lang, what did you say? 'We'?"
"You heard me right."
"I don't think that that is a good idea. You're still my boss!" Pabulong pero mariin na sinabi ko.
"I thought we're already friends."
"Well, yeah--"
"And friends go out to the mall."
"Ummm.. Yes.. But--"
"No buts we're all going and we can both break the news to Clyde."
"Ummm.. I'm no so sure about that..."
"C'mon Frans. Just please say yes." He gave me that boyish smile. Oh my gosh! Ginagamitan na nya ako ngayon ng killer charm nya! Ang sarap iuntog sa poste itong mokong na to! Kanina pa nya ako tinotorture!
I rolled my eyes."how can I resist?"
Mas lalo syang napangiti. "Yeah, just what I thought. You just can't resist me."
Ano ba talagang problema nitong lalakeng to!
BINABASA MO ANG
Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]
RomanceLife has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 year old boy. She strive and work hard to just to raise her son at all cost. Tinanggap syang assistant si Adrin na general manager ng Altamera...