MHN: Chapter 2

193 20 1
                                    

ZHAI'S POV

After 2 weeks ng pag-aayos sa bahay ko, eto at nakalipat narin ako. Ayaw pa sana akong payagan ng mga magulang ko dahil wala pa raw isang buwan mula nung dumating ako pero hindi na nila ako napigilan dahil ang sabi ko, pwede naman nila akong bisitahin anytime.

Pagod ako sa buong araw na pag-aayos ng mga gamit ko. Pagkatapos kong magluto at maghapunan, nagshower muna ako kasi amoy pawis ako sa maghapong pag-aayos ng mga gamit ko at paglilinis sa buong bahay.

Pagkatapos magshower, naisip kong bumaba para i-double check kung naka-lock yung mga pintuan sa buong bahay.

Nasa huling baitang na ako ng hagdan nung mapatigil ako sa paghakbang dahil napansin kong tila may kumakalikot dun sa knob ng pintuan sa sala. Bigla akong kinabahan.

Sa pagkakaalam ko pinili ni Dreik na bilhin ko tong lupang kinatitirikan ng bahay ko ngayon dahil walang masasamang tao sa lugar na to. Exclusive village kaya to! Kelan pa nagkaroon ng akyat-bahay gang dito?

Napatingin ako sa glow in the dark na wall clock na nakasabit sa itaas mismo ng main door sa sala. Mag-aalas dose na pala? Hindi ko napansin yung oras kanina.

Tuloy parin yung pagkalikot dun sa door knob. Akala siguro nung magnanakaw tulog na ako dahil naka-off na yung ilaw sa buong bahay. Sinadya ko kasing patayin yung ilaw sa sala kaninang umakyat ako sa kwarto ko. At bago ako bumaba para icheck yung mga pintuan, pinatay ko rin yung ilaw sa kwarto ko. Hindi naman kasi masyadong madilim sa loob ng bahay dahil tumatagos naman sa bintana yung ilaw ng poste sa labas.

Dahil hinala ko mag-isa lang yung magnanakaw, medyo nabawasan yung takot ko at napagpasyahan kong harapin sya.

Dahan-dahan akong humakbang palapit dun sa pintuan. Kinuha ko muna yung walis na nasa tabi ng sofa bago ko pinihit yung doorknob. Patay ka sakin magnanakaw ka!

Biglaan kong binuksan yung pinto at kaagad na inihampas ang walis na hawak ko dun sa taong nakatayo sa labas ng pinto. Sapol ito sa noo!

Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong napahawak yung tao sa noo nito tapos bigla nalang itong natumba sa paanan ko! Waaaah!!! Masyado atang napalakas yung hampas ko?

Tiningnan ko yung tao. Nakasubsob na ang mukha nito sa sahig. Nilibot ko yung paningin ko sa paligid dahil baka may iba pa itong kasama. Pero mukhang tama yung hinala ko kanina na mag-isa lang ito dahil tahimik na masyado yung paligid.

Pinindot ko yung switch ng ilaw para mas makita ko ng maayos yung lalaki. Sinipa-sipa ko pa yung katawan niya para masigurong nakatulog na nga siya. Hindi siya gumalaw. Tulog na nga siguro. Itinahaya ko siya para makita ko ang mukha niya. Medyo napanganga ako nung makita ko ang itsura niya.

Ang puti-puti nung lalaki! And take note, may itsura siya. Ay mali, understatement yun. Gwapo siya to be exact!

Nagtataka tuloy ako kung anong nangyari sa taong to. Mukhang wala naman kasi sa itsura nito ang pagiging magnanakaw. Di kaya bampira to at balak sana nitong lapain ako? Waaah!!! Pero kung bampira to, edi sana hindi kaagad to hinimatay nung hinampas ko ng walis! Hindi naman sila madaling nasasaktan physically diba? Aaah! Kung anu-ano nalang tuloy iniisip ko!

Aakyat na sana ako para kunin yung cellphone ko at ireport sa guard ng village yung lalaki pero nagbago ang isip ko. Hatinggabi na kasi tapos tulog narin naman yung tao at mukha naman siyang harmless.

Napagdesisyunan kong bantayan nalang yung lalaki hanggang sa magising ito. Hindi parin kasi ako makapaniwala na isa itong magnanakaw sa itsura nito. Pagkagwapo naman niyang magnanakaw!

Hinila ko siya papasok sa sala at ini-lock ko yung pintuan. Bigla ko tuloy naalala, hindi ko siguro nailock yung gate kanina kaya nakapasok yung tao!

Pagkatapos maicheck yung lock ng pintuan, binalikan ko ulit yung lalaki. Pinagsikapan kong ihiga siya sa sofa. Dun ko nalanghap yung amoy niya. Amoy-alak siya. Pero malalanghap mo parin yung amoy ng pabango niya. Mamahaling pabango.

Pinagmasdan ko siya. Ang gwapo niya talaga! Maputi, matangos ang ilong, manipis yung lips niya at kissable! Kyaaah! Nagiging manyakis na ako! At dahil nakapikit siya, napansin ko kaagad yung mahahaba niyang pilik-mata. Matangkad din siya. Tantya ko nasa more or less 6 feet yung height niya. Napadako yung tingin ko sa noo niya na bahagya nang namamaga. Medyo naawa tuloy ako sa kanya.

Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape. Hindi ako pwedeng matulog dahil baka gumising yung tao at takasan ako nito. Ayoko namang itali siya dahil mukhang wala naman sa itsura niya ang gagawa ng masama.

Ilang oras na yung lumipas pero tulog parin yung lalaki. Madaling araw na at inaantok na talaga ako, idagdag pa na pagod ako, pero pinipilit ko paring wag pumikit. Nakaupo lang ako sa sofa na kaharap ng sofa na hinihigaan nung lalaki.

Pinagmasdan ko ulit ito. Ang sarap naman ng tulog nito. Kakatingin ko dito nadagdagan tuloy yung antok na nararamdaman ko...

A/N: Sa mga nagbasa at nagvote dun sa first chapter nitong story ko, thank you! Di ko akalaing may magbabasa din pala nito. Hehehe. Susubukan kong mag-update pag hindi ako masyadong busy. Sorry also for typos and grammatical errors. Hindi po ako magaling na writer, trying hard lang. hehehe. Thank you ulit! :p

My Handsome NeighborWhere stories live. Discover now