#6 TEASE

288 17 1
                                    

Hay sa wakas nakarating din. Kanina pa kasi ako nasa byahe at muntik pang malate sa call time dahil sa lintek na heavy traffic na yan. Anyway nandito na ako ngayon sa studio para sa All Out Sundays and isa ako sa unang sumalang sa rehearsal para sa opening prod namin. Well Saturday ngayon and this is our last rehearsal bago ang technical rehearsal namin bukas.

"Ma'am Heart ang galing mo talaga, san mo nakukuha yung confidence at energy mo sa stage? Spluk mo naman sakin oh, kailangan ko ata. Look oh nanginginig na ako kahit short prod lang naman kami sasabak" natawa ako sa sinabi niya, by the way she's Ayra isa sa mga kasamahan ko sa Heartful Cafe. Ewan ko ba dito sa batang to naghahanap pa ng energy pero isa ata siya sa depinisyon ng sigla.

"Ikaw talaga, enough na yang energy mo kaya kumalma ka lang. Kaya mo yan" nakangiting sabi ko at binalingan ang iba pa naming kasama.

"Hello guys, how are you? Okay lang ba kayo dito?"I asked at naguluhan ng makita silang tumingin sa iisang direkyon kaya sinundan ko ang gawing yun only to find out na si David ang tinitingnan nila.

"What? I'm okay" naguguluhan nitong sabi at alanganing tumingin sa akin bago ngumiti at kumamot sa batok nito animo'y nahihiya.

"Torpe talaga" bubulong-bulong ni EA na isinawalang bahala ko nalang. David is a nice guy but I already cleared it up on him na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya ng magtapat ito ng feeling after ng taping namin. He asked me to grab a cup of coffee with him at may sasabihin daw siya, I accepted it dahil okay naman siya and the rest is history. No one knows that he already confessed, at wala din naman akong balak ipag kalat and I'm happy that he's good with my decision.

"Dami mong alam" natatawa at pabirong siniko nito si EA.

Napailing nalang ako at nagpaalam na aalis muna para pumunta sa side nila Barbie nang kawayan ako nito na ngayon ay nag tutumpukan kasama sila Christian, Kuya Mark, Ate Aicelle at Gabbi sa isang gilid.

"Huy bakit?anong meron?"

"Julie, goodluck" tanging sabi ni Christian bago tapikin ang likod ko kaya sinundan ko ito ng naguguluhang tingin bago ibaling ito kila kuya Mark na ikinakibit balikat nalang nito sabay abot sa akin ng iisang papel.

"Goodluck bunso" ate Ai said na may ngiting mapanukso before silang magkaakbay na umalis ni Kuya Mark. Kaya ngayon kami nila Barbie at Gabbi ang naiwan sa pwesto namin.

"Anong meron sa mga yon?" Nagtataka kong taking sa dalawa.

"Girl, basahin mo muna yung nasa papel" Natatawang sabi ni Barbie kaya wala akong nagawa kung hindi ang basahin ito dahil mukhang walang balak magkwento tong mga kasama ko.

I open it at tahimik na binasa ang inlalaman ng sulat. After reading ay nagkataas kilay akong humarap sa kanila.

"And?"

"Gaga anong and ka diyan. Magalona brothers will be guesting here on AOS tapos ganyan lang reaction mo? Gorl Mr. Elmo Magalona is one of them" tuloy tuloy na sabi ni Gabbi na ikinangiti ko ng may maalala.

"Wait a minute... He's your crush right?" Nakakalokong ngiti ang binigay ko dito na sinabayan pa ng mapang asar na tawa ni Barbie na ikinabusangot nito.

"Wag nga kayo, matagal na yun no" nakahalukipkip na sabi nito at panay ang iwas sa kakatusok ni Barbie sa tagiliran niya.

"Sus atleast naging crush mo. Do you have a picture with him" pang gagatong ko.

"Wala" maikling sabi nito na may ngiti na sa labi at pilit na tinatapik ang kamay ni Barbie para magtigil na.

"This is your chance girl" high pitched na sabi nito na may kasama pang pag palakpak na ikinailing ko nalang habang natatawa sa kanilang dalawa. I'm enjoying their conversation ng bigla silang tumigil at sabay na humarap sa akin.

"Hoy inililihis mo kaming bruha ka. So ano nga?"

"Anong ano nga kayo diyan." Natatawa kong sabi habang unti unting umaatras dahil sa unti unti nilang pag lapit sa kain.

"Anong plano mo?" Nakataas kilay na tanong ni Barbie.

"Plano? Para saan?" Naguguluhan kong tanong.

"What if bigyan kayo ng prod together, tatanggapin mo ba?" Gabbi asked.

