MHN: Chapter 3

153 19 3
                                    

Pasuray-suray si Jiro habang tinatahak ang daan sa village kung saan siya nakatira. Lasing na lasing na kasi siya kaya iniwan niya nalang yung kotse niya dun sa bar ng kaibigan niyang si Matt kung saan sila nag-inuman at nagpahatid nalang siya sa kaibigan niyang si Vinz na hindi pa masyadong lasing.

Sa entrance ng village lang siya ibinaba ni Vinz dahil hatinggabi na at nagmamadali rin itong umuwi. Hindi rin naman kalayuan yung bahay niya sa entrance at medyo kaya pa naman niyang maglakad kaya ok lang din sa kanya.

Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay nakarating din siya sa tapat ng gate ng bahay na akala niya ay sa kanya dahil puti ang kulay nito sa paningin niya. Puti kasi ang pintura ng bahay niya. Hilong-hilo na siya masyado kaya nanlalabo na yung paningin niya.

Nagulat pa siya nang bumukas ng konti yung gate pagkahawak niya dito pero dahil antok na antok na siya at gusto na niyang pumasok kaagad sa bahay niya at matulog, hindi na niya ito pinansin.

Nainis siya nung bubuksan niya na sana yung main door ng bahay gamit ang susi niya pero ayaw nitong bumukas. Nagtataka siya dahil sa pagkakaalam niya, hindi naman sira yung door knob nung umalis siya kanina.

Dahil sa inis ay kinalikot niya nang kinalikot yung knob. Maya-maya, sa pagkagulat niya ay bigla nalang bumukas yung pinto at ang kasunod ay tumama ang isang matigas na bagay sa noo niya. Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man yung bagay na tumama sa noo niya at dala narin siguro ng kalasingan niya, nawalan siya ng malay.

JIRO'S POV

Sobrang sakit ng ulo ko nung magising ako. Muntik pa akong mahulog sa kinahihigaan ko nung akmang babangon na sana ako.

Nagulat ako nung mapansin kong sa isang sofa pala ako nakahiga. Inilibot ko yung paningin ko sa paligid at lalo akong nagulat dahil hindi pamilyar sakin ang kinaroroonan ko!

Bumalikwas ako mula sa sofang hinihigaan ko at nagtatakang inilibot ulit yung paningin ko sa paligid. Saka ko lang napansin yung babaeng nakahiga sa kabilang sofa at mahimbing na natutulog.

Nasaan ako? At sino tong babaeng nakahiga sa sofa?

Pumikit ako at pilit na inalala kung ano yung nangyari kagabi pero lalo lang sumakit ang ulo ko. Tiningnan ko ang sarili ko. Mukhang wala namang nagbago sakin. Ganun parin yung damit na suot ko kagabi.

Naisipan kong sumilip sa bintana para malaman kung ano tong lugar na kinaroroonan ko at sa pagkagulat ko, nakita ko yung sarili kong bahay sa kabilang lote! Biglang nagflashback sa utak ko yung nangyari kagabi...

"Pare, lasing ka na masyado umuwi na tayo." si Vinz. Dalawa lang kaming nag-iinuman sa bar na pagmamay-ari ni Matt na kaibigan din namin.

Usually, apat kaming tumatambay dito sa bar pag vacant time namin. Si Vinz, ako, si Matt at si Zeke. Magkaibigan na kami simula nung nag-aaral palang kami sa college.

Kadalasan tuwing tumatambay kami dito, nagkukwentuhan lang kami at umiinom ng konti pero ngayon gusto kong uminom ng marami. Gusto kong magpakalasing dahil baka sakaling mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Kami lang dalawa ni Vinz ang magkasama ngayon dahil busy sina Matt at Zeke.

"Hindi pa ako lasing pare! Gising na gising pa ang diwa ko! Damang-dama ko pa nga yung sakit dito oh!" ang sagot ko habang tinuturo yung dibdib ko. Hilong-hilo na ako pero sinabi ko yun dahil gusto kong magpakalunod sa alak hanggang sa mawala na yung sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko parin matanggap na iniwan niya ako. Hindi ko matanggap na iniwan ako ni Gail. Limang taon din yung itinagal ng relasyon namin. At hindi ko akalaing magagawa niya akong iwan at magpakasal sa iba. Ang sakit sa pakiramdam. Magkahalong galit at lungkot yung nararamdaman ko ngayon. At hindi ko alam kung kelan 'to mawawala.

