JIRO'S POV
Kaunti nalang ang natitirang bisita sa party ng ama ni Vinz at hatinggabi na nang mapagdesisyunan naming apat na umuwi narin.
Nagpaalam lang kami sa mga magulang ni Vinz tsaka kanya-kanya na kaming umuwi gamit ang sarili naming mga sasakyan.
Pagdating ko sa tapat ng bahay ko, bumaba muna ako para buksan yung gate. Wala naman kasi akong katulong na pwedeng magbukas ng gate. Hindi ako naghire ng katulong dahil gusto kong mag-isa lang akong nakatira sa bahay ko.
Matapos maipark sa garahe yung sasakyan ko, bumalik ako sa gate para isara ito.
Isasara ko na sana yung gate ngunit muntikan akong mapatalon sa gulat dahil may biglang sumulpot sa harapan ko!
"Z-Zhai?!?" gulat at nauutal na banggit ko sa pangalan niya.
Si Zhai. Yung babaeng kapitbahay ko. Nasa harapan ko siya ngayon at daig niya pa ang tumakbo sa marathon sa itsura niya. Hinihingal siya habang nakatukod yung dalawang kamay niya sa tuhod niya.
Anong ginagawa nito dito? Bakit ba bigla-bigla nalang sumusulpot tong babaeng to sa harapan ko? Kanina sa party nagulat din ako nang makita siyang nakatayo sa tabi ko. Balak ba nitong patayin ako sa nerbyos?
"Hi!" kahit hinihingal ay nagawa niya paring batiin ako nang nakangiti.
"A-anong g-ginagawa mo d-dito?" tanong ko sa kanya. Haissst! Bat ba nauutal ako pag kaharap ko tong babaeng to?
"Surprised?" nakangiting tanong nito tsaka marahang lumapit sa kinaroroonan ko kaya bahagya akong napaatras. Anong binabalak ng babaeng to?
"Ahh...p-pano... b-bat ka nandito? D-dito ka rin ba sa village na to nakatira?" tanong ko. Kunwari ay hindi ko alam na kapitbahay ko siya.
"Oh come on, Jiro! Wag na tayong maglokohan. Look, para malaman mo, tumakbo pa ako mula sa second floor ng bahay ko para lang maabutan kita dito! Alam kong alam mo na kapitbahay mo ako. Ako lang naman itong hindi nakakaalam na kapitbahay pala kita, right?" naka-smirk na sabi niya. Haissst! Tama nga ang hinala kong naaalala niya pa ang mukha ako.
"I... d-don't understand what you're saying... I mean, k-kanina lang tayo nagka-" magpapalusot pa sana ako pero hindi ko na naituloy yung sinasabi ko dahil bigla nalang siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kanang braso ko at nagulat ako sa sunod na ginawa niya.
"Aray!" napangiwi ako dahil pinitik niya ang bahagi ng noo kong may pasa!
"Magsisinungaling ka pa ha! Now tell me, bakit may pasa ka sa noo mo?" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko habang nakataas ang isang kilay niya at pilyang nakangiti.
"Ahhh... n-nabangga lang to sa-" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko and this time, halos one inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin!
"Ano na? Nabangga saan?" tanong niya habang nakangiti at nakatitig sa mga mata ko.
Ngayon ko napansin na ang ganda pala ng mga mata niya! At sa sobrang lapit niya langhap ko rin ang mabangong hininga niya! Ugh! Pakiramdam ko hindi na ako makakilos dito sa kinatatayuan ko!
Hinawakan ko siya sa dalawang braso niya at marahang itinulak palayo sa katawan ko tsaka ako nagpakawala ng malalim na hininga.
"Okay, I admit it! That was me. I accidentally went into your house last night." pag-amin ko. Naisip ko kasing wala na akong lusot at wala na rin namang silbi kung magsisinungaling pa ako tsaka hindi naman siguro ako ipapakulong ng babaeng to kung aaminin kong ako nga yung nagtangkang pumasok sa bahay niya nung nakaraang gabi.
"Mind explaining why?" tanong niya habang pilyang nakangiti. Aishhh! Bakit ba kailangan ko pang mag-explain? Napakademanding naman ng babaeng to!
"Okay." Nagpakawala muna ulit ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I was...uh... terribly drunk when I walked home last night... at... napagkamalan kong bahay ko ang bahay mo. And... you already know what happened next." paliwanag ko.
Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumawa pagkatapos kong magpaliwanag. What the? Pinagtatawanan ba ako nito dahil dun sa nangyari?
"Anong nakakatawa?" asik ko sa kanya.
"Ikaw!" tawa parin siya ng tawa. Haissst!!!
"Hey! Stop that and just go home already! Madaling-araw na at matutulog pa ako!" hinawakan ko siya at itutulak na sana palabas ng gate pero pinigilan niya ako.
"Ok, ok! Eto na, seryoso na ako!" huminto nga siya sa pagtawa pero halatang pinipigilan niya lang ang sarili niya.
"Ngayong nalaman kong naligaw ka lang pala sa bahay ko kagabi at wala ka naman talagang balak na masama, I would like to apologize dahil nasaktan kita." paliwanag niya tsaka tumingin sa noo ko. Ramdam ko na pinipigilan niya lang ang sarili niyang tumawa ulit.
"Ahm..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Instead of me, siya pa ngayon ang humihingi ng tawad. "No, it's alright. I should be the one apologizing for what happened and for trying to escape." nagawa kong sabihin.
"Ok lang yun. At least inamin mo na rin diba? At saka kung hindi dahil dun hindi siguro tayo nagkakilala." sabi niya.
"Yeah, you're right. And by the way, thank you also for not reporting me to the police." natatawang sabi ko.
"Pasalamat ka talaga!" sabi niya tsaka ngumiti. "Siyanga pala, I would like to formally introduce myself to you. My name's Zhai Maureen San Diego." inilahad niya ang palad niya sa akin. Napangiti ako. She's really something.
"I'm Jiro Ezekiel Lim. Your neighbor." nakangiting nakipagkamay ako sa kanya.
"It's nice meeting you!" she added.
"It's nice meeting you... again." sabi ko tsaka sabay kaming natawa.
"So... friends?" tanong niya.
"Ah, sure! Friends." sagot ko. She smiled.
"Alis na ako. Madaling-araw na eh." paalam niya.
"Ah, yeah... Good night." sabi ko.
"Good night, Jiro!" she said.
Nagulat ako sa sunod na ginawa niya. She kissed me on my left cheek and smiled at me bago tumalikod at naglakad papunta sa bahay niya.
Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Daig ko pa ang teenager sa nararamdaman ko ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Parang kagagaling ko lang sa pagtakbo. Ugh! This isn't right! I shook my head tsaka isinara na ang gate ng bahay ko.