Chapter 13: YURI

178 24 6
                                    

Lumipas ang ilang buwan at magaling na ang kamay ni Ethan. Actually, mabait namam pala siya. Medyo naging seryoso lang gawa ng malaki ang problema niya.

Sabi niya sa akin, ok na raw siya...

Si Sam naman, hindi pa umaalis. Kailangan ko raw matutunan muna ang recipes niya ng perfect bago niya kami iwan.

Sa totoo lang, mas naging close kami ni Ethan ngayon. Napapansin ko na palagi na siyang nakangiti.

Si Sam naman, palagi niya kaming inaasar ni Ethan. Ewan ko ba kay Sam, talagang pinagtutulakan niya kami ni Ethan sa isa't-isa.

Gwapo si Ethan, matangkad tapos hot kaso ayoko kasi mahulog ulit ng wala naman assurance.

Never naman nagsalita si Ethan kapag inaasar kami ni Sam. Ayoko naman na mag-assume unless otherwise, it is stated.

Mukha rin kasing straight si Ethan...

Alam niyo na kapag straight, trap 'yan. Valentine's day ngayon eh. Maraming customers sa bakeshop.

Sa totoo lang, marami talagang customers kahit walang occasion pero doble or triple pa kapag ganitong araw. Mabenta kasi ang cakes.

Tinapos na namin ni Sam ng maaga ang orders ng mga cake kaya nagpapahinga na lang kami.

"Yuri..."

Napatingin na lang ako kay Ethan at nakangiti lang siya sa akin.

"Ano 'yun?"

"Hmmm... Halika, may ibibigay ako."

Bigla niyang hinatak ang kamay ko at mukhang excited pa siya. Dinala niya ako sa kusina ng bahay at may pulang box na malaki.

"Ano 'yan? Bakit dinala mo ako dito?"

"Hmmm... Naalala mo ba? Nangako ako sa'yo dati na ipagbi-bake kita kapag gumaling na ang kamay ko."

Ewan ko kung bakit pero napangiti na lang ako. Akala ko kasi nakalimutan na niya dahil matagal na niyang sinabi 'yun.

"For you... Sana magustuhan mo."

Binuksan ko na lang ang box at may laman na strawberry cake. Hugis heart ang cake kaya medyo natawa ako sa kanya.

Ewan, natawa na lang ako para hindi masyadong awkward. Hindi ko kasi alam kung kikiligin ako or what.

Sabi ko nga, delikado mag-assume...

"Dali, tikman mo na! Subuan kita!"

Kumuha siya ng platito at tinidor. Siya na rin ang nag-slice ng cake at sinubuan niya ako.

Shuta! Ang sarap!

"Kamusta ang lasa?"

"Sobrang sarap ah!"

Napangiti na lang siya. Grabe, ito 'yung cake na hinahanap ng ibang customers pero hindi raw available sabi ni Sam.

Hindi ko alam na kay Ethan pala 'yung strawberry cake na hinahanap ng customers.

Kumain na lang ako ng cake at sinubuan ko na rin siya.

"Happy Valentine's Yuri."

"Happy Valentine's din, Ethan."

Sobrang sarap nitong cake. Hindi ko 'to pagsasawaan. Delikado ito, parang kaya ko yata ubusin hahahahah.

"Alam mo Yuri, sobrang thankful ako dahil dumating ka dito."

"Kasi may companies na nag-oorder ng recipes ko? Ilang beses ka na nag-thank you sa akin about doon hahahah."

Umiling-iling siya...

SamaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon