Ang sikip ng dibdib ko...
Kinakapos ako ng hininga habang tumatakbo sa hallway ng hospital.
No...
Please no...
Nakarating ako sa room niya at hindi ako pinapapasok ng doctors. Naiwan lang ako sa labas ng emergency room.
Napaupo na lang ako sa gilid...
Ang sakit sa dibdib. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Tinakpan ko na lang ang mukha ko at nagsimula na akong umiyak.
Ang init ng mga luha ko...
Hindi ko alam na mangyayari ito...
Napansin ko na may batang umiiyak malapit sa akin at katabi niya ang mga magulang niya. Mukhang takot na takot 'yung bata.
"Hijo... Kaano-ano mo siya?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Kaano-ano ko nga ba si Ethan?
Pinunasan ko na lang ang mga luha ko at tumayo na ako. Takot na takot ang batang babae na anak nila.
"Ano po ang nangyari?"
Napaiwas sila sa tanong ko. Basag na ang boses ko kaya wala akong balak na ulitin ang tanong ko.
Tumingin sa akin ang tatay...
"Naglalaro kasi 'yung anak namin sa playground. Muntik na siyang mahulog sa may under construction na hukay malapit sa playground. Niligtas niya ang anak namin kaya siya ang nahulog. Nabagok ang ulo niya."
Napatakip na lang ako sa bibig...
Hindi ako makapaniwala na mabuting tao pala talaga si Ethan.
Masakit para sa kanya 'yung hinalikan ako ni Ivan pero kahit na nasasaktan siya, mabuti pa rin siyang tao. Ethan, I'm so sorry.
Lumabas na ang doctors...
"Doc kamusta si Ethan? Please po sana sabihin niyo na ok lang siya."
"Kailangan pa namin i-monitor ang pasyente pero stable naman ang lagay niya ngayon."
Umupo na lang ako...
Naramdaman ko na may yumakap sa akin. Kilala ko kung sino siya. Ramdam ko ang mainit niyang yakap.
"Huwag ka matakot..."
Umiyak na lang ako. Ayokong mawala si Ethan. Ang sakit sa dibdib. Hindi ko kaya na mawala siya. Importante siya sa akin.
"Alam ko na mahalaga siya sa'yo..."
Napatingin na lang ako kay Ivan at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.
Ayaw na ayaw kasi niyang nakikita na umiiyak ako. Hindi ko naman kayang pigilan ang sarili ko.
Hinawakan ni Ivan ang mga kamay ko at ngumiti siya ng mapait sa akin.
"Huwag ka mag-alala, Yuri. Hindi ka niya iiwan kagaya ng ginawa ko."
Pinunasan na lang niya ang mga luha ko. Hindi ko alam na darating dito si Ivan para damayan ako.
"Alam mo na nasasaktan ako kapag umiiyak ka. Please Yuri, magtiwala ka lang. Magiging ok din ang lahat."
Alam ko na masakit para kay Ivan ang mga sinasabi niya ngayon sa akin. Alam ko kasi na mahal niya ako.
"Sorry Ivan, alam ko na nasasaktan-"
"Shhh... 'Wag mo akong intindihin. Ang gusto ko lang naman maging masaya ka."
BINABASA MO ANG
Samael
Mystery / Thriller"Hell is not a place; it is the people." Handa ka na bang sumama kay Samael?