Chapter 1: MARIA

831 44 13
                                    

Maria's POV

Maaga akong gumising para maghanda ng breakfast. Yeah, ako palagi ang naghahanda ng breakfast para sa mga magulang ko dahil parehas silang may trabaho.

Wala silang oras para maghanda ng agahan dahil parehas silang ginagabi ng uwi; minsan madaling-araw pa.

Kahit na nag-aaral ako, kailangan ko silang pagsilbihan. Yeah, it's my duty pero ayos lang. Nakasanayan ko naman ito tuwing umaga.

Pagkatapos kong magluto ng sinangag, itlog at hotdog ay umupo na ako sa lamesa para kumain.

Hangga't maaari, ayokong sumabay sa mga magulang ko na kumain.

"Oh anak! Nauuna ka na naman kumain. Hindi mo man lang kami hinintay ng daddy mo," sabi ni mom.

"Kailangan ko pong pumasok ng maaga sa school. May kailangan po kasi kaming tapusin ma project."

Ngumiti na lang sa akin si mom...

"Wow! Nakakagana talaga kumain ng almusal kapag ang unica hija ko ang nagluto," rinig kong sabi ni dad.

Hindi ko mapigilan ang kamay ko...

Nanginig bigla ang kamay ko kaya nagmadali na akong kumain. Tumayo na lang ako bigla at naglakad palabas ng pintuan.

"Wala ka bang balak magpaalam sa amin na papasok ka na sa school?" Rinig kong sabi ni mom.

"Hayaan mo na. Baka tinotoyo lang? Ganyan naman kayong mga babae hahahaha," sabi naman ni dad.

Hindi ko na sila pinansin at dumeretso na ako sa school. Naglalakad lang naman ako dahil malapit lang ang school.

Ang totoo, hindi ko naman talaga kailangan pumasok ng maaga.

I lied...

Hindi ako sinungaling na tao pero anong point na magsabi ka ng totoo kung alam mo naman na walang makikinig sa'yo.

It's better to tell lies or to shut up...

No one will listen...

"Good morning class. May bago kayong classmate. Kakalipat lang daw niya ng bahay kaya ngayon lang siya nakapag-enroll."

My classmates looks so interested...

Honesty, wala naman akong pakealam. Wala naman kasing may gusto na maging kaibigan ako.

"Welcome to our class..."

May pumasok na lalake sa classroom namin. Maputi siya; kutis babae.

Sa totoo lang, mas makinis pa yata ang balat niya sa akin. Ang ganda ng mga mata niya; mukha siyang inosente tignan.

Nakasuot siya ng itim na hoodie...

"Magandang araw! Ako si Samael. Pwede niyo ako tawaging Sam."

Ang kalmado ng boses niya at mukha siyang mahiyain. Halatang kinikilig ang mga babae dito sa classroom.

Cute siya at mukhang mabait...

Ganyan naman ang mga lalake. Akala mo sa umpisa, mabait. Akala mo inosente sila. Isa lang naman ang gusto nila.

Napansin yata niya na bakante ang upuan sa tabi ko kaya dito na siya umupo. Bigla siyang ngumiti sa akin bago siya umupo.

Sa totoo lang, sobrang inosente niyang tignan at mahiyain.

Lunch break namin at mag-isa lang ako sa table. Yeah, lagi naman akong mag-isa. Mas sanay ako na ganito.

"Hmmm... Maria, pwede ba akong umupo dito sa harapan mo?"

Napahinto na lang ako sa pagkain at si Sam pala ang nasa harapan ko.

SamaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon