MHN: Chapter 4

163 17 5
                                    

ZHAI'S POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng init na tumatama sa balat ko. Tiningnan ko kung ano yung pinanggagalingan ng init. Tumatagos pala yung sikat ng araw sa bintana dahil nahawi sa gilid yung kurtina.

Nag-unat ako ng katawan at nagulat ako nung mahawi ng kamay ko yung mug na nakapatong sa side table at muntikan nang mahulog sa sahig. Saka ko lang napansin ang kinaroroonan ko. Wala pala ako sa kwarto ko. Nasa sala ako at nakatulog pala ako sa sofa.

Bigla akong napabangon nung maalala ko yung nangyari kagabi! Tiningnan ko yung sofa kung saan ko inihiga yung lalaki kagabi. Wala na siya!

Mabilis kong tinungo yung pintuan at binuksan tsaka lumabas. Nagbabakasakali akong kalalabas lang nung lalaki at baka maabutan ko pa siya. Pero ni anino niya hindi ko naabutan.

Bumalik ako sa loob para i-check yung mga kagamitan ko. Nakapagtataka dahil mukhang wala namang nagalaw ni isa sa mga gamit ko sa sala. Tiningnan ko rin yung mga gamit sa kusina at sa kwarto ko. Wala ring nabago sa ayos ng mga ito. At mukhang wala namang nawawala sa mga kagamitan ko sa buong bahay.

Napaupo tuloy ako sa kama ko at napaisip. Nananaginip lang kaya ako kagabi? Baka sa sobrang antok at pagod ko, nakatulog ako sa sala at panaginip ko lang yung nangyari kagabi?

Pero hindi eh... alam kong totoo yun! Uminom pa nga ako ng kape para hindi ako makatulog habang binabantayan ko yung lalaki eh. At patunay yung mug na nakapatong sa side table dun sa sala. Tsaka hindi ko makakalimutan yung mukha nung lalaki! Ang gwapo kaya ng lalaking yun! ^^

Pero kung totoo nga yung nangyari kagabi at magnanakaw yung lalaki, bat wala naman siyang ninakaw ni isa sa mga kagamitan ko? Nakakalito tuloy. Hindi kaya...

Bigla akong lumapit sa dresser ko at tiningnan ko yung leeg ko sa salamin. Naisip ko kasi na baka bampira yung lalaki at kinagat niya yung leeg ko habang natutulog ako kanina!

Pero wala naman akong makitang marka o kahit anong palatandaan na kinagat nga ako sa leeg. Nakakaloka kung anu-ano nalang pumapasok sa isipan ko! At kelan pa kasi ako naniwala sa mga bampira na yan ha? Hay, kakapanood ko kasi ng mga vampire series ayan tuloy.

Naisip ko rin na baka rapist yung lalaki at baka ginahasa niya ako pero mukhang wala naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko. Tsaka, sa gwapo nung taong yun, nakakaloka, kung rapist yun siguradong maraming babae ang willing na maging victim nun!

Sana kasi inireport ko nalang kaagad kagabi yung nangyari . Ayan tuloy, wala na! Anong irereport ko? Wala naman akong ebidensya na may taong balak pasukin at pagnakawan yung bahay ko. Tsk. Charge to experience nalang siguro yung nangyaring yun. Kailangan ko na talagang mag-ingat sa susunod.

Pero... makikita ko pa kaya ulit yung lalaki kagabi?

JIRO'S POV

Nasa veranda ako ng bahay ko at umiinom ng kape. Karugtong lang ng kwarto ko yung veranda. Agad akong naligo pagdating ko kanina para mabawasan yung hang over ko.

Tsk. Bat ba kasi ang dami kong ininom kagabi? Wala namang magandang epekto yung pag-inom ko. Andun parin yung sakit na nararamdaman ko. Ang malala, naligaw pa ako sa sobra kong kalasingan!

Hindi parin ako makapaniwala na nagkamali ako ng bahay na inuwian kagabi. Ganun na ba talaga ako kalasing nun?

Tiningnan ko yung bahay kung saan ako 'nakitulog' kagabi. Yun pala yung bahay na bagong tayo sa kabilang lote. Light blue na may accent na light pink pala ang kulay nung bahay. Siguro sa sobrang kalasingan ko kagabi napagkamalan kong puti yung kulay nung bahay at inakala kong iyon na ang bahay ko.

Tsk. Nakakahiya talaga yung nangyari! Sana lang talaga hindi maalala nung babaeng yun ang itsura ko. Pero mukhang imposible naman ata yun dahil siguradong habang tulog ako natitigan na nun ang pagmumukha ko.

Speaking of her, nakita kong lumabas ng bahay niya yung babae. Bigla tuloy akong napatago sa malaking halaman na nasa tabi ko. Buti nalang may halaman dito sa veranda ko. Nakatayo yung babae sa harap ng bahay niya at nililibot ang paningin niya sa paligid. Hula ko ako yung hinahanap niya. Mukhang kagigising niya lang.

Nakatago parin ako sa halaman habang pinagmamasdan ko siya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala siya kahit sa malayo. Maya-maya ay pumasok na siya sa bahay niya.

Hindi ko alam kung bakit pero bahagya akong napangiti sa isiping kani-kanina lang ay mahimbing akong natutulog sa loob ng bahay ng babaeng yun. Tsk. Natatawa lang siguro ako sa sarili ko dahil dun sa nangyari kagabi.

Naalala ko tuloy yung noo ko. Napangiwi ako nang mahawakan ko yung parteng namamaga. Ugh, anong sasabihin ko kina Vinz pag nakita nila tong itsura ko? Kung sasabihin ko yung totoong nangyari, siguradong pagtatawanan lang ako ng mga yun!

Bigla kong naalala, mamayang gabi na pala yung birthday party ng ama ni Vinz!

My Handsome NeighborWhere stories live. Discover now