"Hindi pare, lasing ka na talaga. Umuwi na tayo." Pilit akong itinayo ni Vinz at dahil nga siguro lasing na talaga ako, hindi ko na kayang pumiglas nung hinila niya ako palabas ng bar at ipinasok sa kotse niya.

"Ihahatid nalang kita. Hindi mo na kayang mag-drive." paliwanag ni Vinz habang iniistart yung kotse niya. Hindi na ako umangal pa. Nahihilo na talaga ako kaya ipinikit ko nalang yung mga mata ko habang nagmamaneho si Vinz.

Pagkalipas ng ilang minuto, ibinaba ako ni Vinz sa entrance ng village kung saan ako nakatira.

"Jiro, ok lang ba sayo na dito ka nalang bumaba? Malapit lang naman yung bahay mo. Hassle na kasi kung papasok pa ako sa loob."

"Ok lang ako. Kaya ko pa naman. Salamat pare!" Sagot ko kahit ang totoo hilong-hilo na ako at hindi ko alam kung gising pa akong makakarating sa bahay ko.

Totoo naman kasi yung sinabi ni Vinz. Kung papasok pa kasi siya baka usisain lang siya nung guard ng village dahil hatinggabi na at lalo siyang matatagalan sa pag-uwi.

Pinilit kong maglakad ng maayos hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay ko. Medyo nagtaka pa ako nung mapansin kong hindi naka-lock yung gate. Pero hinayaan ko nalang yun at pumasok nalang ako.

Ang ikinainis ko, ayaw bumukas nung pinto nung sinubukan kong buksan ito. Nakakainis. Hilong-hilo na nga ako tapos ayaw pang makisama nung knob!

Kinalikot ko nang kinalikot yung knob hanggang sa biglang bumukas yung pinto! Matutuwa na sana ako kung hindi lang kasunod nun ay tumama sa noo ko ang isang matigas na bagay. Pagkatapos nun ay tuluyan nang dumilim yung paningin ko.

Napahawak ako sa noo ko pagkatapos kong maalala yung nangyari kagabi. Napangiwi ako. Ang sakit nung tama sa noo ko.

Bigla akong natauhan. Naligaw pala ako kagabi kaya nasa loob ako ngayon ng bahay ng kapitbahay ko!

Nilingon ko yung babaeng nakahiga sa sofa na sa tingin ko ay siyang may-ari nitong bahay. Mahimbing parin ang tulog nito. Inilibot ko ulit yung paningin ko sa buong bahay. Tahimik at mukhang mag-isa lang yung babae. Bagong lipat siguro ito dito sa village dahil ngayon ko lang ito nakita. Pamilyar na kasi sakin halos lahat ng mga nakatira dito sa village.

Dahil mahimbing namang natutulog yung babae, naisipan kong pwede akong tumakas. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan habang hindi inaalis ang tingin ko dun sa babae. Baka kasi bigla nalang itong magising. Pambihira, daig ko pa ang magnanakaw sa ginagawa kong to.

Dahan-dahan kong pinihit yung knob at tahimik na binuksan yung pinto. Nung makalabas na ako, dahan-dahan kong isinara ulit yung pinto.

Maglalakad na sana ako paalis nung may naapakan ako sa sahig. Yung key chain ko pala. Nahulog siguro to kagabi nung hinimatay ako.

Naisip ko tuloy, siguro yung babae ang humampas sakin kagabi. Hindi ko lang siya nakita dahil madilim sa loob ng bahay at biglaan yung paghampas niya sakin. Malamang iniisip nung babae na magnanakaw ako dahil kinakalikot ko yung knob ng pinto ng bahay niya kagabi. Ugh! Sana lang wag niya akong ireport sa pulis. At sana hindi niya na maalala ang mukha ko.

Nagmamadali akong lumabas sa bakuran nung babaeng kapitbahay ko at pumasok sa sarili kong bahay. Wala sanang ibang kapitbahay namin na nakakita sa paglabas ko mula sa bahay ng babaeng yun. Baka kung anong isipin nila.

A/N: Ayan, thank you ulit dun sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa palang nitong story ko! hehehe. Sana matapos ko tong story na to. Please vote po kung nagustuhan niyo! And feel free to comment din! hehe. Thank you! :*

My Handsome NeighborWhere stories live. Discover now