Ang lamig ng hangin...
Umalis na pala ang lahat ng mga tao dito. Ako na lang ang naiwan. Palubog na ang araw. Ako na lang mag-isa.
Ang sakit sa dibdib...
Ternong itim na damit ang suot ko. Hindi ko inakala na iiwan na rin ako ng anak ko.
Hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko. Akala ko, magiging ligtas siya pagkatapos niyang ma-operahan sa puso pero hindi pala.
Nagkaroon ng komplikasyon at hindi kinaya ng anak ko. Bakit?
Bakit kailangan mangyari ito?
Troy, anak... Bakit iniwan mo akong mag-isa? Bakit sumama ka na kaagad sa mama mo?
Hindi ko alam kung sino ang dapat kong kausapin. Tama nga sila, ang pinaka-masakit para sa isang magulang ay ang ilibing ang sarili niyang anak.
Masyado pa siyang bata...
Marami pa akong pangarap na gusto kong maabot ng anak ko. Iniwan kaagad ako ni Troy.
Para akong paulit-ulit na sinasaksak sa dibdib habang nakatitig ako sa lapida niya.
Hindi ko matanggap...
Bakit Troy? Naging mabuti naman akong ama sa iyo. Binigay ko naman lahat ng gusto mo. Bakit sumama ka na kaagad sa mama mo?
Ang sakit...
Lahat ng pagod ko sa trabaho para lang makaipon sa operasyon niya, mauuwi lang pala sa lahat.
Tiniis ko lahat ng pagod. Ginawa ko ang lahat para mailigtas ang anak ko pero kulang pa rin. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko para kunin sa akin ang anak ko.
Mabuti naman akong tao...
Masakit mawalan ng asawa pero hindi ko alam na mas masakit pala kapag anak ang nawala.
Sobrang sakit...
Pakiramdam ko, sobrang laki ng pagkukulang ko kahit na ginawa ko naman ang lahat para mailigtas siya.
Hindi ko na makikita ulit ang ngiti niya na nagpapawala ng pagod ko. Ako na lang mag-isa. Ako na lang ulit.
Mahal na mahal kita anak...
Hindi ko alam kung bakit biglang mas lumamig ang hangin sa paligid. Tumayo ang mga balahibo ko.
May narinig akong pagaspas ng pakpak pero hindi ko na pinansin.
"Ruiz..."
Nabigla ako sa boses niya...
Lumingon na lang ako at nandito na pala si Samael. Seryoso lang ang mukha niya na nakatitig sa akin.
Ngayon na lang siya ulit nagpakita sa akin simula ng mamatay si Troy. Iniwan ako ni Samael. Ngayon lang siya nagpakita at sa mismong libing pa ng anak ko.
Hindi ko na siya pinansin at binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa puntod ng anak ko.
"Hindi kita pipigilan kung gusto mong bisitahin ang anak ko."
"Hindi ako nandito para sa anak mo..."
Nabigla ako dahil sa sinabi niya...
I just balled my hands into fists...
Nanginginig ako sa sobrang sama ng loob. Wala si Samael sa tabi ko noong namatay si Troy!
Kailangan ko siya. Kailangan ko ng taong masasandalan noong namatay si Troy sa hospital. Iniwan niya rin ako! Bigla siyang nawala na parang bula!
BINABASA MO ANG
Samael
Mystery / Thriller"Hell is not a place; it is the people." Handa ka na bang sumama kay Samael?