MHN: Chapter 6

141 12 5
                                    

JIRO'S POV

Nagbibihis ako nang marinig kong may dumating na sasakyan.

Sumilip ako sa bintana dahil baka si Vinz na yung dumating. Napagkasunduan kasi namin na susunduin niya ako tapos dadaanan nalang namin ang sasakyan ko sa bar ni Matt at sabay kaming pupunta dun sa birthday party ng ama niya.

Hindi pala si Vinz yung dumating. Sa harap kasi ng gate nung kapitbahay kong babae huminto yung sasakyan.

Lumabas mula dun sa kotse ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng pormal na damit.

Maya-maya lang ay nakita kong lumabas mula sa bahay niya yung babaeng kapitbahay ko. Bahagya akong napanganga dahil lalo itong gumanda sa damit na suot nito.

Nilapitan nito ang lalaki at nag-usap silang dalawa at sa nakikita ko sa mga itsura nila, mukhang masaya ang pinag-uusapan nila.

Sa hindi ko malamang dahilan, bahagya akong nakaramdam ng inis habang pinapanood sila.

Di nagtagal ay sumakay na sila sa kotse ng lalaki at umalis.

Saan kaya pupunta yung mga yun?

Teka lang! Ano namang pakialam ko kung saan sila pupunta?

Tsk! Bat ba kasi ang tagal dumating ng Vinz na yun?

Minabuti kong bumalik nalang sa loob ng kwarto ko at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili ko.

Nakaisip ako ng paraan kung paano maitatago ang pasa sa noo ko. Nilagyan ko ng concealer yung parteng may pasa at mukhang epektibo naman dahil hindi na halata yung pamumula nito.

At kung paano nagkaroon ng concealer dito sa loob ng kwarto ko? Hindi ko rin alam at hindi na importante yun!

Ilang minuto pa pagkatapos kong mag-ayos ay dumating na si Vinz. Dumiretso kami sa bar ni Matt at naabutan naming naghihintay na nga dun sina Matt at Zeke.

"Dude! Bat ang tagal niyo? Grabe nagka-stiff neck na ata ako kakahintay dito!" reklamo ni Zeke habang hinihimas ang leeg.

"Ano namang koneksyon ng leeg mo sa paghihintay mo samin ha!" hindi na nakaiwas si Zeke nung batukan ko siya. Umaandar na naman kasi ang pagka-reklamador nito.

"Aray ko naman! Ang hilig mo talagang mambatok Jiro!" angal ni Zeke sakin.

Sa aming apat, kami ni Zeke ang close sa isa't isa. Madalas kasing kaming dalawa ang magkasama at magkakulitan. Si Matt kasi medyo seryoso at si Vinz naman puro babae ang inaatupag simula nung college palang kami kaya medyo hindi sila nakakasakay sa trip namin ni Zeke. Kami kasi yung tipong isip-bata kumbaga.

"Lingon kasi ako ng lingon sa parking area para tignan kung dumating na kayo kaya masakit ang leeg ko, yun ang koneksyon!"  paliwanag niya habang nakanguso.

Si Matt at Vinz naman tinakpan yung mga tenga nila dahil sa lakas ng boses ni Zeke.

Nasa loob kami ng private office ni Matt ngayon. Sound proof at tinted glass ang wall ng office niya at makikita mo sa labas ang parking area ng bar.

"Wag kayong maniwala dyan! Wala pa ngang isang minutong dumating yan dito!" sabat ni Matt habang nililigpit ang mga gamit sa table niya.

"Oy! Matt grabe ka naman! Kanina pa kaya ako dito! Mga five minutes na! Ikaw  lang naman kasi tong busy dyan sa ginagawa mo kaya hindi mo ko napansin kaagad!" depensa ni Zeke sa sarili habang nagkakandahaba ang nguso. Isip bata talaga tong mokong na to!

"Wag ka na ngang magreklamo Zeke uy! Tsaka, tigilan mo nga yang kangunguso mo dyan, lalo kang nagmumukhang babae! Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend eh!" saway ni Vinz kay Zeke.

My Handsome NeighborWhere stories live. Discover now