MHN: Chapter 5

203 16 3
                                    

ZHAI'S POV

Kasalukuyan akong naghahanda ng breakfast ko nang tumunog yung cellphone ko.

Si Dreik pala ang tumatawag. Ano naman kayang kailangan nito?

"Hello Dreik?" nagtatakang sinagot ko yung tawag niya.

"Hi! Good morning!" masiglang bati sakin ni Dreik sa kabilang linya.

"Morning din. Napatawag ka?" tanong ko.

"I just want to ask kung kamusta yung first day mo diyan sa bahay mo?" tanong nito.

"Ahm, ok lang naman. Medyo pagod lang ako kasi whole day akong nag-ayos ng mga gamit ko kahapon." sagot ko. Naisip kong wag nalang sabihin sa kanya yung nangyari kagabi. Baka kasi mag-alala lang siya. Tsaka, baka makarating pa kina mama at papa at baka kung ano pa ang maging reaksyon ng mga yun.

"Sabi ko naman kasi sayo eh kumuha ka nalang ng katulong para naman may kasama ka dyan sa bahay mo at para hindi ka na nagpapagod." may pag-aalala sa boses na sabi nito.

"Ano ka ba, ngayon lang naman to eh kasi kalilipat ko lang. Tsaka, hindi ko naman kailangan ng katulong. Kaya ko na ang sarili ko." paliwanag ko dito.

"Sigurado ka? Eh nagbreakfast ka na ba?" tanong nito.

"Hindi pa. Magbi-breakfast palang." sagot ko.

"Late na breakfast mo ah!" may pag-aalalang komento nito. Mag aalas diyes na kasi ng umaga. Mga 9am na ako nagising kanina. Ikaw ba naman kasi matulog ng madaling araw na kung di ka tatanghaliin ng gising! Naalala ko na naman tuloy yung lalaki kagabi. Asan na kaya yun?

Hindi na ako nakasagot kaya nagsalita ulit si Dreik sa kabilang linya.

"Ahm, siyanga pala Zhai, can I ask a favor?" medyo nag-aalangan na tanong nito.

"Oo naman basta ba kaya ko. Ano ba kasi yang favor na yan?" nagtatakang tanong ko.

"Ahm, remember Mr. Montenegro? It's his birthday today. And he's having a birthday party tonight." paliwanag ni Dreik. Kung hindi ako nagkakamali, sa pagkakaalala ko, may-ari ng isang kilalang brand ng appliances si Mr. Montenegro at business partner din ito ng papa ni Dreik.

"And...?" tanong ko.

"And unfortunately, hindi makakapunta si papa since he's currently out of the country. At kilala mo naman si papa diba- "

"Hindi pwedeng wala siyang representative na pupunta dun sa party and you've always been his representative at gusto mong samahan kitang pumunta dun sa party, am I right?" pinutol ko yung sinasabi niya dahil alam ko na ang karugtong.

"Exactly! Haha." natatawang sagot niya.

Kilalang-kilala ko na kasi si Dreik at ang pamilya niya. His father is a business tycoon. Marami itong negosyo sa loob at labas ng bansa. At syempre, marami rin itong mga kaibigang negosyante.

My dad's not as wealthy as Dreik's dad. Nagkakilala ang mga ito nung nagsimulang makilala ang brand ng clothing business ng papa ko. Since maraming mall sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas ang papa ni Dreik, nagkasundo ang mga ito na maging supplier sa iba't ibang branches ng kanilang mall ang papa ko. Dun nagsimula ang partnership nila. Later on, they became close friends. And eventually, ganun din kami ni Dreik.

"So I'll pick you up at seven?" biglang napukaw ang pag-iisip ko nang magsalita ulit si Dreik sa kabilang linya.

"Ah, sure!" walang pag-aatubiling sagot ko. Sanay narin naman kasi akong sinasamahan si Dreik pag pumupunta siya sa mga party ng mga kaibigan ng papa niya.

My Handsome NeighborWhere stories live. Discover now