Troy's POV
Haaayyy! Ang lungkot naman dito sa hospital. Na-confine na naman ako dahil malikot daw ako! Sabi kasi ng doctor ko, 'wag raw ako masyadong malikot.
Ang boring dito!
"Naku! Nagkita na naman tayo ulit! Siguro naglikot ka na naman!"
Wow... Nakita ko na naman ang lalake na laging nakasuot ng all white na damit. Maputi siya tapos super cute!
He looks like an angel!
Napangiti na lang ako dahil pumasok na sa room ko si Nurse Sam!
"Hi Nurse Sam! Miss mo ba ako?"
Ngumiti na lang sa akin si Nurse Sam at inayos niya ang buhok ko. Siya ang favorite ko na nurse dito kaya request ko palagi na siya ang mag-aalaga sa akin tuwing nandito ako sa hospital!
"Miss na rin kita Troy! Ikaw talagang bata ka, sabi ni doc dapat 'wag ka masyadong malikot di'ba?"
"Oo nga po! Kaso po sobrang boring sa bahay tapos nagbakasyon pa si yaya kaya naglalaro lang ako."
My name is Troy! 8 years old na ako! Kaso, wala ako masyadong friends kasi palagi na lang akong nasa bahay.
Bawal din ako masyadong malikot kasi may sakit ako sa puso. Malapit na raw ako operahan kaya dapat behave lang ako.
Pabalik-balik ako dito sa hospital tuwing napapagod ako maglaro.
"Pagagalitan ka na naman ng daddy mo kapag binisita ka mamaya," sabi ni Nurse Sam.
"Naku! Lagi naman po ako pinapagalitan ni daddy!"
Bigla niyang kinurot ng mahina ang pisngi ko. Close na close talaga kaming dalawa ni Nurse Sam!
"Ikaw naman kasi, malikot ka masyado. Hindi ka siguro makikinig sa daddy mo!"
Ngumiti na lang ako ng alanganin...
Lagi naman kasi talaga akong pinapagalitan ni daddy! Wala naman akong magawa sa bahay. Wala rin akong friends bukod kay Nurse Sam.
Sa totoo lang, sinasadya ko talaga na maglikot at mapagod kakalaro para lagi ko nakikita si Nurse Sam.
"Nurse Sam... Baka pwede po, doon ka na lang tumira sa house namin para lagi kita kasama! Malaki ang house namin!" Sabi ko.
Ngumiti siya...
"Troy... Hindi naman ako pwede maging private nurse mo unless, daddy mo ang mag-aalok sa akin."
Hala! Tama si Nurse Sam! Kailangan lang na mapilit ko si daddy na sa house na lang namin tumira si Nurse!
Ang kaso lang, hindi naman kasi nakikinig sa akin si daddy.
"May surprise pala ako sa'yo, Troy."
Hala! Na-excite naman ako! Nakangiti lang sa akin si Nurse Sam at may kinuha siya sa paper bag na dala niya.
"Surprise! Alam kong favorite mo 'to!"
"Hala! Chocolate cake! Thank you po Nurse Sam! Love na love kita!"
Nakakatuwa talaga si Nurse Sam! Lagi siya may surprise sa akin tuwing nandito ako sa hospital. Alam niya ang mga favorite ko lalo na ang chocolate cake.
"Say ahhhhh..."
Ngumanga na lang ako at sinubuan ako ni Nurse Sam! Sobrang sweet niya talaga sa akin kaya love na love ko siya.
Sinusubuan lang ako ni Nurse Sam. Ewan ko ba, happy ako palagi sa tuwing dinadala ako sa hospital kasi makikita ko si Nurse Sam.
Naubos ko na ang chocolate cake...
BINABASA MO ANG
Samael
Mystery / Thriller"Hell is not a place; it is the people." Handa ka na bang sumama kay Samael?