Chapter 7: TROY

226 35 13
                                    

Nagising na lang ako ng maaga dahil akala ko may pasok pa sa work.

Yeah, nakalimutan ko na nag-file nga pala ako ng vacation leave para mas maalagaan ko ang anak ko.

Tama si Sam, dapat bigyan ko ng atensyon si Troy para hindi siya maging pasaway. Siguro nga, malaki na ang pagkukulang ko sa bata.

Kagaya ng request sa akin ng anak ko, kinuha ko na si Sam para maging private nurse niya. Ewan, mas close pa sila ng nurse na 'yun.

Bumangon na lang ako dahil balak ko sana ipaghanda ng breakfast si Troy.

Pagpunta ko sa dining ay nabigla ako dahil may nagluluto. Wala kaming kasambahay dahil nag-resign at may aasikasuhin daw sa probinsya.

"Good morning Sir Ruiz!"

Nakangiti lang siya sa akin...

Ewan, may kakaiba sa ngiti niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano.

Habang nakangiti sa akin si Sam ay mas napansin ko na cute pala talaga siya. Ang kinis ng balat niya.

"Umupo na po kayo sir. Ako na po ang bahala sa breakfast niyo ni Troy. Malapit na po akong matapos."

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to dahil hindi ka naman kasambahay," sabi ko na lang.

Ngumiti lang siya...

Umupo na ako sa may lamesa at naglapag na siya ng kape. Napakunot na lang ang noo ko.

"Siguraduhin mo na hindi 'to instant coffee dahil itatapon ko talaga 'to," sabi ko sa kanya.

Natawa lang siya sa akin...

"Tama po si Troy, masyado raw po kayong conscious sa pagkain kaya naman po pala ang gwapo niyo."

Natigilan ako sa sinabi niya...

Ewan, alam ko naman na gwapo ako pero hindi ako sanay na may ibang tao na nagsasabi ng ganyan sa akin.

Tinikman ko na lang ang kape at natigilan ako dahil sa lasa.

K-Kalasa ito ng kape na tinitimpla ng namatay kong asawa. Napatitig na lang ako kay Sam at nakatingin din siya sa akin.

"Bakit po sir? Hindi po ba ako masarap magtimpla ng kape?"

"Hmmm... Pwede na."

Natawa na lang siya...

Halata siguro sa hitsura ko na nagustuhan ko ang timpla niya kaya natawa siya sa akin.

After two years, tanda ko pa rin ang lasa ng kape ng asawa ko. Hindi ko alam kung bakit pareho sila ng timpla ni Sam.

"Ano nga pala ang gusto mong itawag ko sa'yo? Nurse Sam or Sam na lang?"

Honestly, I respect people kung ano ang gusto nilang itawag ko sa kanila.

"Samael po ang pangalan ko. Pwede niyo naman po ako tawaging Sam."

"Kung ganun, tatawagin na lang kitang Samael. Ang ganda ng pangalan mo para tawagin lang kitang Sam."

Nabigla siya...

"Bakit?"

"Bihira lang po kasi may tumatawag sa akin ng Samael," sabi niya.

Ewan, siguro sa trabaho ko rin. Mas prefer kasi na surname ang itawag para formal. Ayoko rin naman tumawag ng nickname sa tao.

Yeah, marami akong arte sa buhay but that is me. No one will change that.

"Good morning daddy! Good morning din Nurse Sam! Nasaan na ang breakfast ko?"

Napakunot ang noo ko dahil ang aga magising ng anak ko. Madalas kasi, tanghali na 'yan nagigising or kailangan ko pa gisingin ng maaga.

SamaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon