MHN: Chapter 9

162 5 4
                                    

ZHAI'S POV

"Aishhh! Bat ko ba kasi ginawa yun?" parang baliw na tanong ko sa sarili ko.

Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko. Hindi kasi ako makatulog. Alas tres na ng madaling araw pero dilat na dilat parin ang mga mata ko.

Hindi kasi maalis sa isip ko yung ginawa ko kanina. Hinalikan ko lang naman si Jiro! Waaah!!! Nakakahiya! Kahit sa pisngi lang yun nakakahiya parin!

Bakit ko ba kasi ginawa yun? Dahil ba ang cute niya kanina? Ay, mali. Gwapo. Gwapo siya. At cute na rin at the same time! Hehe. Ang cute niya kasi pag nagsisinungaling kasi nauutal siya! Hahaha.

Pero hindi naman yata sapat na dahilan yun para halikan ko siya! At kelan pa kasi ako naging manyakis? Ew. Grabe naman, ganun ba talaga kalakas ang epekto ng kagwapuhan niya sakin?! Waaah!!! Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya! Ay, ok, ako na ang OA.

Bakit ko ba kasi iniisip yun? Hindi naman siguro big deal sa kanya yun? Malamang sa gwapo niyang yun marami nang babae ang nakahalik sa kanya.

Haissst! Kailangan ko nang makatulog dahil kung hindi magmumukha akong zombie bukas! Nakakahiya pag nakita ako ng gwapong kapitbahay ko. Ano nalang ang sasabihin nun? Tss.

Teka  lang, bat ko ba siya iniisip? Aishhh!

Napagpasyahan kong bumaba nalang sa kusina para magtimpla ng gatas at nang makatulog na ako. Nadiskubre ko kasi dati na inaantok kaagad ako pag umiinom ako ng gatas. Ewan ko ba. Kaya hindi ako masyadong umiinom ng gatas eh, maliban nalang kung gusto kong magpahinga at nahihirapan akong makatulog. Hindi ko na kailangang uminom ng sleeping pills para lang makatulog ako dahil pag nakainom ako ng kahit isang baso lang ng gatas, daig ko pa ang nakainom ng isang bote ng Red Horse! Haha. Joke lang.

Pagdating ko sa kusina ay kumuha agad ako ng baso at nagtimpla ng gatas. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa tabi ng mesa tsaka sinimulang inumin yung gatas ko. Habang umiinom ay nagreplay sa utak ko yung mga nangyari simula nung isang gabi.

Kalilipat ko lang dito sa bago kong bahay pero ang dami nang nangyari at pakiramdam ko ang bilis pa ng mga pangyayari.

Nung isang gabi lang may lalaking naligaw dito sa bahay ko tapos tinakasan ako pagka umaga pagkatapos niyaya ako ni Dreik sa isang party at hindi ko inaasahan na makikita ko dun yung lalaking naligaw dito sa bahay ko, si Jiro, at nalaman ko pa kanina na kapitbahay ko pala siya. Pero ang pinakamalala, hinalikan ko siya at hindi ako makatulog ngayon dahil iniisip ko yung ginawa kong paghalik sa kanya. Haissst!

Pagkatapos kong ubusin yung isang basong gatas na tinimpla ko ay bumalik na ako sa kwarto ko at kaagad na nahiga sa kama ko. Pagkalapat na pagkalapat palang ng likod ko sa malambot na kama ay naramdaman ko na kaagad ang pamimigat ng mga talukap ng mga mata ko.

TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Pagkatapos kong magshower ay bumaba ako sa kusina para maghanda ng pagkain ko. 'Brunch' na ang tawag dito kasi pinagsama na ang breakfast at lunch.

Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong tawagan si Dreik. Wag kayong ano, wala akong something kay Dreik. Baka isipin niyo diyan na may gusto ako sa kanya at namimiss ko na siya, hindi noh! Ok, ako na naman defensive. Hehe. Ayoko lang naman kasi na mag-isip kayo ng kung anu-ano kaya inuunahan ko na kayo. Haha.

Kailangan ko lang kasing kausapin si Dreik tungkol dun sa hinihingi kong favor sa kanya. Magpapatayo kasi ako ng furniture shop ko pati office ko narin. Since interior designer ako, napag-isipan kong magtayo nalang ng shop para sa furniture at iba pang mga gamit na kakailanganin ko sa pagde-design ng interior ng isang bahay o ng kahit na anong building. At least pag may mga customers ako, package deal na pati yung mga gamit. Hehe. At isa pa, matagal ko na rin kasing pangarap na makapag-establish ng sarili kong business gamit ang sarili kong pera. At ngayon, maisasakatuparan ko na yung pangarap ko na yun. Kahit naman kasi may pera ang mga magulang ko, ayokong umasa nalang sa kanila palagi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Handsome NeighborWhere stories live. Discover now