"Why not?" Mabilis na sagot ko na ikinatili nila ng sabay "hoy ano ba" saway ko sa dalawa ng para silang mga sinisilihan sa sobrang likot.

"Omg! Really Julie? Walang echos?" Excited na tanong ni Gabbi.

"Yes, of course. It's work" simpleng sagot ko na ikinayakap nito sa akin.

"Omg talaga Julie" sabi nito sabay hiwalay sakin at pinag claps ang dalawang kamay "my childhood ship is sailing" sabi nito na ikinabanok sa kanya ni Barbie. Gabbi and I ay gulat na napatingin kay Barbie dahil sa ginawa nito.

"Gaga ang exaggerated ah, childhood ship talaga? Tapos sailing?" Natatawang sabi nito.

Gabbi rolled her eyes before facing Barbie and that's how their arguments began. At dahil don ay nagkaroon ako ng chance na umalis para tumakas sa paniguradong madami pa nilang pang aasar na gagawin sa akin.

Papasok na sana ako papunta sa back stage when Direk Mark called my attention.

"Yes po Tay, bakit po?" Magalang na tanong ko.

"Nakabisado mo ba?" He asked.

"Naman Tay, ako pa ba? Kami pa ba?" Makahulugan kong sabi sabay ngiti. When he nod his head as a sign that he's contented to my answer ay nag excuse ako na papasok muna. I feel so thirsty kaya makainom muna bago sumalang ulit.

Minutes later ay tinawag na ulit ako for the rehearsal and this is the prod kung saan ay kasama kong mag perform ang magkapatid na Magalona. As soon as I reach the side of the stage ay puro matang mapanukso ang nakita ko, well yung mga taong nakaabot lang naman sa tandem namin ang nang aasar and the rest ay mukhang nahawa lang at ang iba naman ay mukhang mga interesado lang dahil sa mga reaction na nakikita nila. Nang magtama ang mga mata namin ni Ate Ai ay inirapan ko lang ito ng may ngiti sa labi dahil nag uumpisa na siyang sumenyas sa kada mag tatama ang mga mata namin.

"Ate" Arkin greeted me ng magkatabi na kami ng pwesto.

"Hey Arkin, your a grown up man na. Ang bilis ng panahon" nakangiti kong bati dito at ginulo ang buhok nito na pilit namang iniiwasan ang kamay ko.

"Ate naman, magugulo ang buhok ko" Natatawang sabi nito.

"Sus binata ka na talaga" natatawa kong sabi.

"May girlfriend na nga yan eh pero isip bata pa din" tumatawang sabat ng tao sa likod namin.

Nag aalangan akong napatingin sa likod ko. For the past years parang ngayon nalang ulit kami mag kikita. As soon as our eyes met ay mag ngiti na ito sa labi.

I smile back and said, "hey"

Yeah I know parang tanga lang ako, eh sa hindi ko alam kung ano ang sasabihin eh. At mukhang iisa lang kami ng nararamdaman, bakit? Wala din siyang sinabi after I greet him. Kaya ngayon para kaming timang na nakatitig lang sa isa't isa, walang gumagalaw at tanging pag aanalisa lang ang ginagawa namin na kung hindi pa tinawag ni Arkin nag pansin namin ay baka hanggang ngayon eh magkatitigan pa din kami.

"Hello Earth po" tumatawa nitong sabi "baka magkatunawan kayong dalawa, usong mag salita" he added.

Pinamulahan naman ako dahil sa sinabi nito at nag iwas ng tingin katulad ng ginawa ng Kuya niya kaya mas lumakas ang tawa nito na ikinatawag ng pansin ng ibang tao na malapit sa amin. Hindi ko alam kung pano nagsimula pero nag hahabulan na kami dito ni Arkin paikot sa mga upuan dito sa gilid habang tumatawa. I know it's childish but I miss this.

"Hey stop it you two malapit na tayong mag start" Natatawang pigil ni Elmo sa amin at ng hindi kami nagpaawat ay hinuli na niya ang bewang ko at bubuhat ako saka ibinaba sa iisang gilid para matigil sa pag takbo. Sa mga oras na yon parang tumigil ang mundo ko, the hell, sinong hindi kikiligin kung may bubuhat sayo ng ganong at the same time nahihiya din at gustong gusto ko ng lumubog at magtago sa ilalim ng lupa dahil sa bitawang naririnig ko. I didn't dare to look at them dahil hindi ko talaga kaya, even the staff and directors are teasing us. Kaya imbis na humiwalay ako kay Elmo ay mas isinubsob ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya at doon itinago ang namumula kong mukha.

Hehe tiyansing chos, ang bago. Harujusme self mag hinay-hinay, pero ang bago talaga at ang tigas din ng dibdib niya.🙈

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon