Chapter 3: MARIA

319 36 13
                                    

Pumasok na lang ako sa school. Uwian na ngayon kaya nandito lang muna ako sa may bench.

Nakatitig lang ako sa mga bata habang naglalaro sila. Sobrang saya ng mga bata. Ang inosente pa nilang lahat.

Madalas akong tumatambay dito sa bench malapit sa playground para panuorin ang mga elementary na naglalaro.

Sa kabilang banda, medyo gumagaan ang loob ko kapag pinapanuod ko ang mga bata na naglalaro. Masaya silang panuorin.

Naalala ko tuloy noong bata pa ako...

Walang trauma...

Sana hindi na lang ako nabuhay kung ganito lang pala ang sasapitin ko. Ang lupit ng mundo. Naalala ko pa ang sinabi ko kay yaya.

Sana hindi na ako nagdalaga...

Habang tumatanda ako ay mas nauunawaan ko ang nangyari.

Alam ko, biktima lang din si yaya kagaya ko pero pinatay siya ni mom. Hindi man lang pinakinggan ang paliwanag niya.

Sobrang sama ni mom...

Pareho sila ng daddy ko. Sobrang malas ko dahil ako ang naging anak nila. Hindi ko alam kung kailan ako makakaligtas sa impyerno na ito.

Habang naglalaro ang mga bata ay napatayo tuloy ako dahil nakita ko ang isang batang babae na nadapa.

Nagmadali akong lumapit para matulungan ko siya.

"Ok ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Dapat nag-iingat ka!" Sabi ko.

"Thank you po. Ok lang naman po ako. Ang ganda niyo naman po!"

Maganda ako?

Siguro kung ibang tao ang sinabihan ng maganda, matutuwa sila pero hindi ako ganun.

Isang sumpa na maganda ako. Ito ang dahilan kaya pinagnanasahan ako ng sarili kong ama. Kahit kailan, hindi ko nagustuhan ang hitsura ko!

"Hala! May marks ang wrist mo!"

Nagulat ako dahil nakita ng bata ang mga peklat sa pulso ko! Nagmadali akong ibaba ang suot kong jacket para itago ang mga peklat ko.

"Bakit niyo po tinatago 'yan?"

Hindi ako makasagot sa kanya. Lagi akong nakasuot ng jacket para hindi nila makita ang maraming peklat ng kutsilyo sa pulso ko.

"Anghel po ba kayo?"

Nabigla ako sa tanong niya...

Napakunot na lang ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Nakangiti lang sa akin ang batang babae na parang natutuwa pa siya.

"H-Hindi ako anghel..."

"Naku! Sigurado po ako na angel ka!

"Teka nga... Paano mo naman nasabi na anghel ako?" Tanong ko na lang.

"Sabi po kasi ng mommy ko, may mga ganyan daw po na marka sa pulso ang mga anghel."

Nabigla ako dahil sa sinabi niya...

"Ang sabi ni mommy, minamarkahan daw po ng mga anghel ang pulso nila kasi ayaw na nila dito sa earth. Sinisira daw po kasi ng earth ang mga anghel kaya gusto nila bumalik na lang sa langit."

Ang sakit sa dibdib ng sinabi niya. Bata pa siya at inosente kaya alam ko na hindi niya alam ang ibig-sabihin ng mommy niya.

Namumuo ang luha sa mga mata ko...

"Alam mo, sobrang talino pala ng mommy mo. Mana ka sa kanya."

"Thank you po! Anghel din po kasi ang mommy ko pero bumalik na po siya sa langit."

SamaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon